Six months passed and here I am, staring at Elunar's baby bump. Dito ako humuhugot palagi ng inspirasyon para bumangon araw araw. Napapangiti pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang araw na nagtapat siya sa akin at muli siyang nabuntis.
It felt like I was the happiest man ever. Since then, naging overprotective ako sa kanya. Kulang na lang ako muna ang uminom ng iinumin niya pero sabi niya, kung nadroga man daw ang iinumin niya ay hindi gagana sa akin dahil hindi naman ako buntis. Well, kahit na. Better be a little sure that the drink is safe than not.
I finally have my own coffee plantation inside my family's ranch and I used my own savings to start it, may sarili na akong pamilya at nakakahiya naman kina Mama at Papa kung sa kanila pa rin ako dedepende.
Maybe our wedding was rushed but I know I already am prepared the moment I proposed, and I must say for a starter, my business is quite successful and I will just have to keep it that way the entire flow.
"How's our baby Lunar Moon?" Saad ko nang magising si Elunar, ngumiti naman siya at hinayaan niya akong haplusin ang baby bump niya, I always feel happy, inspired, and all good emotions every time I see the baby bump of my wife and every time I caress it, yet every day, it feels like the feeling is still new.
I am going to be a father soon. Just three more months and I will finally see our baby girl, I will be able to carry her in my arms. I smiled at the thought, hindi kaya pwedeng ngayon na lang manganak si Elunar? Damn. I am excited!
"She's fine." Sagot ni Elunar -bringing me back to reality, bumangon na ako sa kama at saka nag-inat na, today is going to be a rough day for me again.
"Huwag kang magpapagod, ha? And let Manang Iris do her job, huwag mo siyang agawan sa kanyang trabaho, she'll stop by this morning and she will cook you lunch, tapos uuwi siya pagkatapos, if you have emergency while alone just call me and I will be here as fast as I can, sorry to leave you alone again baby, gustuhin ko mang nasa tabi ka na lang palagi ay hindi pwede dahil may trabaho ako, ikaw naman kasi ayaw mong may housemaid na dito na lang sana titira para mabantayan ka habang wala ako." Payo ko.
"I can manage myself." She grinned.
"Yes, you can. But you are carrying our baby inside you, it is not just you that you are managing." Sagot ko, inalalayan ko siyang bumangon, lumuhod ako at saka ko tinapat ang tainga ko sa kanyang tyan, "be a good girl to mommy, okay?"
Pagkatapos ay hinalikan ko sa noo si Elunar, "see you tonight."
Lumabi si Elunar, "gusto ko pala ng freshly picked papaya ngayon, I am craving for it."
"Okay, titignan ko kung hinog na ang bunga ng mga papaya sa ranch." Sagot ko at nagbihis na.
Matapos iyon ay lumabas na ako sa kwarto at tumungo sa garahe ng bahay, sumakay na ako sa kotse ko at nagmaneho papuntang Villanueva.
Nang nasa ranch na ako ay pumunta ako sa taniman ng mga coffee beans, may mga nag-aani at nagwawalis. Nang makita ako ng mga nagtatrabaho ay ngumiti sila sa akin, tumango naman ako at saka kumuha ng handmade holder para sa mga beans na gagawing kape.
Bukod sa pag-aani ay inaasikasu ko rin ang pagdurog sa mga coffee beans, pagtingin sa mga order, at lahat na. Hindi ko namalayan ang bilis ng oras kung hindi nagpaalam ang isa sa mga trabahador ko para umuwi na dahil papalubog na ang araw, na-miss ko agad si Elunar.
Kumain kaya siya kanina?
Naging pasaway na naman ba siya?
Ngumiti ako, bigla kong naalala na gusto pala niya ng papaya kaya naman naglakad ako papunta sa taniman ng mga papaya namin, may sampung halaman ng papaya dito sa ranch, tinanim ito ni Mama noong wala siyang magawa. Mabuti na lang at nagtanim si Mama.
Nang nasa taniman na ako ay kumuha ako ng pangsukit at pumitas ng isa, sinalo ko agad ang papaya bago pa man ito nahulog sa damuhan, pagkatapos ay dumiretso ako sa old mansion para kumuha ng plastic.
"Anak!" Masayang bungad ni Mama mula sa veranda, "umitim ka!"
I smiled and nodded, I take pride in my color, it shows hard work and dedication, of course to work while the sun was there?
"Kumusta ang old mansion, ma?"
She pouted. "Not the same without you, mas mabuti sana kung dito na lang kayo tumira, tutal dito rin naman ang coffee plantation mo, saves you from the hassle and time. Tapos mababantayan pa namin si Elunar na nagdadalang tao na ulit. Think! Jusmiyo que tanga mo anak!"
"Tinawag mo ba akong tanga, ma?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
She wiggled her eyebrows and nodded her head, umiling na lang ako at pumasok sa loob, sumunod naman siya. Binuksan ko ang cabinet na naglalaman ng plastic at kumuha ng isa saka nilagay ang papaya sa supot.
"Ma, papalubog na ang araw. I have no time to chit-chat. Kailangan ko nang umuwi."
Malungkot na tumango si Mama, "I'll tell Hernandes that you came just for a plastic."
I almost snorted, niyakap ko si Mama at nagpaalam na, I am already craving to see Elunar right now, e maghapon pa lang naman kaming hindi nagkikita.
Lumabas na ako, sumunod naman si Mama para tignan ang pag-alis ko, sumakay ako sa kotse ko at saka ko nilagay sa passenger's seat ang papaya.
Nagsimula na akong magmaneho palabas nang tumunog ang phone ko. Thinking it was a message from Elunar, I opened it.
But it was an unregistered number, binasa ko ang message at bumilis ang tibok ng puso ko dala ng kaba at pinaghalong takot. I blinked for how many times then reread the message, but it was clear.
Suminghap ako at saka ko binilisan ang pagmamaneho ko, adrenaline and fear rising inside my body. Humigpit ang hawak ko sa manibela ng aking sasakyan habang unti unti akong nakaramdam ng galit. I need to calm myself... maybe this is a prank message?
Muli kong binasa ang message. Only one girl appeared in my head who could do such thing, I should have listened to Elunar before...
Fr: Unregistered Number
Come home, your wife and your baby is in danger. Their lives are in my hands, maliit lang ang pasensya ko. I am giving you 20 mins to be here, if not, expect your wife to lose a finger or two. Depends on my mood.
