Mika's POV
Pinakilala nga samin ni Kat ang girlfriend 'kuno'ni Charles.
Hindi ko alam kung totoo ba ito, pinagtitripan lang ba kami ni pinsan nya, o talagang may binabalak na kalandian'tong Audrey.
Pero iisang tao lang ang makaksagot nyan, at alam kong si Chrles yun.
Kasalukuyan syang walang malay kaya naman marami kaming tanong sa utak na wala paring kasagutan.
Nagstay kami dito at binantayan si Charles hanggang gabi.
Nakatulog na nga kami eh, nandito parin kami. Ayaw naman naming iwan si Cienne diba? Kasi baka may mangyaring hindi maganda habang wala kami.
"Guys, tapos na ang visiting hours." Sabi ni Cienne samin.
"Sige, sasabay ka ba samin?" Tanong ni Vic kay Cienne.
Tumango naman si Cienne at naghanda na para sa pag-alis namin.
Nilapitan nya si Charles.
"Magpagaling ka, Charles ha? Hihintayin kita." Bulong nito kay Charles ngunit rinig namin ito.
Namumuo ang mga luha sa mata nya habang hawak-hawak ang kamay nito at hinalikan si Charles sa noo.
Lumapit na ito kela Kat at nagpaalam.
"Katrina, dadalaw ulit ako dito bukas ha. Ingat kayo." Niyakap nito si Kat.
"Ingat din kayo, Ate Ien." Sabi ni Kat at niyakap din pabalik si Cienne.
"Bye, Aud." Malamig na sabi nito kay Audrey na nginitian lamang sya na tila nang-aasar pa ang gaga. Sarap hambalusin eh, kung wala lang dito yung pinsan ni Charles eh. Haha, joke lang yun noh. Kung sa Cristine nga at si Bang, hindi ko nagawang ganunin diba? Ito pa kaya?
Saka hindi pa naman kami sigurado sa lahat kaya basically, dapat lamang kaming manahimik ngayon, at hanggang sa makalabas si Charles sa ospital.
Hanggang ngayon ay wala kaming alam sa aksidenteng nangyari kay Charles dahil hindi rin nagtangka pang magtanong si Ienne kay Kat, o kay Audrey. Siguro'y wala pa itong lakas na magsalita muna.
Sumakay kami sa kotse at napagpasyahang kumain muna sa Jollibee.
Tahimik lamang kumakain, nakakabingi ang katahimikan. Ngunit walang may gustong magsimula ng usapan.
Natapos kaming kumain at bumalik na sa sasakyan upang umuwi na.
Nakatulog naman si Ate Cyd sa bisig ni Ate Kim, habang si Cienne ay nakatitig lamang sa labas.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Mika Reyes and Ara Galang)
Hayran Kurgu"i could be anything in the world but i wanted to be yours...again" -rupikaur ° you love her so much that you are willing to give unlimited chances. but would it be worth it or...nah? ° • a complicated story of bestfriends who fell inlove with each...