Chapter 4

1K 37 2
                                    

Saturday and I prefer lying on bed rather than fixing myself for the reunion.

Para akong the girl who can't be moved sa kinalalagyan ko. I touched the back of my head and then I realize na kailangan ko rin talagang pumunta sa reunion na iyon dahil kung hindi ay hindi rin masasagot ang mga katanungan ko tungkol sa pagkakaroon ko ng asawa.

I lazily get up from my bed and picked my little black dress. I cleaned up myself and applied a light make up for this night. I wore my black dress, eto na lang ang pinili kong isuot dahil gabi naman at hindi ko naman pipiliin na magtagal ng sobra ngayong gabi.

Naglugay lang ako ng buhok at sinuot ko na ang black stiletto ko at nilagay sa purse ang ilang gamit ko.

I looked myself at the mirror and I find myself perfect for this night. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Mommy sa akin dahil hanggang ngayon ay palaisipan sa akin kung bakit nangyari iyon at bakit hindi ko matandaan.

Maybe one of the reasons kung bakit hindi ko matandaan ngayon ay dahil sa nangyari nga sa akin.

Tinignan ko ang oras at medyo late na ako sa party pero wala naman din sigurong makakapansin kung wala o nandoon ako.

Ginamit ko ang sasakyan papunta sa St. Therese, last night I checked my way papunta doon. If before alam ko ang daan papunta sa St. Therese not now anymore and I don't know if I will regain the lost memories.

Malapit lang naman ang St. Therese kaya halos hindi ko na nga namalayan na nandoon ako dahil sa mga iniisip ko. Nagpark ako sa harap ng University. Maraming sasakyan at may ilan pa ring naglalakad papasok sa loob. May ilang napatingin sa akin pero hinayaan ko na.

Hindi sa sanay ako sa atensyon kundi hindi ko naman sila kilala. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa loob ng University at parang may sariling isipan ang mga paa ko habang naglalakad ako papunta sa loob.

May Usherette na lumapit sa akin at ngumiti "Hi, Ma'am. May I see your invitation?" sabi niya sa akin. Tumango ako at kinuha ko ang invitation at habang tinitignan ng babae ang invitation ay gumagala ang paningin ko sa lounge ng University.

Since malapit na ang pasko ay punong-puno ng puting kumikislap na ilaw ang lounge. Ramdam ko rin ang lamig galing sa centralized aircon nila. Niyaya ako ng babae sa reception area "What's your name po, Ma'am?" tanong niya sa akin.

"Isabelle Francheska Zalderiagga" sagot ko sa kanya. Tumango ang babae bago hinanap ang pangalan ko sa listahan.

"Kasurname niyo po yung favourite model ko, Ma'am, kahawig niyo nga rin po sya eh. Si Isha Zalderiagga kaso minsan lang po magmodel yun pero plakado" nakangiting sabi ng babae habang hinahanap ang pangalan ko.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti lang ako samantala yung mga kasamahan niyo sa area niya ay nakatingin sa akin na parang namamangha. Ngumiti lang ako sa kanila. Ayokong magsalita na kung ano, pumunta ako bilang si Isabelle at lalabas ako bilang si Isabelle at hindi bilang si Isha.

"Ma'am sign po kayo dito tapos palagay na lang din po yung current job ninyo at ang company ninyo" sabi sa akin nang nag-assist sa akin. Inabot niya ang ballpen sa akin. I signed in the paper and write my job-Journalist-IJC.

Pagkatapos kong pumirma ay binigyan niya ako ng seat number at programme- seat number 54 tinitigan ko yun tsaka ako naglakad papasok sa loob ng function room.

Ang iba't ibang liwanag ng ilaw ang sumalubong sa akin pati na rin ang boses ng emcee, mula sa kinatatayuan ko ay inaninag ko yung nagsasalita sa gitna and it was Cley, the one who talked to me regarding this reunion.

Somehow, the party stopped when I enter because Cley stopped talking and looked at me. Bigla tuloy akong kinabahan sa pagtingin nila. I mean sanay ako sa ganitong atensyon but I don't know kung bakit ako kinabahan.

Chain of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon