Buong araw akong wala sa sarili pero teka hindi lang pala buong araw. Napakatagal kong wala sa sarili kahit nasa shoots ako na nagstart kahapon pa!
Hanggang ngayon kasi ay iniisip ko pa rin yung kagagahan ko at kung bakit ako pumayag sa limang buwan na iyon?!
Baliw na ata talaga ako!
"Miss Isha, next scene na po tayo."
Bumalik na lang ako sa ulirat dahil sa pagtawag sa akin ng staff para sa next scene ng Filipino Culture. Actually para na lang ito sa front page ng magazine dahil halos tapos na yung content.
I'm wearing a red halter dress na hanggang mid-thigh ko lamang at hinayaan nilang nakalugay ang buhok ko.
Pumuwesto ako sa gitna ng backdrop na puro Christmas ornaments ang nakalagay. May ilang babae na inaaayos pa rin ang damit at buhok ko kahit naroon ako.
"Please give us your best smile, Isha." sabi ng photographer pagkatapos ay kahit pilit ginawa ko ang gusto niya. Ngumiti ako na halos pati mata ko ay nakasara na sa kakangiti ko. Hindi ko alam na magagawa ko ito. Imagine matapos naming mag-usap ni Gan noong nakaraan ay nagawa ko pang humarap sa camera at tapusin ang mga duties ko as a model dito.
"And that's a wrap! Thank you so much, Isha. It is a great pleasure to work with you. Napakagandang tignan nito sa CV ko." the photographer told me pagkatapos niya akong kuhaan ng larawan.
"Thank you so much for taking care of me all throughout." Hinawakan ko ang kamay niya at nakipagshake hands ako sa kanya.
"I'll see you again sa launching ng magazine!" Tumango na lang ulit ako sa kanya at naglakad papunta sa dressing room ko.
Reunion din namin ngayon. Nakarating na rin sila mommy at daddy pati na rin ang mga kapatid ko. Nasa bahay ni nanay sila tumutuloy but they are all busy din naman and also me.
Habang nakikita ko si mommy sa bahay ay natatandaan ko ang mga sinabi niya sa akin na nagpapagulo lalo sa isipan ko.
According to her, I had an operation in my brain when I was fourteen years old. Palagi raw sumasakit ang ulo ko that time and noong pinacheck up nila ako ay nalaman na may tumor ang utak ko. Hindi naman siya cancerous kaya lang nakalagay siya sa sensitive lobe ng utak ko kaya noong natanggal at may natouch na nerve sa utak ko halos lahat ng alaala ko ay nawala noong nagising ako.
I slowly regained my memory hanggang sa maging 20 years old ako at ang huling natatandaan ko noong fourteen ako ay ang pagbalik namin sa Pilipinas para mag-aral pero other than that ay wala na akong maalala.
Dad talked to me kung nakita ko na raw ba yung lalaking pinakasalan ko. Hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin about that issue eh wala naman talaga akong matandaan tungkol doon. Sinabi ko na lang na nakita ko na at nag-uusap pa kaming dalawa. Pero hindi ko masabi kasi na pumayag ako sa limang buwan na condition niya!
"Craaaaazy!" Sabay sabunot ko sa buhok ko habang naglalakad na pabalik sa dressing room.
"Baliw na ata talaga ako para pumayag." Napapalatak na lang ako pagkatapos ay binuksan ko ang pintuan ng dressing room ko pero nagulat na lang ako dahil isang lalaki ang nakaupo sa sofa ng kwarto!
"Oh my gosh! What the hell are you doing here?!" Pero bigla ko ring isinarado ang pintuan ng kwarto dahil baka may ibang tao na makakita sa kanya dito at pagmulan pa ng isyu ulit.
"Fetching you. Di ba may reunion today?" He looked at me and scanned my clothes again. Para na naman akong bulati na nilagyan ng asin dahil hindi ako mapakali sa mga tingin niya.
"What?" Matapang kong tanong sa kanya sabay martsa papunta sa vanity table.
I grabbed some micellar water and cotton pad pagkaraan ay nilinis ko ang mukha ko at tinanggal ko ang ilang gems na nakadikit sa gilid ng mata ko. At sa lahat ng iyon ay nakamasid lang si Ganymede sa akin sa salamin.
BINABASA MO ANG
Chain of Memories
RomanceThe Montevera Series #3 Union of love The memories that we had The love that we had In a snap of hand I forgot How can I regain it? How can I remember it? -GS