"I'm going to propose to Elunar." Anunsyo ko kina Mama at Papa. Tumigil sa pagbabasa ng tabloid si Papa, si Mama naman ay nilapag sa mesa ang tsaa na kanyang iniinom, sabay silang tumingin sa akin na halatang hindi makapaniwala.
"Jusmiyo que gandang balita!" Masayang tugon ni Mama sabay lapit sa akin, "gusto kong tumutol pero malaki ka na, nasa iyo na ang desisyon." Dagdag niya.
Si Papa naman ay nagkibit balikat at saka seryoso akong tinignan sa mata, "do you love her?"
"Yes, Papa." I paused for a moment, now might be the right time to tell them that Elunar is pregnant and I'm the father. "I also have another thing to say..."
"Ano iyon?" Kumislap ang mata ni Mama habang hinihintay ang sasabihin ko.
Lumunok naman ako, I know my parents have the right to know that they're going to be grandparents soon! I just really don't know how to tell them...
"So?" Usisa ni Papa.
"She's pregnant... and I'm the father..."
Nanlaki ang mata ni Mama, "tinuhog mo ang dalawang dalaga ni Heraya!"
Nalaglag ang panga ko dahil sa sinambit ni Mama, seriously? Alam ko naman iyon pero wala ako sa sarili ko noon kay Eclips, she drugged me... while Elunar? I intended to do it, kasu nakalimutan kong magsuot ng proteksyon at may nabuo...
Hindi naman sa papakasalan ko si Elunar para sa bata sa tyan niya, I want to marry her because I love her and I want to settle down with her already, maybe the baby inside her is a sign.
Tumingin ako kay Papa nang tumayo siya, "delikado." Saad niya sabay lakad papuntang veranda na nakakonekta sa dining hall, sumunod naman kami ni Mama na humawak sa nanlalamig na kamay ko.
"Panigurado maraming tao ang magsasalita ng masama tungkol sa iyo, Thunder. Sasabihin nila na hindi ka na nakontento at dalawang dalaga ni Heraya ang iyong-"
"I don't care." Pagputol ko sa sambit ni Papa, "wala akong pake kung ano man ang iisipin ng mga tao, hindi nila alam ang mga nangyari kaya wala silang karapatan. Hindi ako magpapaapekto sa tingin ng mga tao, or are you afraid that what I'm about to do will destroy your name, Pa?"
"Thunder!" Suway ni Mama sa akin.
Humugot ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili, "P-Pa... I'm sorry, hindi ko sinasadya ang sinabi ko..." Yumuko ako habang tinatamaan ng konsensya.
Si Papa naman ay naglakad palapit at saka ako niyakap, "fuck our name, hijo. I'm just afraid about the problems that you may encounter when you pursue what you want to do. Huwag mong kakalimutan na andito kami ng Mama mo para supurtahan ka, pero sana pakinggan mo rin kami bilang iyong mga magulang."
"I made up my mind, Pa... mamayang gabi ako magpo-propose kay Elunar."
"Kakayanin mo ba ang pagbabatikos sa iyo ng mga tao kapag pinakasalan mo si Elunar? Kakayanin mo ba ang masamang balita na pagtitsismisan nila?"
"I will, if it is for Elunar. Who cares about what they will say? It's enough that God and my parents know what really happened between Eclips and me, that it was Elunar I loved, needed, and wanted all along."