"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" Tanong ni Elunar mula sa kabilang linya, it's been three days since the failed wedding between me and Eclips happened. Naging usapan pa ito sa buong bayan, pakiramdam ko ay hanggang ngayon ay mainit pa rin ang balitang nangyari.
Naalala ko pa kahapon nang kinausap ako nina Mama at Papa. What did we exactly talk about?
Pinikit ko ang aking mga mata at nagbalik tanaw...
"Kingina, jusmiyo santisimas que horror, talandi ng Eclips na iyan! Gusto mo bang idemanda natin? She drugged you, right? That could be rape! Oh fucking crispy pata, my son was raped!" Histerikal ni Mama habang nakayakap kay Papa.
"Just tell us, Thunder. We are more than willing to hire the best lawyer in the country." Tugon ni Papa.
I sighed, "there's no need. What's done is done, napatawad ko na si Eclips. I know she learned her lessons. Plus, maaaring makasira sa pagkakaibigan niyo nina Tito Heraya dahil lang sa pagdemanda. Masaya na ako kasi umamin din si Eclips sa kasalanan niya sa harap ng tao at Diyos, that's more than enough."
"Leche! So, hahayaan mo na lang na makatakas si Eclips matapos ka niyang gahasahin? Macaroni que horror! Speaking of macaroni, bumili ako ng fruit cocktail, pasta, condensed milk, at nestle cream!" Sabi ni Mama.
"Ma, please calm down." Pagpapatahan ko kay Mama, "and just let me decide for myself."
"Fine." She pouted. "Magsalita ka, Hernandes."
"If that is your decision, Thunder. Just tell us if you change your mind."
"Hello?"
Bumalik ako sa riyalidad nang magsalita si Elunar, nilapit ko ang phone sa aking tainga at saka tumikhim. "Yes, I'm sure with what I'll be doing."
"Okay." Kahit na hindi ko nakikita si Elunar ay ramdam ko ang ngiti na nakabahid sa kanyang labi, her happy voice gave it away.
"See you tonight, okay?" Bulong ko.
"I love you, Thunder..."
Wala sa sarili akong ngumiti, "I love you too, baby..."
"After the dinner, may gusto akong sabihin sa iyo..." Mukhang nagdadalawang isip na saad ni Elunar.
"Sure. What is it?"
Tumawa siya ng marahan, "sikret muna."
"Okay, kailangan ko nang asikasuhin ang trabaho ko, bye for now, Elunar."
Binaba ko na ang tawag at lumabas sa kwarto ko, tumungo ako sa kwadra at tumungo sa kulungan ni Kidlat, I took him out for a run to the corn field. Ngayon na kasi ang pag-ani ng mga mais, at syempre, tutulong ako.
Nang medyo dumilim na ay halos tapos na kami sa pag-ani ng mga mais, nagpaalam na ako at saka bumalik sa old mansion.
"Pa, I'm going out tonight to have dinner with Tito Heraya and her daughters."
Kumunot ang noo niya, "why?"
"Pa, Elunar is my girlfriend." Paliwanag ko.