Nilapitan kong mabuti ang larawan. Hindi naman siguro photoshopped iyon dahil hindi pa naman uso that time ata ang photoshop at higit sa lahat ay bata pa kami sa larawan!
"Misis..."
Narinig ko ang muling pag-ungol ni Ganymede pero bahala siya sa buhay niya dahil tinitignan kong mabuti ang larawan na ito. Hahaplusin ko na sana ng narinig kong bumukas ang pintuan at ilang sandali pa ay pumasok ang isang may katandaang babae.
May dala itong palanggana at bimpo. Tinignan niya ako bago siya naglakad patungo sa gilid ng kama at ipinatong sa side table ang dala.
"Magandang gabi ho, ma'am. Kayo raw ho ang nagdala kay Sir Gan dine sa bahay?" Tanong nito sa akin. Tumango ako sa kanya at lumapit dito.
"Magandang gabi rin po. Pasensya na po sa abala. Nalasing po kasi masyado siya kaya nagkaganyan po." Paliwanag ko sa matandang babae.
Tumango naman ito sa akin. Dinampot nito ang bimpo at sinimulang punasan si Ganymede.
"Kung hindi niyo ho mamasamain, ma'am. Ano ho ang pangalan niyo?" Tanong nito habang pinupunasan ang braso ni Ganymede.
"Isabelle po."
Tumango na lang ulit ito bilang sagot bago lumingon sa akin at itinuro ang larawan na nasa cabinet "Kayo rin iyon noh, ma'am?"
"Po?" Bigla kong tanong sa kanya sabay tingin ko rin muli sa mga larawan. Shucks! Andoon nga yung picture ko. No reason to hide na! "O...opo"
Ngumiti ang matandang babae bago inabot sa akin ang bimpo, "Kayo po pala ang asawa ni Sir Gan. Antagal po niya kayong hinintay at nakakatuwa naman na nagkita na kayong dalawa."
Naguguluhang sinabayan ko ang tingin nung babae sa sinabi niya. Ako hinintay? Bakit?
"Ano pong ibig niyong sabihin?" Naguguluhan kasi ako sa mga sinasabi niya. Masyado nang maraming ganap kaya hindi ko na kayang magdagdag pa ng ibang kaganapan sa utak ko.
"Yung babae raw po sa picture na yan ay asawa niya. Sabi niya noong nag-aaral siya pinakasalan daw niya yang babae pero makalipas daw ng anim na buwan ay umalis ito at hindi na bumalik. Akala namin nakalimutan na niya yan pero noong lumipat siya dito noong nakaraang buwan ay nakakabit na yang larawan na iyan at pati yung maliit na frame ay may larawan mo. Napakaganda mo pala talaga. Kaya pala hindi ka malimutan ni Ganymede dahil para kang diyosa." Hinawakan nung matandang babae ang kamay ko "Alagaan mo siya at wag mo nang iiwan. Halos ako na ang nagpalaki kay Ganymede at hindi ko alam na ganyan pala ang pinagdaanan niya noon."
Tumayo ang matandang babae "Ako si Manang Beth. Tawagin mo na lang ako kapag kailangan mo ang tulong ko." Naglakad ito papunta sa pintuan at lumabas.
Wait!
After six months ng relasyon namin ay iniwan ko siya? Maybe it was the time of my operation pero paano ba kami nagsimulang dalawa. Tinignan ko ulit si Ganymede na umuungol sa kama. Umupo na lamang ako doon at tinitigan siyang mabuti.
Mas mukha siyang anghel kapag tulog siya. Matangos ang ilong, magandang pilik-mata, manipis ang mapula niyang labi at halos walang pores na nasa mukha niya. Daig pa niya yung mga kasama kong models sa Singapore.
Imagine ang swerte ko naman kung pinakasalan ko siya dahil ang gwapo niya ha! Bias man pero I think mas gwapo siya sa mga kapatid niya.
Nilapitan ko siyang maigi at hahaplusin ko sana ang pisngi niya nang mahila niya ako sa gilid niya.
Nakayakap tuloy siya sa akin habang ang braso niya ay nasa bewang ko. Tinangka kong tanggalin pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Chain of Memories
RomanceThe Montevera Series #3 Union of love The memories that we had The love that we had In a snap of hand I forgot How can I regain it? How can I remember it? -GS