Mabilis ang pagmaneho ko papuntang Zeraphine Subdivision, kasing bilis ng tibok ng puso ko ang bilis ng sasakyan ko, a lot of possibilities came inside my head and while I was on the go, I decided to call the police.
"Good evening, Sir, Ma'am, this is the police line, please state your emergency."
"My wife and our baby is in trouble!" Sigaw ko. "Zeraphine Subdivision, house 47. I received a death threat, they are held captive inside my house!"
"Okay sir, calm down-"
"Shit! You think I can calm down knowing my wife is in serious danger?!"
"We will be doing the best we can, Sir. We will dispatch officers soon to your house. As for now, we need to confirm the real threat." Sagot ng babae, may narinig siyang tinig ng ibang mga tao na mukhang kapwa polis niya sa background.
I decided to end the call and focus on driving as fast as I can, it had been 15 minutes since the call, malapit na ako sa Zeraphine Subdivision, nang nasa tapat na ako ng bahay namin ay nakita kong bukas ang gate at pinto nito, madilim ang bahay dahil sa walang nakasinding ilaw.
Bumaba na ako sa kotse ko at hindi na pinatay ang makina dala ng pagmamadali, pumasok ako sa loob ng bahay at sumigaw. "Elunar?!" Mabilis ang pintig ng puso ko. If something happened to her, I will really take revenge on whoever responsible for it!
"Elunar?!" My voice echoed in our house that looks abandoned, binuksan ko ang ilaw at nang nakita ko na nang maayos ang paligid ay suminghap ako, basag ang mga flower vase, sira ang mga glass window, pati ang cabinet, at lahat lahat na...
Kumuyom ang kamao ko, my instinct told me to go upstairs, "Elunar?" Tumungo ako sa banyo sa unang pinto ngunit wala, asan siya?!
Sa gitna ng paghahanap ko sa kanya ay nakarinig ako ng ungol sa kwarto namin, tila tunog ito ng taong pilit magsalita ngunit may nagpipigil, I felt my heart skip beats upon buffing, kahit man na iba ang tinig ng narinig ko ay alam ko na agad kung kanino ito nanggaling.
Tumakbo ako papunta sa kwarto ko at nakita kong nakatali si Elunar sa isang wooden chair, may duct tape sa kanyang bunganga na nagpipigil sa kanyang magsalita, may mga luhang tumutulo sa kanyang mata, napatingin ako sa baba niya at nakitang may baril na nakatutok sa kanyang tyan, tinignan ko kung sino ang may hawak nito at nakita si Eclips.
I gasped in disbelief.
"Surprised?" She beamed.
"Eclips?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.
Tumawa lang siya saka tumango, "the one and only."
"P-Paano? Paano mo ito nagawa? She is your sister!"
"Siya? Never will I treat her as my sister!" Galit na sagot niya saka siya tumingin sa kanyang relo, "wow, 3 minutes na lang sana ang natitira bago lumampas ang 30 minutes na palugit ko sa iyo, excited pa naman akong putulan ng daliri si Elunar," sinamaan ko siya ng tingin at tumawa lang siya, "c'mon, laugh! Hindi ba't nakakatawa?" Tugon niya, umukit ang malademonyong ngisi sa kanyang labi.
Kumuyom ang kamao ko, hindi ako makapaniwala hanggang ngayon na si Eclips ang may hawak ng baril, hindi ako makapaniwala na kaya niya itong gawin sa kanyang kapatid, Elunar was right -I do not know what her sister is capable of doing, "put the gun down, Eclips..."