Chapter 9

823 26 0
                                    

Nauunang naglalakad si Ganymede kasunod lang niya ako sa likuran niya at habang naglalakad kami ay napapansin ko nga ang pagtingin nung mga babae sa kanya pagkatapos ay yung mga lalaki naman ay nakasunod din ang tingin sa akin.

Nakakahiya

"Sino yun?" narinig ko pang bulong ng isang grupo ng mga babae.

Hindi ko na lang pinansin at yumuko ako. Lorainne is definitely correct. Maraming may gusto sa lalaking ito. And maybe they were thinking, I'm one of them but I'm not and will never be.

Medyo bumagal ang lakad niya kaya nakasunod kaagad ako sa kanya. Hindi niya ako tinitignan tapos hindi rin siya nagsasalita kaya hindi ko na rin siya kinausap. Awkward.

Pero napansin ko nang kasabay ko na siyang maglakad ay nag-iba na yung tingin ng mga tao sa akin para bang hindi nila masabayan ang tingin ni Ganymede sa kanila.

"We're here"

Huminto kami sa tapat ng Faculty room. Kumatok muna si Ganymede bago siya pumasok hindi ko alam kung susunod ako sa kanya or stay lang ako dito sa door pero nang nilingon niya ako at sinenyasan na pumasok ay sumunod ako sa kanya.

"Good afternoon po" bati ko sa mga teachers na nandoon kasi halos karamihan sila ay nakatingin sa akin. Kinagat ko na lang ang labi ko. Hindi naman ako sanay sa ganito eh.

Nakarating kami sa dulong cubicle kung saan nandoon si Miss Faith. Ngumiti siya sa amin ni Ganymede nang makita kami.

"Upo kayo" anyaya niya sa aming dalawa. Umupo naman kami ni Ganymede, magkatapat. Nakatingin siya sa akin kaya nginitian ko na lang siya pero sa totoo lang ayokong salubungin yung tingin niya sa akin.

The way he looks at me is so intimidating and I don't like it.

"Eto nga pala ang mga documents na kailangan mong i-fill up" simula ni Miss Faith. Inabot niya sa akin ang tatlong long bond paper at dalawang short bond paper.

"Yung first is the school org, second is para sa retreat niyong Grade 10 pakipapirmahan na lang sa parent mo, third is your medical history, fourth is the field trip permit and the last one is the St. Anne Data." Habang sinasabi iyon ni Miss Faith ay tinitignan ko ang bawat isang papel na hawak ko at binabasa ang mga iyon.

"Gan, will guide you all throughout. Siya na ang nag-approach sa akin na siya na raw ang tutulong sa iyo" nakangiting sabi niya.

Nag-angat ako nang tingin mula sa mga dokumentong hawak ko papunta kay Ganymede na nasa harap ko at sa adviser naming dalawa pabalik ulit kay Ganymede. Sabi ni Lorainne, masungit daw ang lalaking ito eh bakit siya pa nag-approach sa akin kung masungit ito?

"Officer natin siya sa loob ng room also siya rin ang President ng Student Council natin kaya responsibility ka niya at halos lahat ng baguhan"

Kaya naman pala...

Tumango na lang ako sa sinabi ng adviser namin "Ito ang school calendar..." inabot niya sa akin ang isang long bond paper ulit "... lahat ng kailangan mong information ay nandyan at kung may changes naman ay ina-announce rin iyon kaagad also nandyan din naman ulit si Gan para i-guide ka. Okay lang ba, Ganymede?" tanong ng adviser namin.

Tinignan ko si Ganymede na tumingin muna sa adviser naming bago ako tignan "Yes Ma'am." Tumayo ito kaya tumayo na rin ako kaagad.

"Nga pala, Isha. Next week pa daw dating ng school uniform mo di ba?"

"Opo"

"I see. Civilian muna ang isuot mo habang wala pa ah. By tomorrow or sa Friday rin yung dating ng books na kailangan mo kaya as of now kung may mga homeworks at quizzes kay Ganymede ka na muna lumapit"

"B...baka po nakakahiya na kay Ga..ganymede—" tsaka ko siya tinuro. Abala na yung inutos ni Miss Faith sa kanya para sa akin tapos eto pa? Baka isipin niya na kay bago-bago ko at palaasa ako sa kanya.

"It's okay" matipid ngunit pirming sabi naman ni Ganymede sa akin.

"And please call me, Gan or Tristan. Ganymede is too long and too odd"

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya pero sabagay may point siya. Tumango na lang ako sa bandang huli.

"We'll go ahead, Ma'am. I still need to help her with these forms" aniya. Bumaling siya sa akin "Let's go"

"Sige po, Ma'am" paalam ko sa adviser naming tsaka ako sumunod ng lakad kay Gany...Gan palabas ng faculty room. Dire-diretso lang siya ng lakad at hindi man lang i-check kung kasunod ako, tumitingin siya sa gilid pero wala naman ako sa gilid niya nasa likod kaya niya ako.

"Are we going back to the classroom?" tanong ko tsaka ako huminto pero dire-diretso lang ang lakad niya. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko hanggang sa may nakapansin na sa akin na isang estudyanteng lalaki.

"So you're the transferee" maangas niyang sabi ng lalaki. Tumingin pa ito sa mga kasama niya sa likod niya "Zachary Delos Reyes" pakilala niya tsaka abot ng kamay niya "Grade 10-St. Photina" tsaka siya ngumisi.

Inabot ko ang kamay ko tsaka ako nakipagkamay sa kanya "Isabelle Zalderigga, St. Anne" babawiin ko na sana ang kamay ko nang higpitan niya ang paghawak sa kamay ko at hila sa akin papalapit sa kanya.  Napatili ako ng hilahin niya ako at bumangga ako sa dibdib niya.

"Ahh!"

Luminga ako sa paligid naming at napansin ko na nakatingin na karamihan sa mga estudyante, may ilang nagbubulungan pa lalo na yung mga babae.

"Hey! Let go off me" mariin kong sabi sa kanya tsaka ko siya pinilit itulak pero mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko.

"Nakita kita kanina sa hallway eh tapos nagandahan ako sa iyo pero mas maganda ka pala kapag sa malapitan" ngumisi ito.

"Bitawan mo yan, Delos Reyes" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses ni Ganymede.

Mula sa kanan ko ay naglakad siya sa gitna ng mga estudyante na parang nanonood ng live movie. Nakapamulsa ang isang kamay niya habang hawak naman niya sa isang kamay niya ang glasses niya, hindi siya direktang nakatingin sa amin dahil nakatingin siya sa salamin niya pero ilang sandal lang ay nag-angat siya ng tingin sa amin ni Zachary pero ang tagal nang titig niya sa akin.

Naramdaman ko na lang ang pagluwang ng hawak ni Zachary sa akin kaya tinulak ko siya tsaka ako tumakbo sa likod ni Ganymede. Tumingin siya sa akin bago niya isinuot ang salamin niya.

"Tsk. Epal ka talaga, Tristan." Bumaling sa akin si Zachary "See you later, babe" tsaka siya kumindat sa akin at lumakad palayo.

Lumingon naman sa akin si Ganymede "Bakit ka kasi humihinto?!" tanong niya sa akin medyo tumaas ang boses niya kaya nagulat ako.

"I'm asking you a question yet you didn't stop!" sagot ko naman sa kanya. Kung akala ng isa na ito na papayag akong ganituhin niya ako. No way!

"Pwede ka namang magtanong mamaya—"

"Paano ako magtatanong kung hindi ka nga humihinto! Ang bilis mo pang maglakad. Is there a cab waiting for you? Geez!" sabay iling ko. Ako pa ngayon ang mali kahit siya itong may mali.

Hinawakan niya ang kamay ko tsaka niya ako hinila.

"Hey!" pinilit kong pumiglas sa pagkakahawak niya pero hindi niya ako pinapakawalan.

"Sa school na ito, ako lang ang pwedeng tumulong sa iyo at tandaan mo iyan" mariin niyang sabi pagkatapos ay binitawan na niya ako.

I was left dumbfounded. Anong klaseng paaralan ang pinasok sa akin ng mama ko. People here are so weird.

Chain of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon