Patago-tago siya sa may gilid habang may mga dumadaang mga junior maids kasama ang mga court lady.
"Hay! Nakakapagod naman ang ganito! Mabuti na lang at nakasapatos ako haha!" Nang malapit na siya sa pinto ng papunta sa likod ng palasyo ay narinig niya ang boses ng dalawang lalaki.
"Nakita mo ba yung kasama ng mahal na prinsipe? Siya na ba ang bagong ipapalit sa mahal na prinsesa?"
Mga chismoso! Kalalaking tao mga chismoso!
Inis na pinihit niya ang pinto at padabog nitong isinara.
"Ano yon?" Tanong ng isang kawal. Tinignan naman ito ng kasama niya ngunit wala itong nakita.
"Wala namang tao. T-teka? Diba may kumakalat na balita na may multo sa lugar na ito?" Kinalabutan naman ang dalawa.
"Huwag ka ngang manakot. Para kang bakla." Sabay alis ng isang kawal at iniwan ang kausap niya.
"Sinong bakla saatin?! Hoy huwag mo akong iwan dito!" Sabay habol nito sa kasama.
"Kanina pa yata siya naghihintay sakin." Nang matanaw niya si Raven di kalayuan sakanya. Medyo padilim na kaya medyo lu.alamig na ang simoy ng hangin.
Nakasuot ng isang white long sleeve din at nakapantalon ang prinsipe.
"Raven!" Tawag niya dito at kumaway siya. Lumapit naman si Raven sakanya hawak hawak ang dalawang kabayo.
"Tara na.. Teka pala." Sabay kuha nito sa likuran niya.
"Para saiyo..." Ngumiti si Raven sakanya. Kinuha niya naman ito. Isang bulaklak na rosas at isang maskara ang binigay nito.
"Para hindi tayo makilala ng mga tao." Tumango tango siya at hinawakan na ang dati niyang ginamit na kabayo.
"Salamat pala dito." Sabay patingin niya sa bulaklak. Ngumiti naman si Raven at tumingin ulit sa unahan. Dumaan sila sa may kagubatan. Dala dala nila ang isang garasol para may ilaw sila.
"Waaah! Ang ganda naman non!" Sabay turo niya sa mga nag iilaw na mga parol sa may sapa. Nakamaskara sila ngayon. Maraming tao ang nasa labas at magaganda rin ang mga kasuotan nito. Ang iba ang nakamaskara at iba ang iba naman ay hindi.
"Punta tayo doon!" Sabay turo niya sa mga taong nagsasayawan habang may tumutugtog. Nakihalubilo naman sila roon at sumayaw siya na parang ewan.
"Raven sayaw tayo! Tud! Tud! Tud!" Na parang nagpaparty party ito na malayo naman sa tinutugtog.
"Hahahaha! Anong ginagawa mo prins--- Vyronica?! Hahaha!"
"Sumasayaw! Hahaha!" Sinayaw sayaw niya si Raven.
"Gayahin mo ako ha? Ganito dapat." Sabay sayaw sayaw niya sa gitna. Tumalon talon pa siya na para bang nagpaparty talaga. Tinaas taas pa nito ang kamay na at tumalon talon. Kung hindi mo lang siya kilala mapagkakamalan mo na itong isang party girl ngunit hindi naman ito nakapagparty pa.
"Hahahaha! Mahal na pri--- V-vyronica tama na! Hahaha!" Tawang tawa si Raven sa pinaggagawa niya. Naghe-headbang pa ito.
Nang maramdaman niya na ang pagod ay umalis na siya sa doon at niyaya niya ng umalis sa mga nagsasayawan.
"Waaah. Napagod ako doon ha!" Sabay punas nito sa mukha niya gamit ang kamay. Humarap naman si Raven sakanya at yumuko para magpantay sila. Hinugot ni Raven ang panyo sa bulsa niya at pinunasan siya. Natulala naman siya sa kinilos ni Raven.
~ ~ ~ ~
"Prinsesa Hereca saan ba talaga tayo pupunta?" Hinihila siya nito. Nakasuot silang maskara para hindi makilala ng mga tao. Kung hindi ay siguradong pagkakaguluhan sila nito. Tumigil sila sa paglalakad at pinanood ang mga nagsasayawan.
![](https://img.wattpad.com/cover/70521207-288-k843533.jpg)
BINABASA MO ANG
Who's the REAL PRINCESS?
Historical FictionNamumuhay siya sa kasalukuyan ngunit bumalik sa nakaraang buhay. Paano niya kaya mapipigilan ang di dapat mangyari sa nakaraan? Paano niya magagampanan ang katauhan na hindi naman dapat para sakanya ang gampanin bilang isang prinsesa? Enjoy reading...