9

33 10 3
                                    

"Nasaan si Zorene? I mean Price Roven?" Kumunot naman ang mukha ni Lady Han. Close na kami ngayon. Kahit sila Qessny, Lorry at Hanna.

"Hindi mo alam? Pumunta siya sa kaharian ng Herreca. Mamalagi siya roon ng maraming araw o baka nga aabot pa ng isang buwan bago siya bumalik rito." Ano? Hindi man lang siya nagpaaalam saakin?! Aish!

"Kailan pa? Kailan pa siya umalis?" Nakakainis bakit ba hindi siya nagpaalam? Akala ko ba asawa niya ako?

"Kaninang umaga lang Prinsesa Vyronica. Maraming kawal ang kasama niya kanina." Habang binagbabalat ako nito ng mansanas. Nag-picnic kami ngayon sa likod ng palasyo.

"Bakit? Hindi siya nakapagpaaalam sayo?" Dugtong nito. Umiling ako sakanya. Napabuntong hininga na lamang siya at binigay na nito saakin ang mansanas.

"Masasanay ka na lang ulit niyan Prinsesa." Kumunot naman ang noo ko. Masasanay? Ulit?

"Masasany ulit? Bakit ganito ba dati si Prinsipe Roven?" Tinaasan ko siya ng kilay. Tumango namn siya saakin.

"Aish." Kinagat ko ang mansanas. Ang tamis naman nito. Saan kaya binili?

"Oh! Ayon si Prinsipe Raven!" Sabay turo nito. Tumingin naman ako sa tinuturo niya at nakita kong nakasakay si Raven sa kabayong itim.

"Ang gwapo talaga ni Prinsipe Raven." Halatang kinikilig na sabi ni Qessny habang nakatingin ito kay Raven. Papalapit saamin si Raven na nakangiti. Hindi ko nga maiitangging gwapo ang isang to.

"At ang bait pa! Waaah!" Haha. Parang nagfafan girling ang dalawang ito! Si Lorry at Qessny talaga! Tumawa na lamang si Lafy Han at Hannah sa pinagsasabi ng dalawa. Tumayo kami ng makalapit na ito saamin.

"Magandang araw Prinsipe Raven." Pagbabati ko sakanya habang magkahawak ang kamay ko. Nakita ko lang ito sa Tv namin dati habang nanonood ako ng korean drama kapag bumati sila sa mga royalties. Bumaba siya sa kanyang kabayo.

"Magandang araw din Prinsesa Vyronica." Ngumiti siya saakin. Yumuko naman ang mga kasama ko sakanya. Nilagay ko na ang kamay ko sa likuran.

"Ahmm. Saan ka galing?" Tumingin ako sa kabayo niya at lumapit dito.

"Sa gubat. Pumasyal lang." Tumingin siya saakin at sa kabayo.

"Ahhh. Ganon ba. Hmm. Pasensya na pala kahapon." Napaiwas ako ng tingin at sumipol sipol kunware. Natawa naman siya bigla.

"Haha. Ayos lang." Mas lalo siyang gumagwapo kapag tumatawa siya. Tinignan ko naman si Lorry at Qessny. Ayon kilig na kilig. Ngiting ngiti naman sila Lady Han at Hannah habang nakatingin saamin.

"Maari ba kitang ilibot sa kaharian ng palasyo Prinsesa?" Sabay lahad nito ng kamay saakin. Napaturo naman ako sa sarili ko. Tinignan ko yong mga kasama ko at ngiting ngiti naman sila. Wala akong nagawa kundi kunin ito.

"S-sige." Sumakay ako sa kabayo niya. Nakasakay kami ngayon sa iisang kabayo. Awkward.

"A-ahm. Bakit pala ang ang sungit mo nong nakaraang araw?"

"Hmm. Pasensya na Prinsesa Vyronica. Dapat hindi ko yun ginawa." Tumango na lamang ako at tumingin na lamang sa paligid. Iniwan na namin sila Lady Han pero sinabihan ko silang huwag aalis at hintayin nila akong makabalik. Nagtataasang mga punong kahoy at huni ng ibon ang maririnig mo dito. Pinapihit ni Prince Raven ang kabayo. Mayamaya'y may narinig ako ng agos ng tubig. Parang malapit kami sa isang ilog. Hininto niya ang kabayo at numaba ito. Tinulungan niya naman ako pagkatapos. Lumakad siya palapit sa may ilog.

"Iyan ang ilog ng palasyo. Dito nagsilalaba ang mga tao." May nakita nga akong may mga taong naglalaba habang nakikipagkwentuhan sa katabi nilang naglalaba rin. Lalapit pa sana ako sa ilog ng pigilan niya ako.

Who's the REAL PRINCESS?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon