3

39 13 1
                                    

Lumabas na ako ng Cr, at pinaupo nila ako sa harap ng salamin. Inayusan nila ako ng buhok at minake-up'an narin. Hays. Ano ba yan! Ang tagal-tagal! Gusto ko nang umuwi sa bahay! Siguradong hinihintay na nila ako. At isa pa, inaantok ako sa ginagawa nila.

*Yawn*

"Mahal na Prinsesa" Pagigising niya saakin. Hmm? *Yawn* OMYGOSH! Sino yang nasa harap ko? Hinawakan ko naman ang mukha ko. OMG!? Ang ganda-ganda mo na! Pwede ka ng maging artista! Hahaha. Sino kaya ang nagmake-up saakin, in fairness ha, may future siyang maging make-up artist.

"Mahal na prinsesa, hinihintay na po tayo ng kamahalan." sabay bow niya. Inayos ko na ang sarili ko at tumayo na para pumunta kung saan mang sinasabi niya. Binuksan ng dalawang babae ang malaking pinto. Inalalayan naman nila ako sa paglalakad. Sympre, dapat nila talaga akong alalayan, ang hirap kayang maglakad ng ganitong itsura.

O-O

What the!? LALAKARIN BA NAMIN TONG MAHABANG HAGDAN? Wala bang elevator? Sana meron, huhuhu.

"Mahal na Prinsesa" Sabay lahad ng kamay ng babae. Waaah! Lalakarin nga namin to. T-T Naka-heels pa naman ako. Pero in fairness naman ang ganda ganda dito. Puro anthic ang nakapalibot dito, kung ibebenta ang mga ito, siguro mga 100k na ang isa. Hmm. Biglang huminto ang babaing nasa unahan namin at di ko namalayang nasa may malaking pinto na pala kami. Ang bilis ha? Di ko man lang namalayan. Bigla itong bumukas at merong mga ilang tao sa malaking silid. Nakatingin ang lahat saakin kaya niyuko ko nalang ang ulo ko. Nakakailang naman, gosh! Habang naglalakad kami papalapit sa kanila naaninag ko ang lalaking kaninang pumunta sa silid na tinulugan ko. Naalala ko tuloy yung kaninang nangyari. Nakakahiya! Di ko makalimutan ang eksenang yun! Nakakailang na nga eh. Pagkarating namin doon biglang nag-bow ang mga kasamahan kong babae at nataranta naman ako kaya nakisabay ako sa kanila. Sinulyapan ko yong lalaki at nakatingin nga ito saakin. Nakakailang naman. Yumuko ulit ako at di ko na siya tinignan pa.

"Mahal na Prinsesa" Mahinang tawag ng isang may edad na babae. Umayos naman ako ng tayo at tinignan ko siya.

"P-po?" Kabadong tanong ko. Di ko mapigilang di tumingin sa lalaki dahil nararamdaman kong tinitigan niya ako.

"Lumapit ka mahal na prinsesa, at maupo ka sa tabi ng iyong asawa." Tinignan ko ulit yong lalaki at ganoon parin siya.

"O-opo kamahalan." Sabay bow ko sakanya. Mabuti at nagbabasa ako tungkol sa history. Dali-dali naman akong umupo baka kung pagalitan pa ako na ang bagal bagal kong kumilos.

"Waaah!" Sigaw ko ng bigla akong madulas. siguradong pahiya ako nito! Hinintay ko nalang bumagsak ako ngunit wala akong naramdamang sakit. Idinilat ko ang aking mata at mukha ng isang gwapong lalaking mahal ko I Mean, mahal niya raw. Ang ganda naman ng mata niya. Kitang kita ko sa mukha niya ang pag-aalala sa akin. Ilang segundo kaming nagkatitigan at binuhat niya ako papunta sa uupuan ko. Gosh! Namumula na yata ako dio. Tinignan ko naman ang mga kamahalan at ngiting-ngiti naman sila. Parang ang saya saya naman ng pamilyang ito.

"Mahal na Prinsesa, ayos ka lang ba? Mabuti at naagapan ka ng mahal na prinsipe." sabi nong medyo matandang babae na may korona. Siya yata ang ang Inang Reyna nila. Kahit medyo matanda na siya, di mo maipagkakailang ang ganda niya noong siya ay isang dalaga pa lamang. Ano ba yan! Na-aapply ko na ang salita nila. Medyo nahihilo nga ako ng paraan nila sa pagsasalita. Tinignan ko rin ang ibang mga kamahalan at lahat sila ay nakangiti maliban sa dalawang tao. Mag-ina yata ang dalawang ito. Yong lalaking mukhang kasing edad namin at ang ina niya naman parang kasing edad ni mama. Tinaasan naman ako ng kilay ng lalaki. Bakla? At problema niya? Inalis ko nalang ang tingin ko sakanya at tinignan ko naman ang katabi ko tinignan niya naman ako ng masama. Problema rin ng isang to?Ilang segundong lumipas, sinimulan ng ihain ang mga pagkain. Nagugutom na ako, sobra! Mukhang masasarap ang inihahain na mga pagkain. May nilagay ang isang babae sa tapat ko, tinignan ko naman ang katabi ko at linagyan rin siya ng kapareha saakin. Appetizer yata namin to. Wow! Kinuha ko ang soup spoon, at tinidor para sa bread, waaaah! Parang ang sarap naman ng pagkain nito! Sisimulan ko na sana ang pagkain ng bigla akong siniko ng katabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay, sinasadya niya ba yon?! Di siya nakatingin saakin kundi sa harapan namin. Tinignan ko naman kung ano ang tinitignan nya at kailangan niya pa akong sikuhin. Gosh!

A-he-he-he-he. Ba-bakt si-sila nakatingin saakin? Binaba ko naman agad ang kinuha ko. Kakahiya. Lamunin mo na ako lupa!

"Malaki na ang pinagbago ng Mahal na Prinsesa." sabi ng mahal na reyna. Tinignan ko naman ito at nakatingin ito sa inang reyna.

"Hmm, sumasangayon ako sayo Mahal na Reyna. Malaki na nga ang pinagbago ng ating mahal na prinsesa. Mas lalo siyang gumanda ngayon at medyo tumaba na siya ng konti." nakangiting sabi ng Inang Reyna. Yumuko naman ako at tinignan ko ang katawan ko. Tumaba ba talaga ako? Sabi na eh! Dapat ipinagpatuloy ko yong jogging exercise ko. Tsk! Di bale, pag-uwi ko magjojogging ulit ako, iikutin ko ang buong subdivission namin hahaha. Tumingin ulit ako sa kanila at nginitian.

"Simula na natin kainin ang pagkain." kinuha na nila ang mga kutsara nila kaya ako kinuha ko narin saakin.

Ang sarap talaga! Gutom na gutom na kasi ako eh, kaya kain lang ako ng kain.

Pagkatapos naming kumain, nagkwentuhan sila about sa palasyo chuchu. Yawn. Busog na busog na ko at the same time, gusto ko nang matulog, antok na ako. Huhu. Pasimple kong pinikit ang mga mata, yawn.

~~~
Ang ganda talaga ni Liza Soberano, kainggit naman.

Omg! Totoo ba to?! Siya ba talaga ang nakikita ko ngayon. Omgosh! Omgosh! Omgosh! Liza! Liza! Tumakbo ako papalapit sakanya habang wala pang bantay.

"Hi Liza! Ako ang nawawala mong kapatid. Hehehe."

"H-ha?" Gulat na tanong nito saakin.

"Jk lang. Hehe. Pwede magselfie tayo? Pleaseeee. I'm a great fan of yours."

"Sure." Sabay ngiti niya saakin. Ang ganda niya talaga. Dyosa siya teh! Dyosa!

*click*

*click*

*click*

"Salamat Liza!" Yinakap ko siya ng pagkahigpit. Ang bango bango niya. Humiwalay na ako sa pagyakap ko sakanya baka mapunta pa sakin ang kagandahan niya, idol ko pa naman siya hahaha.

"Salamat Liza. Ang saya saya ko talaga hehehe." Habang nakayuko ako.

"Bakit di mo pala kasama si Enrique? Sayang, may picture sana ako kasama kayong dalawa pero ayos lang dahil nakita naman kita at nayakap pa haha." Habang nakayuko parin ako. Bakit di siya nagsasalita?

"Para kang baliw" cold nitong sabi. H-ha? Ano raw?

"I-ikaw na naman?!"

"Hoy. Babae gising. Gising." Yugyog nito saakin.

"Ay ang ganda ganda ko! Gosh!" Tinignan niya naman ako ng nagtataka.

"Gosh? Anong ibig mong sabihin? Tsk. Nasisiraan ka na ng bait mahal na prinsesa" sabay iwan niya sakin salamisa.

"Mamaya ka na matulog, magsisimula palang ang seremonya ng kaharian." Patuloy parin ito sa paglalakad palabas ng pinto.

"Hoy! Wag mo kong iwan!" Sabay habol ko dito. Gosh! ang bilis niyang maglakad.

Who's the REAL PRINCESS?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon