Humugot ako ng malalim na hininga at tinignan ang sarili sa salamin, isang ngiti ang gumuhit sa labi ko nang nakita kong bumukas ang pinto ng kwarto ko mula sa repleksyon nito at bumungad si Elunar.
Lumingon ako sa kanya at saka humarap, "hey."
Lumapit siya at saka niya inayos ang kwelyo ng tuxedo ko, "bakit ganyan ang necktie mo? Hindi ganyan!" She reprimanded as she try to undo it and redo.
"Hindi ako marunong maglagay e..."
"Mabuti at meron ako." She smiled, "sanay na akong maglagay ng necktie, si Papa kasi ay hindi rin marunong tulad mo, kaya napilitan akong matuto para sa kanya."
Pinagmasdan ko lang si Elunar habang inaayos niya ang necktie ko, I am wearing my suit right now and she was wearing her sapphire gown, she had her hair curled and her face's features emphasized with signatured makeup, "you're beautiful tonight."
Ngumiti siya at saka tumingin sa akin ng mataman, "I would love to kiss you right now but it'll ruin my lipstick."
I smirked. "Then let me kiss you somewhere... where your makeup won't be ruined."
Namula ang mukha ni Elunar, tumawa naman ako dahil sa naging reaksyon niya, nang matapos na niyang ayusin ang necktie ko ay hinawakan ko ang kamay niya, "let's go?"
"Yes, hinihintay ka na nina Tita Sky at Tito Hernandes sa labas. Sasabay na lang daw sila sa atin since Fortuner ang sasakyan."
"Did you see my brother with them? Si Tornado?"
Umiling siya, "I think I heard your parents saying he doesn't want to talk to someone, seems like he is having his own problems to deal with? I heard them talking about Fairel, hindi ko masyadong nakuha ang usapan..."
Tumango na lang ako, so seems like my brother will not attend my engagement party.
Bumaba na kaming dalawa ni Elunar, mula sa labas ng bahay ay nakita ko sina Mama at Papa, tulad ko ay nakasuot din ng tuxedo si Papa, si Mama naman ay kulay pulang gown. My parents gave out an aura of rich and ruthlessness, "oh, andito na pala si Thunder!" Sabi ni Mama, "que tagal mo namang magbihis!"
"Let's go!" Aya ni Papa.
Tumango ako at sumakay na kami sa Fortuner, sa tabi ko si Elunar at sa likod naman sina Mama at Papa.
Pinaharurot ko na ang sasakyan ko palabas ng ranch, sa Cassiopea Resort sa Algaya magaganap ang engagement party namin ni Elunar, isa sa mga pinakamagagandang resort iyon at saktong pinsan ni Lolo Takardon ang magkambal na may ari ng resort kaya may discount kami sa bayad ng renta, kung hindi ako nagkakamali ay Bon at Ben ang pangalan ng magkambal na matatanda at may isang babae pa na ang pangalan ay Marina.
Nang nakarating na kami ay pinarada ko ang sasakyan ko sa parking lot, base sa mga naka-park nang sasakyan sa parking lot ay marami nang dumalo, lumabas na kami at saka naglakad papunta sa malaking open space na gusali na parang kubo dahil sa banig na ginawang dingding.
Makulay ang paligid dahil sa christmas lights na nakasabit sa bawat sulok ng malaking kubo at sa mga puno, hinawakan ko ang kamay ni Elunar, naglakad na kami papunta roon sa giya ng garden tiles.
Mula sa labas ay nakita namin si Tito Heraya na mukhang naghihintay at nakaabang sa pagdating namin.
"Tito..."