5

16 12 0
                                    

Pinaalis niya ang mga nagagwapohang lalaki I mean ang mga kalalakihang nakaalalayan samin. Lumiko kami at nakita ko ang isa pang garden. Ang rami namang garden dito. Haha.. Akala ko ba magpapahinga na kami? Tch. Gusto niya lang makatakas dinamay niya pa ako.

Awkward... Bakit ba kasi di nagsasalita ang katabi kong to? Nakaka-stress. Lumayo ako ng konti sakanya.

"Hmm... P-punta lang ako don." Sabay turo ko sa mga iba't ibang bulaklak. Hindi siya umimik. Kahit tango wala? Suplado! Lumapit na ako sa mga bulaklak na nagagandahan.

"Ang ganda. Maganda ang pagkaka-landscape. Yaman naman nila. Mamahalin ang mga bulaklak na ito." Sabay tango tango ko. Nilapitan ko pa ang ibang mga nagagandahang bulaklak. May isang bulaklak ang nakaagaw ng pansin ko. Para siyang kumikinang at tinatawag ang pansin ko. Kinuha ko ito pinitas. Ang ganda. Inamoy ko ito.

"Ang bango..." habang nakapikit akong inaamoy ito.

"Ahhh!" Sabay hawak ko sa dibdib ko. Nakakagulat naman ang lalaking to! Tch!
Bigla niya naman akong yinakap. Hindi ako makagalaw sa pagkabigla. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa higpit ng pagkakayakap niya. Sinubukan kong lumayo sakanya ngunit hinhigpitan niya ang yakap niya saakin.

"Nasasabik akong yakapin ka, mahal ko." Malambing niyang pagkakasabi. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Pano ko ba sasabihin sakanya na hindi ako ang mahal niya? Argh! Pwersa ko siyang inilayo ko ang yakap niya saakin. Yumuko ako sakanya. Wala akong narinig na imik niya. Tinitigan niya lang ako sa mata. Ang ganda ng mga mata niya pero puno ito ng lungkot.

"Patawad." Mahina kong sabi sakanya. Tumalikod na siya saakin at lumakad palayo.

"S-saan ka pupunta?" Pasigaw kong tanong sakanya. Sinundan ko siya. Takbo lakad ang ginawa ko para mahabol siya. Hingal na hingal ako ng tumigil siya sa paglalakad.

"Kausapin mo naman ako." Bulong ko.

"Dati pa man ay ang halimuyak ng mga bulaklak ang nagbibigay lakas at saya sa iyo... mahal ko." Nakatingala niyang sabi habang pinagmamasdan ang mga bituin. Napayuko naman ako at hinawakan ng mabuti ang bulaklak.

"Dito tayo palaging nagpapahangin." Tumingin siya saakin ng nakangiti ngunit may halong lungkot. Nandito kami ngayon sa isang terrace kung saan puno ng mga rosas at tanaw ang magandang buwan. Tumingin ako sakanya. Tinignan niya ulit ako at nginitian.

"Tara na at baka magkasakit ka pa." Lumapit siya saakin at hinawakan ang kamay ko. Hinayaan ko na lamang siyang gawin ang gusto niya.

"Magpahinga kana mahal ko. Matulog ka ng mabuti." Nilapit niya ang ulo niya saakin hinalikan ako sa...noo. Medyo matagal ang paghalik niya sa noo ko. Napapikit naman ako sa kilig. Bwesit. Yinakap niya naman ako pagkatapos at humiwalay na siya agad.

"Sige pumasok ka na." Sabay tap niya ng ulo ko. Ginagawa akong aso ng lalaking to ah? Tch!

"Sige... Ahmm. Good night!" Hinalikan ko siya sa pisngi at pumasok agad sa kwarto. Ano kayang itsura niya? Hahaha.

Ilang segundong lumipas may kumatok sa pinto, at dahan dahang binuksan ito.

"Mahal na Prinsesa hayaan niyo po kaming mag-ayos ng inyong hihigaan." Ngumiti ito saakin.

"Sige!" Masayang tugon ko naman sa kaniya. Lumapit na ang iba niyang kasama sa Kamang hihigaan ko at ang iba naman ay lumapit saakin.

"Tulungan ka na po naming alisin ang inyong damit." Mahinahon niyang sabi. Marahan ko namang tinakpan ang damit ko.

"A-ako na lang ang tatanggal nito ha haha!" Lumakad na agad ako sa pinto ng Cr. Sinara ko agad ang pinto at napa-upo na lamang.

"Woah! Makikita nila ang sexy body ko kung ganon!" Tumayo na ako at hinubad ang suot kong gown.

Who's the REAL PRINCESS?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon