2

78 17 2
                                    

OH MY GOSH!? THIS CAN'T BE HAPPENING! Biglang bumukas ang pinto at nakita  kong iniluwa nito ang isang napakagwapong lalaki.

Siya yung lalaking nasa Larawan! Dali-dali syang pumunta sa akin at yinakap.

"Saan ka ba nagsusuot mahal na prinsesa, mahal ko?!" nag-aalalang tanong sabi nito. A-ano daw? Tinignan niya ako sa mata na masayang masaya. Di ko alam ang ipapakita ko sa kkanyang expression. Nakakagulat kasi ang angyayari. Ano ang pinagsasabi nitong mahal ko raw siya. Oo gwapo siya ngunit di mo pwedeng ganyanin ako.

"Si-sino ka?" kabadong tanong ko sakanya. Biglang nagbago ang expression ng mata niya.

"A-anong ibig mong sabihin mahal ko?" di makapaniwalang tanong niya.

"Di kita kilala at nagkakamali kayo na ako ang inyong nawawalang prinsesa." sabay yuko ko. Di maipaliwanag at di maipinta ang mukha ng lalaki na nasa harap ko. Pumikit siya ng mariin at ng idilat niya na ang mata niya biglang nagbago ang tingin nito sa akin, kanilang masayang-masaya ngayon sobrang cold naman nito. Natakot ako sa paraan ng pagtitig niya saakin.

"Maiiwan na kita." sabay alis niya ng silid. Hays! Bakit ba kasi ako naparito? Nagkakamali sila ng nahanap! Di ba nila alam na sa henerasyon ngayonmarami ng magkahawig ng mukha? Naglakad lakad nalang ako sa loob ng silid para naman mawala ang stress ko. Hinawi ko ang napakalaking kurtina para maisip kung ano ang itinatago nito.

Wow! Ang Ganda sa labas! Nasa palasyo ba talaga ako? Nakakita ako ng isang terrace ss may part lang ng aking silid. Pumunta kaagad ako doon. Pagkabukas ko palang ng pintuan namangha ako sa napakalibot saakin. Ang ganda talaga dito! Makulay ang paligid sa baba at mukhang nagkakasiyahan ito. Tinignan ko ang building na kinatatayuan ko. Wow talaga! Mamamangha ka sa palasyong ito! Kaharian talaga ang napasok at hindi sila nagbibiro, pero ang tanong paanong ako napunta dito? Ang pagkakaaalam ko kasi sa bansang UK yata yun, parang yun nalang ang may ganitong tradisyon. Hmm? Mukhang hindi naman ito ang nakikita ko sa Tv about sa monarch. Anong planeta kaya ito? Tinignan ko ulit ang nasa baba ng palasyo. Parang ang saya saya nila kahit nasa malayo ako. Pumasok nalang ulit ako sa silid para maglibot pa sana sa loob.

"La la la la la la" habang tinitignan ko ang mga naka-display sa aking nasa paligid.

"Mahal na Prinsesa" sabay bow nila ulit. Nagulat naman  ako sa biglang pagsulpot nla. Para silang mga kabute. Nag bow rin ako para gawin rin ang ginagawa nila.

"Ipinapadala po ng Inang Reyna ang inuming ito upang makatulong sainyon kalusugan." mahinahong sabi niya. May mga kasama pa siyang mga babae na tagabitbit ng mga tray. Tulungan niya kaya sila sa pagbitbit. Halata namang isa sa kasamahan niya ay nahihirapan na sa pagdadala ng inumin na iyon.  Nilapitan ko ito, tumigil ako sa harap niya at nginitan siya. yumuko naman yung babae. Natakot ba siya saakin? Kinuha ko sa kanya yung tray at pumunta sa kaninang hinihigaan ko.

"Mahal na Prinsesa hayaan mong sila na ang magbitbit para sayo" dali-daling sunod nila saakin.

"Mahal na Prinsesa ako na po ang magbibitbit niyan para sainyo, ito po'y isang karangalan na pagsisilbihan kayo." sabi nong babaeng kiuhanan ko ng tray.

Who's the REAL PRINCESS?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon