Wow! Ang ganda dito!!! Bakit ngayon ko palang ito nalaman ang lugar na ito?! Alam kaya ito nina mama? Bigla naman akong hinila ng lalaking nasa harap ko.
Walanghiya ka talaga lalaki ka! Sino ka ba talaga! Argh! Nakasunod lang ako sakanya habang hawak niya ang kamay ko.
Aish! Saan ba kami pupunta?! Pagod na ako. Bigla naman siyang tumigil sa paglalakad. Uh-oh! Narinig niya kaya? Gosh! Tinignan ko naman kung nasaan na kami.
"W-wow!" Gulat na gulat kong sabi.
"Nasaan tayo? Bakit mo ako dinala dito?" Habang pinagmamasdan ko ang mga bulaklak, nasa isang medyo kalakihang garden kami. Ang ganda naman dito! Ang yaman talaga!
"Nasa harden tayo ng inang reyna." Umupo ito sa isang magandang desinyong upuan na parang ipininta nang ginto.
"Mahal na prinsesa." Pang-aagaw niya ng atensyon ko.
"Hmm?" Habang nakatingin ako sa hawak kong isang rosas. Hindi siya nagsalita. Ilang segundo ang lumipas ay bigla na lamang akong nakaramdam na may yumakap saakin patalikod. Hindi ko namalayang lumapit pala siya saakin.
Hindi ako makagalaw, para akong tuod. Nasa stage of shock pa ako.
Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi niya pa rin hinihiwalay ang yakap niya saakin.
"Sobrang nag-aalala ako sayo aking mahal..." Di pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Dahan dahan niya akong hinarap. Tinitigan niya ang mga mata ko. Shtttt! Bakit ang gwapo niya?! Ang ganda ng mata niya! Ang tangos ng ilong! Ang perfect niya na! Bumaba ang tingin niya sa lips ko. Omo! M-may balak ba siyang ha-halikan ako?
Palapit na palapit ang mga labi niya saakin. Maibibigay ko na ba sa kanya ang first kiss ko?! Oh no! Ilang inches nalang ang layo ng labi namin. Nang bigla akong may narinig na papalapit saamin.
*Bogsh*
"Ugh! Aray!" Sabay bagsak niya sa bermuda grass. Nanlaki naman ang mata ko. Oh-uh! Lagot ako nito! Bigla ko naman siyang nilapitan.
"Oh my gosh! I'm so sorry! Hindi ko sinasadya!"
"Aish! Ayos lang ako. Parang ikaw ang hindi ayos. Ugh!" Naiinis na sabi niya saakin habang hawak niya ang noo niya.
"H-ha? Eh kasi---kasi nagulat ako eh. Sorry."
"Anong ibig mong sabihin?" Malakas yata ang pag-uuntog ko ng ulo ko sakanya. Tumayo na lamang siya at di na ako hinintay na makasagot pa. Tumalikod siya ng bahagya saakin. Pumunta naman ako sa harap niya.
"Hala! Namumula! Baka nagkabukol ka."
"Ayos lang ako mahal na prinsesa, tara na sa loob at baka hinahanap na tayo." Nauna na siyang naglakad paalis at iniwan akong mag isa. Hala? Nagalit yata siya saakin? Eh kasi naman bakit niya yun gagawin saakin! Di naman kami mag-bf. Ayaw ko namang ibigay yon basta basta. Bigla na namang may humila saakin.
"Ano bang pinag-iisip mo mahal na prinsesa, yung nangyari kanina kalimutan mo nalang yon." Nagsimula na kaming naglakad papunta sa loob.
Nakita naming nagsasayawan ang mga tao. Sinalubong kami ng mga gwardiya nila at ginuide papunta sa unahan. Nakita ko ang Inang Reyna na nasa upuang napagara at nandon naman sa tabi niya ang isang lalaking may katandaan na rin. Omo! Siya yata yong asawa ng mahal na reyna! Siya ang King! Gosh! Ang gagandang lahi naman ng pamilyang to! Umupo naman kami sa may gilid ng kanyang ina na katabi ang kanyang asawa rin yata. At sakabila naman ay yung nakita ko kanina mukhang masungit na mag-ina. Pinagmasdan ko nalang ang mga nagsasayawan sa gitna. Ang gaganda naman ng mga damit nila. Mukhang mayayaman ang mga nandito ah? Ang ganda talaga dito! At mukhang kasing laki ito ng MOA or mas malaki pa ito. Ilan kaya ang gastos nila sa pagpagawa ng bahay na ito?
"Mahal na prinsipe, maari mo bang isayaw ang ating mahal na prinsesa? Matagal tagal na rin natin siyang di nakikitang sumayaw." Sino kaya ag tinutukoy niya?
"Opo Inang Reyna." Sabay tayo nito. Tinignan ko naman siya. Saan kaya pupunta ang isang to? Bigla naman siyang humarap saakin. Inilahad niya ang kamay niya saakin. Ha-hala??? A-ako?
"A-ako?" Tinuro ko pa ang sarili. Tumango lang siya saakin. Ha-hala? Ako talaga? Huhu. Nakatingin lang ako sa kamay niya. Kukunin ko ba o hindi? Hindi ko ba kukunin o hindi ko ba kukunin? Huhu. Tinignan ko ulit siya.
"Wala ka bang balak kunin ang aking kamay mahal na prinsesa?"
"H-ha?" Sabay tayo ko na lang at kumapit sa kamay niya. Lumakad naman kami papunta sa gitna at nagsitabihan naman ang mga nagsasayawan kanina.
"U-uy di niyo na kailangan tumigil." Mahina kong sabi sakanila. Hindi yata nila narinig huhu. Nakatingin lahat saamin ang mga tao, lahat sila nakangiti.
Mas lalo akong kinabahan dahil sakanila. Wag kayong umasa na maganda ang kakalabasan ng sayaw namin! Wala akong practice huhu.
"Wag kang kakabahan, ako ang bahala sayo." Bulong niya saakin at saka siya ngumiti. Tumango naman ako sakanya. Nawalan ng kunti ang kaba ko dahil sa sinabi niya at ngiti niya. Nagsimula na ang tugtog. Nabigla naman ako ng humawak siya sa bewang ko. Inalis niya ulit ang pagkakahawak niya sa bewang ko at nilagay niya ang kamay ko sa balikat niya. Ngumiti naman siya saakin ng napakatamis. Gosh! Namumula na yata ako ngayon! Sweet ang kanta kaya nags-sway sway lang kami. Ilang minutong lumipas nagsigitnaan na rin ang mga mangsasayaw at nakisabay saamin. Tumigin ulit ako sakanya.
"E-eh?" Ngumiti siya saakin.
"Hindi ka pa rin nagbabago mahal, ang ganda mo pa rin." Bigla na namang namula ang mukha ko. Bwesit na lalaking to. Ang galing mangbola! Iniwas ko ang mga mata ko sakaniya. Hinarap niya ulit ako.
"Maghihintay ako hanggang sa bumalik na ulit ang alaala mo." Sabay yakap niya saakin. Ramdam ko ang pananabik niya na mabalik ulit ang alaala ko. Ramdam ko ang tibok ng puso niya. Ramdam kong mahal niya ako. Bigla namang nagpalakpakan ang mga tao sa paligid na nagpabalik ng ulira ko. Gusto ko sanang bumalikwas sa pagkakayakap niya ngunit mahigpit ang pagkakayakap niya saakin.
Binitawan niya na ako sa pagkakayakap. Hinila niya na ako at umupo ulit kami habang hawak hawak niya ang kamay ko. Tinignan ko siya at ginagalaw ko ang kamay kong hawak niya, nginitian niya lang ulit ako. Wala akong nagawa kaya tumingin nalang ulit ako sa mga nagsasayawan.
Nabaling ang atensyon ko sa right side namin.
Napatingin ako kay mukhang masungit, nakita ko siyang nakatingin sa akin. Nakatingin ba talaga siya saakin? Tinaasan niya naman ako ng kilay. Problema niya?
Enenjoy ko na lamang ang mga sumasayaw sa gitna. Ilang oras ang lumipas ay inilapit ng "asawa" ko kuno ang mukha niya sa tenga ko.
"Pagod kana ba? Gusto mo na bang magpahinga?" Di agad ako nakapagsalita. Ang bango bango niya gosh.
"Me-medyo?" Tumingin naman siya saakin. Nginitian niya naman ako ng napakatamis. Hinawakan niya naman ang kamay ko. Tumayo naman siya sa kinatatayuan niya at tumayo na rin ako. Nagpaalam na kaming magpapahinga na. Hawak hawak niya ang kamay ko habang ako naman ay walang magawa kundi ang sundin siya. Napansin kong may mga nakasunod saamin kaya lumingon ako sa likuran ko at nakita ko nga ang mga matitipunong mga kalalakihang bantay ng kasama ko.
Bigla namang huminto ang prinsipe kaya huminto rin ako sa paglalakad. Nilingon ko kung bakit kami natigil sa paglalakad.
"Maligayang pagbabalik mahal na prinsesa."
Nabigla naman ako sa prisensya niya. Siya yung prinsepeng masungit kanina. Yumuko siya ng bahagya bilang respeto saakin. Yumuko rin ako sakanya ng bahagya.
"Maligayang pagbabalik." Saad ng asawa ko. Parang ang sarcastiko naman ng pagkasabi niya? Magkaaway ba sila? Nginisihan niya lamang ito saka tumingin ulit siya saakin.
"Mauuna na ako sainyo." Haggang sa nilampasan niya kami. Ang sungit talaga.
~ ~ ~
Okay! Sana magustuhan niyo ang update ko! I will appreciate it po talaga kung magcocomment kayo. Kailagan ko po ng suggestions! And so much appreciated kung bibigyan niyo ako ng votes! Hahaha. Ayon lang. Komawo!
BINABASA MO ANG
Who's the REAL PRINCESS?
Historical FictionNamumuhay siya sa kasalukuyan ngunit bumalik sa nakaraang buhay. Paano niya kaya mapipigilan ang di dapat mangyari sa nakaraan? Paano niya magagampanan ang katauhan na hindi naman dapat para sakanya ang gampanin bilang isang prinsesa? Enjoy reading...
