Umuwi kami ng kapatid ko sa bahay na para bang sumabak kami sa isang giyera.
"We're home" sigaw ng kapatid ko pagkapasok namin sa unit namin. Narinig kaagad namin ang pamilyar na tunog ng paglakad ni Mommy. She welcomed us with her open arms and kissed us.
"Naghanda na ako ng dinner. Let's eat muna" yaya ni Mommy sa amin. I changed my clothes first before eating.
She seems different today. Iyon ang napuna ko habang nagbibihis ako. Usually, her eyes are red and swollen from crying ngayon ay hindi. I wonder kung nakapag-usap na ba sila ni daddy tungkol sa relasyon nila.
After taking a very quick half-body shower and changed my clothes ay pumunta na ako sa dining area kung saan naabutan ko si mommy at Nanny Lei na naglalapag ng pagkain namin.
I sat on my regular place which is on the right side of mommy while Matthew is on the left side. Nanny Lei is eating with us too and she's seating beside me.
"How's the school today mga anak?" Umpisa ni Mommy pagkatapos naming magdasal para kumain.
"It's fun Mommy and I already have my new set of friends. Oh by the way..." tumayo ang kapatid ko at nilapitan ang bag niya at kinuha ang ilang pirasong bond paper sa bag niya.
I almost forgot parehas nga pala kami nang pinapasukan kaya may ganoong form din siya. I stood from my chair too and went to my bag and took out the forms that were given to me. I already accomplished some of them like the data sheet for St. Anne pero yung iba ay hindi pa.
"What's these?" Tanong ni Mommy habang tinitignan ang bawat isang papel sabay tango. "So I need to sign on these papers?"
"Opo" sagot ko tsaka ako sumubo nang pagkain.
"Hindi ko na kayo sasamahan na magkapatid sa field trip ah tutal you're both big na kaya kayang-kaya niyo na ang sarili niyo" muling tinignan ni Mommy ang forms bago siya tumayo at kumuha ng pen sa bag niya at pirmahan iyon.
"Anyway I bought dresses for you, Isha, isuot mo dahil matagal pa yung uniform mo and also you Matthew, I bought clothes for you too" nakangiti si Mommy sa amin I wonder how she feels inside.
Kung nag-uusap ba sila ni daddy or hindi pa rin? I want them to talk already so we can go back to Singapore as soon as possible.
Nagmamadali kaming inihatid ni Mommy kinabukasan sa school dahil halos late na rin kami nagising, nagluto lang siya ng mabilis pagkatapos hinatid na niya kami ni Matthew sa school darating daw kasi yung manager niya from Singapore at may mahalaga daw silang pag-uusapan.
As usual pagdating ko sa building namin ay nakatingin na naman sila sa akin. I'm wearing a white top and a floral knee skirt and this time hinayaan kong nakalugay ang buhok ko dahil walang oras para mag-ayos.
"Good morning!" Isang akbay sa balikat ko at malakas na boses ang nagpalingon sa akin. Halos hindi ako makagalaw nang makita ko ulit si Zachary sa tabi ko. Nakangisi siya habang ang mga alipores niya ay nasa likuran niya.
Pumiksi ako mula sa pagkakahawak niya sa akin. "We're not close, Mr." tsaka ako lumayo mula sa pagkakahawak niya tsaka ko narinig ang salitang 'boo' mula sa mga alipores niya. Hindi siguro sanay ang isang ito na mareject.
"Tsk" sabi niya tsaka siya lumingon sa mga kasamahan niya na naging maamong tupa at hinila ako papalapit sa kanya.
"Nobody says no to me, Babe" tsaka niya ako inakbayan ulit. I rolled my eyeballs and removed his arms once again.
"NO" may diin kong sabi sa kanya tsaka ako lumayo sa kanya.
"Aba, matigas ka rin pala" komento niya sa akin tsaka siya humakbang papalapit.
BINABASA MO ANG
Chain of Memories
RomanceThe Montevera Series #3 Union of love The memories that we had The love that we had In a snap of hand I forgot How can I regain it? How can I remember it? -GS