"Elunar!"
Hinanap ng mata ko si Elunar, mabilis ang paglakad ko habang nakamasid sa paligid ng labas ng simbahan, mabilis ang pintig ng puso ko, sabik na sabik na akong makita siya. Sabik na sabik na akong punasan ang kanyang luha...
Sabik na sabik na rin ako sa katawan niya.
Binaling ko na lang ang bumubuong init sa aking katawan, damn Thunder! You need to take a grip of your libido and control your lust! This is not the right time for that, first things first and that is to find Elunar!
Dumiretso ako sa gilid ng simbahan, doon ay nakarinig ako ng paghikbi. Hinanap ko ang pinagmulan ng tunog ng iyak at dumapo ang mga mata ko sa isang babaeng nakatalikod sa akin at tumataas baba ang balikat, nakaupo siya sa isang sementadong bench.
I knew right on the spot that it was Elunar. I know her form, her angle, her curves, her body. I know her like the back of my hands even if it is only her shadow that I may see.
Biglang lumambot ang puso ko, tila naglaho lahat ng paligid ko nang lumingon si Elunar sa akin, may mga luhang tumutulo sa kanyang mata na nanlaki nang nahagilap ako.
Halatang naguguluhan siya sa presensya ko at may bahid ng pagtataka sa kanyang mukhang luhaan.
"Elunar..." Naglakad ako palapit sa kanya, mabilis siyang tumayo at umurong hanggang sa wala na siyang uurungan dahil sa palumpong at mga halaman sa kanyang likuran. "Please don't walk away... please stay..."
Nanginig ang kanyang namumulang labi, may luhang tumulo sa kanyang kanang mata, "a-ano ang ginagawa mo dito? Kakasimula pa lang ng kasal, 'di ba? You shouldn't be here..."
"No, this is where I should be. With you. I should be with you."
Ngumiti nang malungkot si Elunar at saka umiling, "right now my sister needs you more than anything else, Thunder..."
"Please stop pushing me away when I only did nothing but chase you!" Nangilid ng luha sa aking mga mata, pinikit ko ito at may tumulong mainit na likido sa isang pisngi ko. "Please, just this time... please let me fight for our happiness."
Naglakad ako palapit at hinila si Elunar para yakapin, "hindi pwede... you're going to be a father soon..."
"Hindi buntis si Eclips, Elunar. Hindi ka ba nakikinig sa sinabi ko kanina sa loob ng simbahan? She drugged me, then she pretended to be pregnant with my child, but it was all a lie. Please believe me, I never lied to you. Hindi ako ganoong klase ng lalaki." Pagpapaliwanag ko sa kanya.
Agad na nabuo ang gulat at gulo sa mukha ni Elunar, "a-ano ang ibig mong sabihin?"
"Does it matter?" My hands cupped her wet cheek, "because for me, all that matters is that the woman whom I will build my future with is in front of me. All that matters is that Elunar Falacia is in front of me."
Niyakap ko si Elunar, doon nagsimula na naman siyang umiyak, yumakap siya pabalik. Isang mahigpit na yakap ang binigay niya sa akin, naramdaman ko ang mainit na luha niyang tumutulo sa balikat ko na parang ulan. "I'm sorry... I can't stop crying..."
I smiled, after our hug broke, my thumbs wiped her tears away, "just let your tears out, Elunar... let it all out, then let me wipe them away..."