13

35 10 4
                                    

Bumukas ang pinto ng kwarto niya kasabay ang pagmulat ng mga mata.

"Prinsesa Vyronica! Mabuti at gising na kayo, may salo-salo kayong mga maharlika ngayong umaga." Napabalikwas naman siya sa kama niya kaya biglang sumakit ang ulo niya.

"Aray!" Sabay hawak niya sa ulo niya. Bigla namang may mga imahe ang nagflash sa utak niya. Unti-unting lumalaho ito kasabay ng kanyang sakit sa ulo.

"Ano ka ba naman po kasi prinsesa Vyronica, dahan dahan. huwag po kayong magpapahalatang gustong-gusto mong pumunta haha!" Sabay halakhak naman ni Lorry. Sinamaan niya ng tingin ito at natahimik naman ito. Nakakapit pa rin siya sa ulo niya at hinimashimas ito.

"Pumasok na po kayo sa 'CR'." Sabay tulak nito sakanya papasok. Wala siyang nagawa kundi ang maligo.

Pagkatapos ay binuksan niya ang isa pang pinto at nakita niya ang mga iba't ibang damit at mga sandals at sapatos. Isa itong medyo kalakihang silid na naglalaman ng mga gamit niya. Nadeskobre niya ito ng wala siya magawa at walang makausap sa palasyo.

"Ano kayang susuotin ko? Hmm." Kinuha niya ang isang brown dress at isang white sandal. Lumabas na siya sa dito at sinuot na nito sa loob ng CR.

"Baka hindi pa sila umaalis don." Sabi niya sa sarili habang sinusuot ang dress niya. Lumabas na siya ng CR at nagulat naman ang mga kaibigan niya ng nakabihis na siya.

"Saan niyo po nakuha ang mga damit na iyan?" Curious na tanong ni Hannah. May mga dala itong mga damit.

"Ang ganda naman Prinsesa Vyronica!" Dagdag pa ni Qessny. Tinignan niya naman ang sarili niya sa salamin.

"Siguro ay nahanap niya na." Napatingin naman sila kay Lady Han.

"Nahanap na ang ano Lady Han?" 

"Ang tinatagong pinto ng mahal na prinsesa. Hindi ba Prinsesa Vyronica?" Napalunok naman siya at napatango na lamang.

Hindi nila alam ang pintong yon? Haha. May secret door pala dito.

"Mas mabuti pang lumakad na tayo." Dagdag pa ni Lady Han. Lumabas na nga sila at lumakad papunta sa sinasabi nila. Tahimik lamang nagsisilakad.

"Hay pagod na ako. Malayo pa ba? May escalator ba dito oh kaya elevator? Huwag mong sabihin na baba tayo diyan sa hagdan?" Dahan dahan niyang pinunasan ang kanyang pawis.

"Meron po mahal na prinsesa." Lumapit sila sa isang parang may harang na mga bakal. Binuksan naman ito ni Lorry at pinindot pababa.

"Mabuti naman at merong elevator dito. Papayat na papayat tayo diyan kung ilalakad natin."

"Haha opo Prinsesa Vyronica." Tumahimik na ulit sila ng tumigil na ang elevator. Nang bumukas na ulit ang pinto ng elevator, binuksan ulit ni Lorry ang nakaharang na bakal.

Nakita niya agad ang isang malaking pinto. Lumapit sila dito at kumatok ng tatlong beses si Lady Han. Bumukas naman ito pagkatapos ng ilang segundo.

"Wow haha, automatic?" Humagikhik naman ang kasama niya ng marinig ang sinabi niya. Natanaw niya si Prinsipe Raven habang may kausap na member ng Royale family.

"Mahal na prinsesa hanggang dito na lamang po kami."

"Huh? Bakit? Hindi ba kayo papasok?" Umiling naman si Lorry.

"Hanggang dito na lamang po kami." Nag-paalam na siya at lumapit na kay Raven. Hindi siya napansin ni Raven kaya kinalabit niya ito.

"Prinsipe Raven!"

"Prinsesa Vyronica??" Kumunot naman ang noo niya dahil sa reaksyon ng prinsipe.

"Bakit mukhang hindi ka masaya ng makita mo ako? Hindi ba ako kabilang dito?" Sabay bulong niya sa taenga. Tumawa naman ng mahina ang prisipe at umiling.

Who's the REAL PRINCESS?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon