6

22 13 0
                                    

Hindi pa rin siya umiimik saakin. Hawak hawak niya pa rin ang kamay ko. Sinubukan ko itong tanggalin ngunit ayaw nitong bitawan. Lumakad kami sa isang pasilyo, nakita ko ang garden na pinuntahan namin kagabi. Malayo palang kitang kita mo ng maraming mga bulaklak ito. Tumigil kami bigla.

"Hanggang dito na lamang po kami mahal na prinsipe." Wow ha. Ngumiti siya sa asawa ko! Parang may napapansin ako sa babaeng to, ha! Kanina nagpapacute kay Raven tapos ngayon sa asawa ko naman! Tinaasan ko naman siyang kilay ng lumingon ito saakin.

"Mabuti pa nga." Mahina kong sabi. Lumakad na kami papunta sa garden ng hindi sila kasama. Bintawan niya na ang kamay ko. Naanig ko ang paborito kong bulaklak! Masaya ko itong lumapit sa bulaklak.

"Wow! Ang ganda talaga!"

"Pinaalagaan ko ng mabuti ang iyong harden." Narinig kong umupo siya.

"Pwedeng kumuha ako ng isa nito?" Sabay turo ko sa bulaklak.

"Hindi maaari..." nawalan ako ng gana ng marinig ko ito, at binitawan ko na lamang ang bulaklak na hawak ko. Lumakad ako papunta sa harap ng upuan niya. Nakahain ang pagkain para sa breakfast namin ngayon. Bigla naman siyang tumayo at lumapit sa bulaklak na hawak ko kanina.

"Hindi maaari... Kasi ako ang puputol nito para sayo." Lumapit siya saaking may ngiti sa labi. Napakatamis niyang ngiti niya. Parang ako lang ang mundo niya. Hindi ko naman naitago ang kilig na naramdaman ko. Namumula na yata ako ngayon. Gosh!

"S-salamat." Kinuha ko itong pinipigilang ngumiti. Bumalik ulit siya sa upuan niya at sinimulang maglagay ng sandwich sa platito niya. Tinignan ko lamang siya. Napansin niyang tinititigan ko siya, ngumiti naman siya. Hindi ko maalis ang tingin ko sakanya. Ang amo ng mukha niya. Nilagyan niya ng sandwich ang platito ko. Kumuha siya ng soup at binigay rin ito.

"Kumain na tayo." Natauhan naman ako. Kinuha ko ang tinidor at itusok sa sandwich. Kakagatin ko sana ito ng makita ko siyang dahan dahan niyang kinakain ang kanyang sandwich gamit ang bread knife. Arte arte naman nito. Nilagay ko ulit sa platito ko ang tinapay. Kamayin ko na lang kaya ito?

"Ahmm, may itatanong sana ako." sabay punas ko ng bibig ko gamit ang tissue.

"Ilang taon na tayong kasal?" Pinunasan niya rin ang bibig niya saka siya nagsalita.

"Limang taon na ang nakalipas mula ng tayo'y ikinasal. Labing walo't walongpo't tatlo ang taon na tayo ay ikinasal."

"Limang taon na tayong ikinasal?" Tinignan ko ang kamay ko na nakabilang sa lima. Limang taon na kaming kasal... Oh my gosh! T-teka!?

"Labing walo't...walongpot tatlo?!" Oh my gosh!!! 1883!? 2016 na ngayon! Bakit naging 1883?!

"1883?! Akala ko 2016 na?" anong nangyayari sa mundo? Bumalik ba muli ako sa nakaraan?! Paanong nangyaring naparito ako?

"Prinsesa may problema ba?" Maraming problema! Paano ako naparito?! Paanong naging 1883 eh 2016 na!? Anong dahilan kung bakit ako nandito?! Patay na ba ako?

"Mer--- wala..." sabay yuko ko. Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa.

"Wag mong pilitin ang sarili mong alalahanin ang lahat." Ngumiti siya saakin at kumain na ulit siya. Hays.

"Tutulungan mo naman akong maalala ang lahat diba?"Kinuha ko na lamang ang soup na mainit init pa at kinain ito.

"Oo.. at gagawin ko yon." Ngumiti ulit siya saakin.

"Pumalit ka ng damit dahil may pupuntahan tayo." Habang naglalakad kami pabalik sa kwarto ko. Kaming dalawa lang ang magkasa ngayon, walang nag aaligid na mga tauhan niya.

Who's the REAL PRINCESS?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon