Play nyo yung song sa media para with feelings pag nagbabasa kayo. Hehe :) Enjoy!
-------
Ara's POVHindi ako sumama sa kanilang umalis patungo dito para isurpresa nga sila. Nandito ako ngayon sa likod ng restaurant na kinakainan nila ng napagdesisyunan ko nang itext si ate Kim dahil nilalamon na ako ng boredom dito.
To: Ate Kimmy
Ate Kimmy andito na ko sa labas.
From: Ate Kimmy
Sige, punta na ko jan.
Tinago ko na ang cellphone ko sa aking shoulder bag. Luminga linga muna ako sa magagandang tanawing makikita mo dito sa restaurant. Maganda ang ambiance dito dahil nasa mataas na lugar ang restaturant at makikita mo ang mga bahay bahay sa ibaba nito. Marami ring mga puno at malamig ang simoy ng hangin.
Naalala ko bigla si Mika. Andun kaya siya? Sana nga andun sya. Na-miss ko sya eh. Kahit pilitin kong kalimutan sya, hinihila paren nya ako pabalik. Hinihila ako ng aming mga alaala patungo sa kanya.
(FLASHBACK)
Nakahiga ako sa lap nya habang nasa byahe kami papuntang Bulacan dahil uuwi kami sa kanila.
Mika: Daks, dito na tayo.
Ara: Hmmmm...
Mika: Gising na dyan....Kiss kita eh.
Ara: Kiss mo muna ko tas alis na tayo. *ngumuso*
Mika: Yuck, tigil-tigilan mo ko Victonara ah. Tayo na jan.
Ara: Arte mo....Dali na isa lang *Hinila si Mika palapit sa kanya*
Mika: Aray ko naman...T-tara na kase...
Ara: Bat nagstutter ka bigla? Gusto mo rin no? Yieeee hahaha *Kiniss si Mika sa lips*
Mika: *Natulala* A-ano ba! T-t-tara na nga! *Sabay alis*
Ara: *bumulong* Hay nako, chansing nanaman si Mikang hahaha. Kaya mahal na mahal ko yun eh.
Mika: VICTONARAAAAA, LABAS NAAAAA!
Ara: Eto na po!At pumasok na sila sa bahay nila Mika.
(END OF FLASHBACK)
Kim: HOOOOY!
Ara: U-uy ano ba yan! Nakakagulat ka naman.
Kim: Lalim ng iniisip mo ah? Sya nanaman? Naks, anjan sya.
Ara: Tumigil ka nga! Tara na.
Kim: Ano ba kasing iniisip mo? Kanina pa ko andito tulaley ka lang jan.
Ara: None of your business. Tara na kase.
Kim: Excited ka lang eh.Pumasok na kami ni ate Kim sa restaurant. Halatang busy sila sa pagkekwentuhan. Si Mika agad ang nahagip ng mga mata ko. Nagsalita na ako upang malipat ang atensyon nila sa akin.
"NAMISS KO KAYO GUYS!"
Nagulat silang lahat at napatingin sa kinatatayuan ko. Katabi ko si ate Kim ngayon ngunit sa akin sila napatingin.
"VICTONARAAAAAAAAAAAAAA!"
Nagsigawan sila at lumapit agad sa akin. Binugbog nila ako ng halik at yakap. Yuck. Hahahahahaha. Joke lang.
Nginitian ko silang lahat at tinuon muna ang atensyon ko sa kanila. Ang iingay talaga ng mga to. Kinamusta nila ako at sinagot ko naman ang mga tanong nila. Napansin kong hindi lumapit si Yeye kaya napalingon ako sa gawi nya. Nagulat ako kase parang na-awkward sya bigla.
"Y-ye..."
Shemay! Bat ako kinakabahan?
"A-ara.."
Nagsilbing musika sa aking mga tenga ang marahang pagbanggit nya sa pangalan ko.
Natahimik ang paligid at nakita kong may luhang tumakas sa kanyang mga mata. Lalapit na sana ako ngunit hinila ako ni ate Kim at nilapitan sya agad ni ate Cyd. Hinila sya nito palabas. Alam kong saksi silang lahat sa mga nangyare sa amin. Alam nila ang nangyari sa nakaraan. Di na nila alam ang gagawin at sasabihin nila kaya pinutol na ni ate Aby ang tensyong namamagitan sa aming lahat.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Mika Reyes and Ara Galang)
Fanfic"i could be anything in the world but i wanted to be yours...again" -rupikaur ° you love her so much that you are willing to give unlimited chances. but would it be worth it or...nah? ° • a complicated story of bestfriends who fell inlove with each...