Madrama ditey!
~ ~
Namumula ang kanyang mukha sa galit. Galit dahil mukha siyang niloko, at pinaglaruan. Nakayukom ang mga kamao niya habang pabalik ito sa silid.
"Bwesit! Bwesit!" Mahinang bulong nito sa sarili. Nangigilid na ang kanyang mga luha. Ayaw niyang umiyak kaya pinipigilan niyang lumuha ngunit ayaw nitong magpaawat.
"Bakit ba ako umiiyak? Like duh?! Hindi naman siya kawalan! Asawa ko lang naman siya! Bwesit! Asawa ko lang!!!" Pabagsak nitong ipininto ang pinto. Itinapon niya ang sarili niya sa kama. 'Bakit ba ako nag ayos ng ganito para sa kanya?' Tanong nito sa sarili. Pinunasan niya ang pisngi niyang basang basa dahil sa pag iiyak. Biglang may kumatok at binukas ang pinto. Hindi niya ito tinapunan ng tingin.
"Vyronica..." Nag-aalalang lumapit ang binata sakanya. Hindi kumibo si Janelle at umupo na lamang ito at sumandal sa headboard.
"Hindi dapat ako nagpapaepekto ng ganito. Diba?" Pilit na ngumiti si Janelle.
"Vyronica..." umupo ito sa katabi niya at yinakap. Hindi naman napigilang umiyak ulit ng dalaga.
"Ang ganda ng pasalubong niya! Ang ganda talaga Raven! Alam mo yun? Haha! Pinaiyak nga ako ng pasalubong niya eh! Hahaha! Babae lang naman! Haha!" Pilit siyang tumatawa. Inaalo naman ni Raven ang likod niya. Hinayaan siya nitong umiyak sa balikat ni Raven. Nasasaktan ang binata na makitang ganito si Janelle. Gusto niyang pagsusuntukin ang Prinsipe sa pang-gagago niya sa dalaga.
"Shhhhh..." patuloy na pinapatahan ni Raven si Janelle. Iyak ito ng iyak.
"Akala ko pa naman ako ang hinihintay niya sa terrace!! Bwesit lang! Yung babae niya pala ang kasama niya!" Umiyak ulit ito sa balikat. Hinigpitan ni Raven ang yakap sa dalaga. Triple ang sakit sakanya dulot sa pag iyak ng dalaga. Ilang segundo ay napabitaw ang dalaga sa pagkakayakap.
"Prinsesa huwag kang magmumura." Napakapit siya sa dibdib niya. Bigla itong kumirot at parang hindi makahinga.
"P-prinsesa?? Ayos ka lang ba?" Hinawakan siya nito sa balikat.
"P-prinsesa?" Nag aalalang si Raven. Hindi niya kinibo ang prinsipe. Nahihirapan siyang huminga dahil sa bigat ng kanyang nararamdaman. Ilang segundo ang lumipas ay nawala na ang kirot nito sa dibdib.
"Tu-tubig. Pahingi ng tubig." Binigyan naman agad siya ni Raven ng tubig.
"Anong nangyari Vyronica? Ayos ka lang ba?" Nag aalala paring si Raven. Ngumiti siya ng kunti at tumango.
"Kailangan ko lang siguro ng pahinga." Marahan siyang humiga sa kama. Ininda niya na lamang ang pagsakit ng puso niya dahil sa pagod. Umalis si Raven ng matalim ang titig sa kamao niya. Kunti na lang ay sasabog na siya sa galit.
~ ~ ~
"Hindi maari ang gusto mo mahal na prinsipe! Paano na ang prinsesa kung ganon na lang?!" Mahinahon ngunit pagalit nitong sabi. Nakayukod siya sa harap ng kanyang ina. Hindi niya alam ang mangyayari sa prinsesa sa desisyon niya.
"Ma-mahal ko po si Prinsesa He-hereca.."
"Hindi papayag ang hari sa desisyon mo."
"Alam ko po mahal na reyna.. Pero... pero gusto ko nang pakasalan si Prinsesa Hereca.." Mapait na napangiti na lamang si Zorene at naiyukom ang mga kamao nito. Napabuntong hininga na lamang ang mahal na reyna.
"Nagkita na ba kayo ng Prinsesa?" Napaiwas ito ng tingin.
"Opo mahal na reyna." Tumango siya bilang bigay paggalang.
"Aalis na po ako mahal na reyna." Pagpapaalam niya. Tinalikuran niya na ang kanyang ina kahit hindi pa siya pinapahintulutan.
"Prinsipe Raven!" Narinig niya ang boses na kilalang kilala niya. Lumingon siya dito at nakita niyang lumapit ang dalaga sa pinsan niya.
BINABASA MO ANG
Who's the REAL PRINCESS?
Historical FictionNamumuhay siya sa kasalukuyan ngunit bumalik sa nakaraang buhay. Paano niya kaya mapipigilan ang di dapat mangyari sa nakaraan? Paano niya magagampanan ang katauhan na hindi naman dapat para sakanya ang gampanin bilang isang prinsesa? Enjoy reading...