Ilang araw na ang lumipas ngunit wala pa rin si Zorene. Hindi ko na nakikita ang pagmumukha niya. Ang sweet smile niya. Huhu. Landi ko! May asawa na ang lalaking yon at mas malala pa ay kamukha mo! Aish! Sinabunot ko ang sarili kong buhok. Naalala ko tuloy ang mapang-asar niyang ngiti. Kainis! Bakit ang gwapo niya pa rin!
Biglang may kumatok naman sa kwarto kaya pinagbuksan niya naman ng pinto.
"Oh ikaw pala Raven!" Oo bati na kami. Hindi ko siya natiis dahil sa killer smile niya. Siya ang palagi kong kasama mula ng magbati kami. Pinasyal niya ako sa loob ng palasyo. Ang bait bait niya pala talaga. At ang gentleman pa.
"May ipapakilala pala ako sayo." Pumasok ako sa kwarto ko at sumunod naman siya.
"Sino naman?"
"Si Prinsesa Dionne pala." Hindi ko siya napansin na nasa likod niya lang pala ito. Napanganga ako sa ganda niya. Tinignan ko naman na mapang asar si Prinsipe Raven. Natawa naman si Raven sa ginawa ko.
"Nagagalak po akong makilala ka mahal na prinsesa Vyronica." Sabay yuko nito. Pormal na pormal ito kung sumalita. Napangisi ulit at ako tumingin kay Raven. Ngayon ay tumawa naman ito. Tinignan naman ito ng seryoso ng babae. Tumigil naman ito sa pagtatawa.
"Nagkakamali ka Prinsesa Vyronica! Kapatid ko si Prinsesa Dionne. Nakababatang kapatid." Ahh ganon ba? Tinitigan ko ng mabuti ang babae. Hawig nga sila. Pareho silang singkit. Matangos ang ilong at ang manipis na labi. Mas maputi nga lang ang babae kaysa kay Raven. Girl version.
"Oh I see." Mahinang sabi ko.
"Marunong ka pa lang magsalita sa lenggwaheng ingles mahal na prinsesa " Napagitla naman ako sa sinabi niya.
"Oo. Hehe. Pero hindi gaano kagaling sa pagsasalita ng english." Baka makipag usap ito saakin bigla ng english speaking! Gosh! Hindi pa naman ako nakapagdala ng dictionary.
Ngumiti ito saakin na hindi pangkaraniwang. Ewan. Parang nakita ko na ang ngiti niya. Ilang minutong lumipas ay nagpaalam na siya. Hinatid naman ni Raven ang kapatid niya sa labas ng kwarto ko.
"Kaya mo ng bumalik sa kwarto mo, hindi ka na bata."
"Tss.." bumalik ulit sa kwarto si Raven.
"Hindi mo naikwento na may kapatid ka pala." Inayos ko ang pagkakalagay ng mga bulaklak sa flower vase. Mga yellow tulips ito may kasamang yellow rose at white lilies.
"Haha. Nakaligtaan kong sabihin sayo na may kapatid ako. Kababalik niya lang galing sa kanyang paglilibot sa iba't ibang palasyo." Ang galing! Isa siyang traveler. T-teka parang nakita ko na siya somewhere? Hmm. Saan nga ba?
"May balita ka na ba kay Roven?" Oo. Hindi niya tinatawag prinsipe si Zorene. Ewan ko nga rin sakanya kung bakit Roven lang ang tinatawag nito sakanya pag nababangit niya ang pangalan ng prinsipe.
"Hmm. Wala pa rin. Nagpadala na rin naman ako ng sulat kaso wala pa rin eh." Kinagat ko ang hawak kong mapulang mansanas. Binato ko ang isa sakanya at nasalo niya naman ito.
"Tsk.." umiling iling ito sabay kagat sa apple. Napabuntong hininga naman ako. Kahit hindi ko kilala ng mabuti si Zorene, namimiss ko pa rin siya. Ughhh! Bakit ko ba siya namimiss?! Tsk!
"Doon tayo sa likod ng palasyo!" Hinawakan niya ang braso ko at kinaladkad. Bakit ba uso sa kanila ang mangkaladkad? Gosh!
"Saan kayo pupunta Prinsesa Vyronica?" Nakasulobong namin sila Lady Han. Pupunta yata sila sa kwarto ko.
"Ewan ko sakanya." Habang nginunguya ko ang apple. Ang tamis naman nito. Papabili ako nito kay ate kapag nakabalik na ako sa bahay.
"Ang gwapo niya talaga! Ehhhh!" Rinig kong parang kinikiliti si Lorry. Alam ko na kung sino ang finafangirl nila. Sino pa ba? Ang katabi ko lang naman na Prinsipe.
BINABASA MO ANG
Who's the REAL PRINCESS?
Historical FictionNamumuhay siya sa kasalukuyan ngunit bumalik sa nakaraang buhay. Paano niya kaya mapipigilan ang di dapat mangyari sa nakaraan? Paano niya magagampanan ang katauhan na hindi naman dapat para sakanya ang gampanin bilang isang prinsesa? Enjoy reading...