Chapter 32

585 22 2
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan dahil kahit pagod ay gusto ko naman paghandaan si Gan ng breakfast for our first activity for this day.

Tinignan ko ang gilid ng kama kung saan mahimbing pa ring natutulog si Gan habang nakayapos sa bewang ko. I slowly lifted his arms around me para makapaglinis at makapagluto.

At dahil sa mukhang pagod na pagod siya ay nagawa ko siyang matakasan para makaligo at makapagluto.

Laksa sana ang iluluto ko for him kaya lang wala akong masyadong ingredients sa refrigerator ko. Maybe we would buy later.

I opened the curtains of my glass window para makapasok ang liwanag. The househelpers that Mommy sends here always made sure na malinis ang unit ko.

The bright light of the sun and the busy street of Orchard road welcomed my vision. Though may kalayuan ako mismo sa shopping district ng Orchard ay mapapansin pa rin iyon mula sa pwesto ko.

I turned on my music player, my favorite song since I met Gan filled the room. Liked the usual days I have in Singapore.

You're my always You're my forever You're my reality

You're my sunshine You're my best times You're my anomaly

And I'd choose you
In a hundred lifetimes I'd choose you
In a hundred worlds I'd find You...

I went to the kitchen to prepare a breakfast for both of us. I cooked rice first bago ang simpleng hotdogs and bacons.

Naghanda rin ako ng black coffee for him with no sugar and cream dahil gustong-gusto niya iyon and while preparing for all of it ay tumunog ang doorbell ng unit ko.

I furrowed my eyes at huminto sa ginagawa ko. I wiped first my hand sa towel at naglakad papunta sa pintuan.

Wala naman akong naisip na pwedeng pumunta ngayon. My parents and siblings are not in Singapore as of now.

Maybe the househelpers?

Tama! Baka nga yung mga househelpers! At dahil sa pag-aakala na mga kasambahay ay agad kong binuksan ang pintuan. Only to be shocked by the person standing in front of my unit!

"Marga!"

My mortal enemy standing infront of me wearing only her sports bra and short shorts habang nakahigh ponytail. Her high cheekbone, long eyelashes, pointed nose and thick pink lips welcomed me.

"Oh! So the news are all true. You are here." She said sarcastically while her perfect eyebrows are raised.

Marga and I used to be a best buddies. Siya ang laging kasama ko sa mga documentaries ko and my go-see. We are both models and journalists,  but our workplaces like me very much.

They never had an interest to Marga especially sa content ng mga documentaries niya. They are all shallow and empty, no hearts at all. The superiors of IJC prefer my documentaries compared to her.

Ayaw na ayaw niya kasing nadudumihan kaya laging city like problems ang features sa mga docus niya unlike me, I really dwell and dig to the rural areas of different countries to show the problems, that was before I was assigned to stay still in front of camera dahil kay daddy.

The glitch of us started because of that at mas lalong nadagdagan noong sabay kaming pumasok sa modelling industry. She's a full time model while I'm a part timer only pero being a part timer took me a lot of ending ramps and opening ramps na hindi niya nakuha kahit kailan.

Magazines, product endorsements and guestings, I have a lot of it compared to her kaya mas nauna akong nakilala kumpara sa kanya.

I even back out sa ibang gigs para siya na lang ang makuha pero mas nagalit siya sa akin dahil doon. She thinks that I pitied her. Well, tama naman siya pero ayokong masira ang pinagsamahan naming dalawa.

Chain of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon