Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Para akong naestatwa dahil isang lalaki na may suot ng eye glass at naka-gray suit ang nakita ko. Hawak niya ang isang champagne glass.
"Your entrance is very beautiful, My Dear Wife." Sabi nito tsaka uminom sa hawak niyang champagne glass. Hindi naman siya umaalis sa pwesto niya pero parang hindi ako makahinga sa presensya niya.
Hindi ko talaga matandaan na nagkaroon ako ng asawa noon. Ano ba itong pinasok ko noong nag-aaral pa ako? Nakatitig siya sa akin na para bang nagtataka sa mga kinikilos ko.
"Hindi ka ba masaya na nandito na ako, Misis? Dahil after 10 years nagkita ulit tayo. Ano nga bang nangyari sa iyo at iniwan mo ako?" tanong niya sa akin.
Paano ko naman masasagot ang tanong niya kung mismong mga tanong ko sa buhay ay hindi ko masagot?
Huminga ako ng malalim tsaka umayos nang pagkakatayo. Geez! I should be professional, hindi pwedeng ganito! Sinalubong ko ang tingin nung lalaki pero para bang may kung ano sa loob ko na pumipigil na sumagot sa kanya.
"The last time I checked you're already known around the world. Forgive me my wife for not knowing your fame. I'm studying for my Master's Degree in U.S.A during those time and I'm preparing myself for the Bar Exam that I should took up in U.S as well therefore I'm not aware that you're famous that time but now I already know how famous you are, Misis." Inalog nito ang hawak na champagne glass at doon binaba ang tingin.
Binistahan ko siya mula ulo hanggang paa. Matikas siya at mukhang alam na alam kung ano ang sinasabi. Malakas ang appeal niya pero natatakot akong lumapit sa kanya o anuman. Lumingon ako sa paligid para tignan kung parating na si Lorainne pero ni anino ay wala pa. Saan ba umihi yung taong iyon?
"Looking for Lorainne?" tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya hindi ko alam na nakatingin na pala siya sa akin.
"Nasa loob na iyon. Actually, I used her para makausap ka dito."
Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. "Excuse me?" unang salita na sinabi ko sa kanya.
"Are you manipulating her? Wait, let me re-phrase, are you manipulating me?" tanong ko sa kanya.
Ngumisi lang siya pagkatapos ay binaba niya ang hawak niya sa bench na nandoon tsaka siya humakbang papalapit sa akin. Hindi niya binababa ang titig niya sa akin.
Gusto kong humakbang papalayo sa kanya pero baka mas makita niya na natatakot ako sa kanya kaya sinalubong ko na lang din siya nang tingin at pinigilan ko ang sarili ko na humakbang papalayo.
Pero habang papalapit siya ay mas nakikita ko nang malapitan ang itsura niya. Mas kita ang jaw line niya, yung tangos ng ilong, yung labi at ang mga mata niya na nahaharangan lang ng eye glass.
Gwapo siya at para magkaroon ng asawa na katulad niya ay nakakapangduda.
Naramdaman ko na lang na nasa harapan ko na siya at ang kamay niya sa likod ko na hinapit ako papalapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko at iniharang ko ang mga kamay ko sa dibdib niya.
"You know what, you ruined my life" madiin niyang sabi sa akin habang nakatitig pa rin sa akin. Pumiksi ako sa kanya pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa akin.
"What the fuck you were saying?" tanong ko sa kanya. Paano ko naman nasira ang buhay niya e siya nga itong sumira nitong buhay ko dahil sa issue na ito.
"You were the one who ruined my life. I don't fucking remember marrying someone like you! And because of you my Father threatened me that he will disown me if I didn't fix this fvcking issue of being married! Geez, Dude, I was fourteen years old that time and you know what I can't remember anything that happened to me when I was fourteen! So please stop saying that I ruined your life because it is you..." dinikdik ko pa ang daliri ko sa dibdib niya "...who ruined my life!" pinilit ko ulit na kumawala sa kanya
"Shit! Will you please let me go?"tanong ko sa kanya pero hindi niya ako binitawan.
Nakangisi lang siya sa akin na para bang nakakatawa ang lahat ng sinabi ko sa kanya.
"Ano ba!" tanong ko sa kanya "Naiinis na ako sa iyo ah!"
Umiling muna ito bago magsalita "Tsk. Mali ka, Misis. Ikaw ang sumira ng buhay ko. My father told me to fix this issue because he disowned me already and it is because of you, Isabelle. Hindi rin ako makapasok sa trabaho dahil baka mapatay ko ang mga tao doon sa sinasabi nila sa akin na ang asawa ko daw ay napakaganda, napakaseksi..." tinignan niya ako muna sa mukha hanggang bumaba ang tingin niya sa katawan ko.
"Pervert!" sigaw ko sa kanya tsaka ko pinagkrus ang mga braso ko sa dibdib ko.
"...now I know why they keep on telling me that you're fvcking sexy. Maybe when I came back to my work I will punch their faces or kill them with my hands" tumingin siya ulit sa akin. Kumabog ulit ang dibdib ko sa paraan nang pagtitig niya sa akin.
"So, Isabelle, I think you have to continue being my wife" deklara niya na kinagulat ko.
No way!
Walang pwedeng magdikta nang pwede kong gawin at gusto kong gawin! Kahit sino. WALA!
Gamit ang buong pwersa ko ay tinulak ko siya "NO! Why would I continue being your wife if I don't even like you as my husband? And sorry, Mister Whoever-You-Are, wala akong matandaan na kinasal ako sa katulad mo. No evidence at all so please shut the fvck up" madiin kong sabi sa kanya.
Tumalikod ako sa kanya para pumasok na sana sa loob nang harangin niya ako. "Ano ba! Nakakainis ka na! Hindi nga kita matandaan, pwede ba?! Wala akong matandaan na kinasal ako sa iyo. So please, itigil mo na ang pangungulit mo na ganyan. Please" sabi ko sa kanya.
Hindi ko alam na pumapatak na pala ang mga luha ko dahil sa sinabi kong iyon sa sobrang pagkairita.
Ayaw ko pa naman sa lahat na nagpapakita na mahina ako. Ayokong nakikita nang tao na mahina ako kasi ayokong isipin nila na pwede nila akong makaya-kaya.
Naramdaman ko na lang ang paghila niya ulit sa akin. Handa na sana akong hampasin siya sa mukha nang punasan niya ang luha sa mga mata ko.
"Why are you crying? Sa ating dalawa ay ako dapat ang umiiyak at hindi ikaw di ba?" sabi niya sa akin habang pinupunasan niya ang luha ko.
"I will find whoever release this news and I will make sure that he or she will pay for it" tinitigan ko siya. Kung ang isip ko hindi siya matandaan yung puso ko naman parang helicopter sa sobrang bilis nang tibok.
Para bang pamilyar na pamilyar yung pakiramdam na nandiyan siya sa tabi ko.
Ang nakakalungkot lang ay hindi ko siya makilala. "Please let me go, Mr." mahina kong pakiusap sa kanya. Gusto ko munang mapag-isa kasi gusto kong i-proseso lahat nang sinabi niya sa akin hindi kaya ng isipan ko ang napakalaking impormasyon na natanggap ko mula sa kanya.
Humakbang siya papalayo sa akin habang nakatingin pa din siya sa akin. "I still have so many questions in my mind. Kailangan kong i-process muna lahat nang sinabi mo sa akin." tumalikod ako sa kanya at humakbang papalayo gusto ko sana makausap si Lorainne o kung sino man na pwedeng sumagot sa mga tanong ko.
"You were my first girlfriend, my first love and my wife when we were still in High School" huminto ako sa sinabi niya at napalingon ako sa kanya.
"I can answer all your questions, My Angel." seryosong sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.
He will answer my questions? Eh hindi ko nga maatim na magkasama kami sa mga oras na ito.
I harshly wiped away the tears from my eyes. Umiyak lang naman ako dahil sa sobrang inis ko sa kanya. Nabubwisit talaga ako sa kanya.
I shooked my head, "No need, Sir. I can find answers to my questions." bago ko siya tuluyang tinalikuran at pumasok sa loob muli ng hall.
His presence suffocates me at hindi ako natutuwa doon. I need distance. I want distance from him. Baka sa mga hinahanap kong sagot ay hindi ko pa makita dahil mas madaragdagan dahil sa kanya.
No.
I need to stay away from him.
I'll find answers to these questions in my brain, without his help.
BINABASA MO ANG
Chain of Memories
RomanceThe Montevera Series #3 Union of love The memories that we had The love that we had In a snap of hand I forgot How can I regain it? How can I remember it? -GS