Chapter 11

678 8 0
                                    

(FLASHBACK)

Ara's POV

Tumawag saken ang mommy ni Sheila....At kumawala ako sa yakap ni ate Kim....

Mom: A-ara?
Ara: Tita? Ano pong nangyare?
Mom: Naka-confine ngayon si Bang....P-pumunta ka dito, iha...Hinahanap ka nya...*umiiyak*
Ara: S-susunod po ako jan....A-ano pong nangyare?
Mom: Lumalala na ang s-sakit nya...Kailangan na natin pumunta sa America....Dun lang sya gagaling anak...
Ara: Huhuhu t-tita....Pano na po si M-mika....
Mom: A-ara, pagbigyan mo muna sya ngayon....P-please....*umiyak*
Ara: ........
Mom: S-sige na anak.....*umiiyak*
Ara: S-sige....S-sasama po ako....*napahagulgol*
Mom: Sige na anak....

Binaba ko na ang tawag at tumakbo ulit ako palapit kay ate Kim at niyakap ko sya....

"A-ate....Malala na ang lagay ni B-bang ngayon...Naka-confine sya sa o-ospital ngayon...Dahil nga sa sitwasyon nya, k-k-kailangan namin......*umiyak pa lalo* u-umalis ng b-bansa para mapa-gamot s-sya...."

Niyakap ko sya ng mahigpit at umiyak pa lalo. Naramdaman ko ring niyakap nya ko pabalik at tumulo narin ang mga luha nya...

Kim: V-vic, pano si yeye?
Ara: A-ate....K-kailangan ko syang iwan...
Kim: S-sige ah...K-kami muna bahala sa kanya, V-vic...Pero pag nakahanap sya....
Ara: K-kung san sya masaya a-ate...Masasaktan sya pag nalaman nya to....
Kim: P-pero kailangan mo sabihin sa kanya....
Ara: O-opo...

Biglang may narinig kaming nabasag ni ate Kim...Nilingon ko ito at nakitang durog-durog ang paso.....Tiningala ko kung sino ang tao at nakitang sya ito....Si Mika...Tumutulo ang mga luha nya at--

"V-vic...Ano yung dapat kong malaman? B-b-bakit ako m-masasaktan?"

Mika's POV

Nagkekwentuhan lang kami nang napansin kong wala si ate Kim at si Vic....San kaya yun?

Mika: Nakita nyo sila Vic, ate?
Aby: Di eh...Baka may binili lang...
Mika: Ahh...Lumabas ba?
Aby: Di ko alam, Ye eh. Sorry ah.
Justine: Parang nakita ko sya kanina ate Ye...Hinila nya si ate Kim palabas eh...Nagmamadali ata....
Mika: Lalabas lang ako ah...Baka asa garden or rooftop lang yun...
Justine: Sige te....

Lumabas na ako ng dorm at bumaba papuntang garden pero wala sila doon...Umakyat ako sa rooftop at narinig kong may nag-iiyakan kaya umakyat ako doon....Nagtago ako sa likod nung paso na nakapatong sa parang kahoy at nakitang sila ate Kim at Vic yun...

Kim: V-vic, pano si yeye?
Ara: A-ate....K-kailangan ko syang iwan...

Nasaktan ako sa narinig ko at di ko mapigilang maluha...Di ko pa alam ang nangyayare pero nasasaktan na ako....Bakit mo ko iiwan, Vic?

Kim: S-sige ah...K-kami muna bahala sa kanya, V-vic...Pero pag nakahanap sya....
Ara: K-kung san sya masaya a-ate...Masasaktan sya pag nalaman nya to....

Vic, di ko pa nga alam nasasaktan na ko....Ano ba kasing nangyayare?

Kim: P-pero kailangan mo sabihin sa kanya....
Ara: O-opo...

Napahawak ako sa paso at di ko sinasadyang matulak ito....Kaya umalis ako sa likod ng paso at lumakad papalapit sa pasong durog-durog na ngayon...

Mika: V-vic...Ano yung dapat kong malaman? B-b-bakit ako m-masasaktan?

Bumitaw sya sa pagkakayakap kay ate Kim....Tumulo lalo ang mga luha nya....

Ara: Y-ye...
Mika: A-anong nangyayare? A-ate Kim?

Di sumagot si ate Kim....Tumungo lang ito at umiyak pa lalo...

Lumapit si Ara sakin at hinawakan ang balikat ko....Patuloy parin sa pagtulo ang mga luha nya...Pinunasan ko ang mga luha ko at nakinig sa sasabihin nya....

Ara: Y-ye....She needs me....Kailangan ako ni Sheila....

At doon nagsimulang tumulo muli ang mga luhang nagbabadyang bumagsak mula sa aking mga mata...

Mika: V-vic? B-bakit?
Ara: M-mika...Kailangan nya ako...Malala ang lagay nya ngayon...
Mika: Pero, V-vic bakit? Di mo naman to gagawin kung di mo sya m-mahal di ba?

Tumungo sya at nakita kong bumagsak ang mga luha nya....Umiling sya...

Mika: A-anong ibig sabihin neto, A-ara?

Ara's POV

Mika: Pero, V-vic bakit? Di mo naman to gagawin kung di mo sya m-mahal diba?

Tumungo ako at tumulo pa lalo ang mga luha ko...

Mika....Sorry....Kailangan kitang saktan....Eto yung dapat kong gagawin dahil pati ang puso ko nagtataksil na saken ngayon....Alam mong gusto ko si Sheila dati....Pakiramdam ko'y bumabalik ang nararamdaman ko para sa kanya....Naghahalo halo ang nararamdaman ko....Pagka-gusto, Awa, at Pagmamahal para sa kanya....Ye....Mahal kita....Pero, kailangan ko tong gawin....

Umiling ako.

Mika: A-anong ibig sabihin neto, A-ara?

Kailangan kitang saktan, Mika....Di ako karapat-dapat para sayo....Sinaktan kita at naguguluhan ako sa nararamdaman ko dahil pareho kayong mahal ko....Isipin mo lang lagi Mika na mas nangingibabaw parin yung pagmamahal ko sayo....

Ara: M-m-mahal mo si S-sheila, M-mika.....

Yayakapin ko sana sya ngunit tumakbo sya papalayo sakin at hinabol sya ni ate Kim....

Patawarin mo ko, Ye....Alam kong mali tong ginagawa ko....

---

Sorry guys kung puro short update....HAHA! Babawi po ako sa next chapter....Hahabaan ko kasi magfaflashback tayo....Lovelots! :*

It Was Always You (Mika Reyes and Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon