8

34 12 7
                                        

Play the music video!

Umahon na ako sa tubig at umupo sa may nasisinagan ng Araw. Magpapainit muna ako. Ang lamig kasi!

Gosh! Ayaw ko ng maisip ang nangyari kanina! Please lubayan mo ako! Umiling-iling ako. Wag mo nang isipin yon Janelle. Oo! Kalimutan mo na ang nangyari kanina. First kiss lang yon. Virgin ka pa. Waah! Sabi ng wag mo ng isipin yon ehhh! Huhuhu.

"Vyronica? May problema ba?"

"Waah!" Mapasigaw ako sa gulat.

"Bakit ka ba nanggugulat? Aish!"

"Ayos ka lang ba?" Tumango lang ako sakanya. Hindi ko kayang tumingin sakanya. Nahihiya ako. Nakakahiya talaga! Nakakahiyaaaa! Huhuhu.
Napatigil ako sa pagdadrama ng mapansin kong nakabalandara ang kanyang katawan. Tinignan ko mula ulo hanggang paa. Ang hot niya bess! May abs siya huhuhu. Ay ang landi ko! Iniwas ko ang mata ko sakanya. Baka kung ano pa magawa ko sa maharas kong kamay sa katawan niya! Mag tshirt ka nga! My virgin eyes!

"Babalik na tayo sa palasyo.. Maghanda ka na." Tumango naman ako. Tumayo ako at kinuha ko ang mga gamit ko. Sinuot ko na ito kahit basa pa ako. Nauna siyang lumakad saakin. Nang palabas na kami sa secret falls bigla siyang nagsalita.

"Gusto mo ipahanda na natin ang ritwal ng gabi? Haha." Binato ko naman siya ng napulot kong maliit na bato at nakailag naman siya.

"Aish! Wag ka ngang magbiro ng ganyan!"

"Hindi ako nagbibiro Mahal na prinsesa! Haha!"

"Ewan ko sayo!" Hinitay niya ako makalapit sakanya at sumabay saakin sa paglalakad palabas.

"Sino ang unang babae ang nag paibig sayo? Yiee!" Pang-aasar ko sa kanya habang kinikilti ko siya sa tagiliran niya. Lumalakad kami ngayon pabalik sa mga naghihintay na kawal. Hindi namin sinakyan ang kabayo dahil ayaw niya. Kanina pa kaming nagkekwentuhan, medyo nakakagaanan ko na rin naman siya ng loob. Kumunot naman ang noo niya. Tinawanan ko lamang siya at kinulit ulit.

"Sino nga? Dali na." Habang nakakapit ako sa braso niya.

"Tch!" Sabay irap niya saakin. Tch! Ang hirap naman nitong paaminin! Pa-showbiz!

"Si Prinsesa Hareca.. Prinsesa ng Bernalia." Sabay tingin niya saakin na naiinis.

"Naging kayo?" Tinaas taas ko ang kilay ko at ngumiti ng nakakaloko.

"Kung sabihin kong OO?" Natahimik naman ako. Tumingin ako sa iba at sumipol sipol.

"Tch. Hindi naging kami." Tinignan ko naman siya kaagad.

"Weh? Talaga?!" Hindi siya kumibo at patuloy lang sa paglalakad. Ano ba yan! Ang sungit!

Natatanaw ko na ang mga kawal hindi kalayuan saamin. Sinalubong naman kami ng kanilang pinuno.

"Mahal na Prinsipe, pinapatawag po kayo ng Mahal na Reyna." Tumango naman si Zorene. Sininsyasan niya naman ako na sumakay na ako kay Hobe. Tinuruan niya ako kanina habang pabalik na. Nagulat nga ako sa sarili ko at nakuha ko agaran ang tinuro niya saakin. Kahit ako nagulat ako sa sarili ko. Nag okay sign naman ako sakanya.

Flashback

"Turuan mo nga akong sumakay ng kabayo." Sabay kalabit ko sakanya sa likod. Tinignan niya naman ako kung sigurado ba ako.

"Turuan mo na ako." Sabay please sign ko sakanya. Hinawakan niya ang kabayo at sinenyasan na lumapit sakanya.

"Magaling ka sa mga bagay na ito." Pinasakay niya ako sa kabayo.

Who's the REAL PRINCESS?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon