Medyo madrama po ito! Hahahaha! Kaya pleasw bare with me! *Anong connect? Hahaha*
* * * *
Tahimik siyang kumakain habang nag uusap-usap patungkol sa Palasyo ang lahat habang nagsisikain. Mga nagagandahan at nag-gagwapuhan ang mga nakapaligid sakaniya kaya medyo naiilang siya mas lalo na at katabi niya si Zorene.
"Prinsesa Vyronica." Napatigil naman siya sa pagkakain.
Ako ba ang tinatawag nila?
Tanong nito sa isip. Tumingin naman siya at tinignan kung sino ang tumawag.
"Ba-bakit po Mahal na Hari?" Kinakabahan siyang ibinaba ang tinidor at panhiwa niyang hawak.
"Alam kong alam mo na ang desisyon ng asawa mong si Prinsipe Roven." Napalunok naman siya at tumango.
"Opo mahal na hari." Sabay yuko niya ng kunti.
"Kung ganon, pumapayag ka ba sa desisyon ng prinsipe Roven?" Namutla siya sa tanong ng hari. Tumingin siya kay Zorene at nakatitig naman ito sakanya.
"Hindi pa po namin iyo napag-uusapan ng 'asawa ko' pero kung iyon po ang makapagsasaya sakanya, wala na po akong magagawa doon mahal na hari." Walang emosyon niyang sabi.
"Ang ibig mo bang ipahiwatig prinsesa na pinapakawalan mo na ang iyong asawa kung ano man ang kanyang gusto?" Natango naman siya at mapait na nakangiting napatingin kay Zorene.
"May ihihiling sana po ako mahal na Hari." Lakas loob siyang nagsalita at nginitian ang hari. Tinignan niya si Raven at nginitian. Kunot naman ang noo niya na parang nagtatanong.
"Sige hija. Ano ang iyong kahilingan." Napakagat naman siya ng labi.
Ito na yata ang tamang oras.
Napangiti naman ulit siya at tumingin ulit sa hari at sa inang reyna.
"Gusto ko po sanang bumalik sa aming tahanan bago ikasal ang prinsipe. Ngayon po sanang darating na kabilogan ng buwan." Natigilan naman ang lahat sa sinabi niya. Kinakabahan siya sa desisyon niya.
"Buo na ba ang pasya mo Prinsesa?" Seryoso nitong tanong. Napalunok naman siya at dahan-dahang tumango. Namumutla siya sa kaba. Hindi niya alam kung papahintulutan ba siya. Napatingin naman siya bigla sa katabi niya ng bigla nitong hinawakan ang kamay niya. Tinitigan siya ng masama at pinisil ang kamay.
"Mahal na prinsesa..." malungkot na sabi ng Inang reyna.
"Sana pahintulutan niyo po ako." Sabay yuko niya. Napabitaw naman ng kamay si Zorene dahil sa pagkadismaya.
"Ngunit hindiaari iyon mahal na hari!" Natuon naman ang pansin nila kay Zorene. Nakita niyang nakayukom ang kamao nito na animo'y galit na galit.
"At bakit Prisipe Zorene? Tumututol kaba sa pag alis ng prinsesa?" Hinihintay nila na sagutin ito ng Prinsipe ngunit napayuko na lamang ito. Nakayukom pa rin ang kamao nito at nanginginig. Napailing na lamang ang hari at tumingin ulit ito sakanya.
"Kung iyon ang iyong desisyon maari kang bumalik sa tahanan niyo Prinsesa sa darating na kabilogan ng buwan." Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o malulungkot. Pilit siyang ngumiti at tumungo.
"Maraming salamat kamahalan."
Nagpatuloy na ulit sila sa pagkakain. Hindi siya umiimik. Napatingin siya sa Inang Reyna at mukha itong malungkot.
"Bakit mo ito ginagawa." Narinig niyang sabi ni Zorene. Hindi naman siya kumibo.
"Bakit Prinsesa Vyronica... mahal ko." Mahinang sabi ni Zorene. Kahit mahina ang boses nito sapat na ito para marinig nilang dalawa. Dahan-dahan siyang tumayo at nagpaalam na pupunta muna sa CR. Hindi niya namalayan na sumunod pala sakanya ang prinsipe.
BINABASA MO ANG
Who's the REAL PRINCESS?
Historical FictionNamumuhay siya sa kasalukuyan ngunit bumalik sa nakaraang buhay. Paano niya kaya mapipigilan ang di dapat mangyari sa nakaraan? Paano niya magagampanan ang katauhan na hindi naman dapat para sakanya ang gampanin bilang isang prinsesa? Enjoy reading...