Ainah's POV
Ngayon na ang alis namin sa pilipinas ni Chelo. Ayaw man namin pero mas maganda na yung ganito, yung malaman nila yung desisyon ko.
"Beb, you okay? Any minute bababa na tayo" sabi ni Chelo.
Private plane kasi ang gamit namin. Private plane namin. Hindi ko din alam kung ano ang itsura ng Lola at Lolo ko. I mean We didn't meet each other kahit kailan.
"Miss Steph, we're heading the plane to the ground. Please wear your seatbelt any minute the plane will be landing." Sabi sa Speaker.
Kaya naman sinecure namin yung seatbelt namin. Mga ilang minuto pa tumigil na ang eroplano at bumaba na kami ni Chelo. Iika ika pa siyang bumaba dahil naka benda pa ang paa niya.
"Paano natin sila hahanapin?" Tanong ni Chelo.
"Ako ng bahala. Wait for me here." Sabi ko.
Chelo's POV
I'm wondering kung ano ang gagawin niya. Ano ba balak ng babaeng ito. Ang tagal tagal niya. I'm waiting here for almost 10 minutes.
Ilang minuto pa ako nag hintay at nakita ko siya. Na may kasamang lalaki kaya naman agad kong sinugod ito.
"Who are you?!" Tanong ko ng pasigaw.
Kinwelyuhan ko siya at nakipag titigan sa kanya ng matagal. Inaawat ako ni Ainah kaya naman nag paawat na ako.
"I don't know who you are. You're even touching my Girlfriend. Please leave us alone before I can do anything to you!" Sigaw ko.
Grabe ganito ba ka-linerated sa America na kahit girlfriend na may girlfriend inaangkin nila.
"Well, I'm sorry. Please let me introduce myself, I am Noraine John Garcia. Her cousin. By the way nice too meet you Dwayne, seems your face have a lot of change." Pinsan niya pala. Pero teka anong sabi niya? Dwayne? Dwayne!
Nag igting ang bagang ko."I'm not Dwayne, I'm Stephen Chelo Montenegro." Saad ko.
"Oh you're the one who's lola and lolo's talking. By the way, I don't like Dwayne for Steph. I like you instead. Because you can fight for your love. I'm here to Fetch you by the way." Sabi nito.
Nakipag kamay ako sa kanya tanda na binababa ko ang pride ko. Ganoon naman pala eh. Bigla bigla ba naman kasing ganoon. Sabagay may mali din ako. Napansin ko na hindi umiimik si Ainah kaya naman hinila ko siya.
"What?!" Iritadong tanong nito.
"Anong problema? Bakit parang galit ka?" Tanong ko.
"Bigla mo ba naman kasi sinugod at kinwelyuhan ang pinsan ko, plus hindi mo ko pinakikinggan kanina!" Sigaw nito.
"Sorry Beb, okay? Iloveyou ayoko lang na may iba akong hindi ko kakilala na hinahawakan ka. Am I wrong? Am I not supposed to be jealous? Am I overprotective?" Tanong ko.
"No, iloveyoutoo, okay? Pero katulad ng sinabi mo sa akin. Please lang magtiwala ka sa akin." Sagot nito pero kalmado na.
"Okay Beb. Sorry. Iloveyou" tsaka ko siya hinalikan sa noo.
Bago pa man siya makasagot nakita ko na huminto kami sa isang malaking bahay. Parang eto na yun.
Bumaba kami at dahan dahang pumasok sa loob. Nakita ko ang isang matanda na babae at lalaki na nakaupo sa sofa, at mukhang eto na yun.
"Hello hija, kumusta ka na? We're not expecting na dadating ka pa. Akala namin galit ka sa amin. " sabi ng babaeng matanda.
"Hello din po lola. Okay naman ho ako." Sabi ni Ainah.
"By the way sino ang kasama mo siya na ba ang mapapangasawa mo?" Tanong ng Lolo niya
"Siya ho ang boyfriend ko. Si Chelo po." Sagot ni Ainah.
"Ha! I thought Dwayne will be here. Excuse me little boy. Hindi ka tanggap dito." Sabi ng lolo niya.
"Gin, watch your words. Umupo kayo Hija." Sabi ng lola niya.
"Please introduce yourself" sabi ng lola niya.
"Stephen Chelo Montenegro po." Sagot ko.
"Montenegro? Ang Top 2 richest in the whole wide world?" Tanong ng lolo niya
"Opo." Sabi ko
"Ako wala akong masasabi sa inyo. Alam kong mahal niyo ang isa't isa. Kaya payag ako sa inyo." Sagot ng lola niya na ikinarelief ko naman.
Nagkatitigan kami ng lolo niya. Ewan ko ba. Parang nararamdaman ko na ayaw niya ako.
"Ainah Stephanie. Follow me. Talk to you for a minute." Sabi ng lolo niya
Wala naman kaming magawa kaya naman sumama na si Ainah. Naiwan ako na nandoon si lola naman umalis din at sumama sa kanila.
30 minutes after dumating sila. Parang wala naman nangyari pero parang may problema si Ainah.
"Tara na Beb. Mag stay na muna tayo sa Hotel na pg mamay ari namin" sabi niya tsaka hindi na kami nakapag paalam sa lolo at lola niya.
Nang makarating kami sa hotel agad kaming pumunta sa loob suit namin.
"Bebe come here." Sabi ko.
Pumunta naman siya ng nakangiti.
"May problema ba? Anong napag usapan niyo?" Tanong ko.
"Ahh wala naman. Okay lang. Aalis na pala tayo the day after tomorrow" sabi niya
"Okay iloveyou!" Sigaw ko.
"Iloveyoutoo! Mahal na mahal kita at wala ng iba. Tandaan mo yan ha? Mahal na mahal na mahal kita, ano man ang mangyari." Sabi niya
Medyo kinabahan ako pero nangibabaw ang pagmamahal at tiwala ko sa kanya. Sunday na rin pala pag balik namin sa pilipinas. Tapos friday ang birthday niya, ang debut niya. Kailangan ko ng mapaghandaan ito.
"Teka Beb. Tumatawag na si Anne. Sagutin ko lang ha" sabi nito.
Tumango lang ako at inayos ng gamit namin. Wala naman kaming masyadong dala yung mga gagamitin lang namin damit.
"Beb!!!! Beb!!!" Sigaw niya kaya naman agad akong lumapit sa kanya.
"Anong nangyari?!! Nasaktan ka ba!?" Pasigaw na tanong ko.
"Beb! I'm fine! Si Jin!! Si Jin!! Gising na siya!" Sigaw nito sa tuwa.
"I'm happy for us beb. Sa wakas okay na siya" sabi ko.
"One down, two more" banggit nito
Nagtaka ako kung ano ang binanggit niyang 'One down, Two more' nakakakaba naman.
*************BEAYTCH***********
BINABASA MO ANG
The Break Up (TRG: Book 2)
Roman pour AdolescentsBook 2 of The Rich Girl Forever? Paano nila masasabi ng may forever kung sa simula lang bumabagsak na sila? Paano na yung Forever nila? Makatotohanan ba o isang salita lamang ito na wala naman patutunguhan. Mag karoon pa kaya sila ng "happy ever aft...