7

17 13 0
                                    

"Narito na tayo." Pagtitigil ng nasa unahan namin.

"Maghihintay na lamang po kami dito." Sabay yuko nito. Pinalakad ulit ang kabayo at pumasok kami sa mapuno.

"Saan tayo pupunta?" Ilang segundo akong naghintay ng sagot niya ngunit wala akong narinig. Sungit talaga! Kanina alalang alala saakin tapos ngayon wapakels na? Tch!

Tinignan ko naman kung nasaan kami. Nasa isang masukal na gubat lang naman kami. Gosh. Ano bang ginagawa namin dito? Nothing special. Binaba niya ako sa kabayo pagkatapos.

"Ang ganda." Walang gana kong sabi. Tinignan niya naman ako. Inirapan ko naman siya dahil sa pagkunot ng noo niya. Itinali niya ang kabayo sa isang puni pagtapos ay lumakad ito patungo sa naglalaylayang dahon. Anong gagawin niya diyan? Hinawi niya naman ang mga dahon.

"Tara." Pumasok siya ng hindi ako hinihintay. Bastos talaga! Bwesit! Padabog akong sumunod sakanya. Hinawi ko ng hinawi ang mga dahon. Nasaan na ba siya? May nakita akong sinag ng araw. Padali kong hinawi ang mga dahon. Humanda ka asawa ko!!

"Bakit mo ako ini----" natulala ako sa ganda ng talon. Ang taas nito at halatang nalaagaan ng mabuti. May mga bulaklak rin sa paligid.

"Amazing." Wala sa sarili kong sinabi ito. Nakita ko naman si Zorene. Nakapamulsa ito habang nakatingin sa malayo  Bigla siyang ngumisi, nanliit naman ang mata ko. Bakit ngumingisi ito ng mag isa? Parang baliw lang. Kung may makakita sa kanya na hindi siya kilala mapagkakamalan itong baliw.. Haha. Inilibot ko ulit ang mata ko sa paligid! Ang ganda talaga!

"Alam mo bang dito tayo unang nagkatagpo?" Nakasandal siya ngayon sa isang malaking bato habang nakacross arm. Lumapit naman ako sa pwesto niya at umupo sa isang bato.

"H-hindi." Hindi siya umimik ulit. Sana pala di nalang ako nagsalita.

"Maraming pagsubok at naging sagabal sa pag iibigan natin. . . Muntik ka nang sanang mawawala ng tuluyan saakin dahil sa taong yon." Tumikom ang bibig niya at kamay. Halatang galit siya sa tinutukoy niya.

"Bakit ano bang ginawa niya?" Napabuntong hininga siya.

"Muntik kanang kunin niya saakin..." Tiim baga niyang sabi. Napatango na lamang ako. Hindi ko alam ang pinagsasabi niya, pero ramdam kong mahaba ang pinagdaanan nila ng asawa niya. I feel sorry. Ano ba ang dapat kong sabihin? Magpapanggap ba akong ako ang asaw niya? Gusto kong malalaman ang lahat kaso hindi pa yata ngayon ang tamang panahon. Bahala na nga lang..

"Hmm. Hindi ko alam.. hindi ko maalala ang nakaraan." Nakayukong sabi ko. Kinuha ko ang batong maliit at pinaglaruan ko ito at binato sa tubig.

"Pero.. sa tingin ko hindi naman siya nagtagumpay sa binalak niya." Dugtong ko pa. Tinignan ko siya sa mata at nginitian ng tipid. Lumapit siya saakin at napatayo naman ako.

"Vyronica.." sabay lapit niya ng tuluyan saakin. Napaiwas naman ako ng tingin sakanya. Hindi ako ang Vyronica na tinutukoy mo. Patawad. Hinaeakan niya ang mukha ko at iniharap ito sakanya. Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay. Tinitigan niya ako. Ngumiti siya ng hindi pilit. Ramdam kong masaya siya ngayon. Cold man siya sa iba pero kapag saakin, bigla siyang nagiging lumambing. Napangiti naman ako.

"Hayaan mo sana akong gawin ito, mahal." Tinignan niya ako sa mata. Parang humihingi ito ng permiso. Oh my gosh! What should I say. Wala sa sarili kong napatango! Lumaki ang kanyang ngiti sa labi. Ang gwapo niya. Ang pagmamahal niya ay puro. Walang makakapantay. Ang swerte ng babaeng si Vyronica. Ilang segundo ang lumipas ay naramdaman kong naglapat na ang mga labi namin. Kinilig ako sa mga oras na yon.

"Ahhhhh!" Napasigaw ako sa biglang may malamig na tubig ang tumapon saakin. Nakita ko siyang nasa tubig. Naliligo. Imashinasyon. Imahinasyon ko lamang pala! Bwesit! Oh bakit parang mukhang disappointed ako? Gosh! Tinaponan ko naman siya ng masamang titig.

Who's the REAL PRINCESS?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon