Chapter 26 ❤️Accident

301 8 0
                                    

Ainah's POV

lumabas ako ng Kwarto ko. Nag tataka ako bakit wala pa si Chelo. It's already 6:30 pero wala pa siya. Dati rati maaga siyang dumadating para sunduin ako, pero eto ako ngayon parang tangang nag hihintay sa kanya.

6:50 na ng dumating siya. Mukha pa silang bangag kasama niya yung apat. Si Don at Gara pati si Than at Anne. Ang lalaki ng eye bags nila. To be honest mukha silang Zombie.

"What happened? Mukha kayong bangag. Para kayong Zombies!" Di ko na mapigilang hindi sumigaw.

"Ahh..ehh.. Kasi ano.." Medyo kinakabahan si Than magsalita.

"Ano nga?!" Sigaw ko ulit.

"Muntik na kaming mabiktima ng mga gangster kagabi buti nalang natawagan agad namin sila Than. At yun tinulungan kami. Okay na ba? Pwede na ba tayong pumasok?" Paliwanag ni Don.

Medyo napayuko ako kasi parang napahiya ako. Dapat talaga hindi ako nag iisip na kung ano ano. Ehh kasi paano mo mapapaliwanag yung sa Grocery store at yung sa Hospital.

Naglakad lang ako ng makarating kami sa School. Hindi ko iniimikan si Chelo. Ayoko kasi na nagtatago siya ng sikreto. Fuck! Para saan pa at girlfriend niya ako?!

Umupo na kami sa upuan at halatang bangag nga sila. Nayuko agad sila sa desk nila.

"Beb, are you mad?" Tanong niya.

"Why would I be mad Beb? May tinatago ka bang sikreto?" Tanong ko.

Medyo nagulat lang siya ng kaunti pero hindi niya ipinahalata.

"W-wala naman." Chelo

"Talaga?" Tanong ko na para bang Anghel ako sa bait.

Tumango lang siya, fuck! Hindi talaga siya aamin. Mamaya ka sa akin Montenegro kapag breaktime na.

Ilang oras pa at nag ring na yung bell at breaktime naman. Sakto pupunta kami sa canteen kaya naman doon ko siya gigisain. Umalis si Don at Than sila kasi bibili ng pagkain. Si Anne at Gara nag CR sandali.

"May tinatago ka ba sa akin?" Tanong ko.

Nagulat naman siya "ha? Wala naman Beb" pagsisinungaling niya.

"Sinungaling! Nakita kita sa Grocery store kahapon. You are happy with another girl! At talagang pinakilala mo pa siya kila Anne pati Jin ha. Dinala mo pa siya sa hospital!!!" Sigaw ko. Hindi ko na mapigilan na tumulo ang luha ko.

"Beb! Makinig ka okay? Hindi ko siya babae.. Ano.. Nakilala ko siya sa Grocery store na Carnap siya. Ayun may konting sugat sa balikat dahil nanlaban. So dinala ko siya sa hospital. For pete's sake! She's only 15 years old! Ano ka ba naman!" Ha? So hindi niya babae yun? Aiisshhh! Steph! Ang tanga mo talaga! May paiyak iyak ka pang nalalaman!.

"Sorry Beb. Sorry talaga. I thought... I thought... Babae mo yun. I'm truly sorry." Paghingi ko ng tawad.

"Beb, You know how much I love you, walang makakapantay doon. Tandaan mo yan ha? Iloveyousomuch!" Hinalikan niya ako sa pisngi.

Dumating naman sila Anne at Gara pati si Cloud at Don. Hindi pa rin pumapasok ngayon si Ian at Jin, andami na din nilang na left out na lectures and lessons.

"Ahh Steph. Saan ka nga pala didiretso mamayang uwian?" Tanong ni Anne.

"Sa Hospital dadaanan ko si Jin tapos uuwi tsaka mag pipirma ng mga kailangan pirmahan." Sagot ko. Sabay lagay ng kamay ko sa baba ko.

"Oh okay, sige, kami kasi may pupuntahan. By the way Steph. The day after tomorrow is your debut. May invitation na ba?" Tanong ni Than.

"Meron na. Or baka di na ako dumaan sa hospital. Didiretso na ako sa bahay para kunin invitation and pamigay sa inyo." Sagot ko.

"Ha? O sige sige." Sagot ni Anne.

Ilang oras din kaming nag hintay, kumuha pa kasi ng Major subjects kaya naman mga 3:00 na kami nakauwi. Hinatid ako ni Chelo sa Mansion at nag paalam na, na may pupuntahan daw siya.

Chelo's POV

Hinatid ko si Ainah sa Mansion nila, oras na para sa Practice. Kaya hindi na ako sumabay kila Anne kasi para madischarge na nila si Jin. Para makapag practice na kami. Ilang minuto pa dumiretso na ako sa Hospital, nandoon na si Jin, Anne, Ian, Than, Gara at Don, pati si Flizz. And to be honest nandito na rin ang dating Ex ni Ainah at si Cass.

"Kailan pa kayo bumalik?" Para sa akin hindi sila welcome dito. After what they did to Ainah?

"Ngayon lang Chelo, inimbitahan kasi kami ni Anne, sakto naman ngayon ang uwi namin." Ang sumagot naman ay si Cass.

"Oh! Ganoon ba? Eh anong ginagawa niyo dito?" Sarkastiko kong tanong.

"Chelo! Watch your words." Sagot ni Anne.

"I watch my words, Just Watch your actions Anne." Sagot ko.

Umalis nalang ako doon dahil baka di ako makapagtimpi. Ewan ko ba nag iinit kasi dugo ko kapag nakikita ko sila, para bang bumabalik sa akin kung paano nag hirap si Ainah sa kanila, and to be honest bestfriend niya dati yun at EX niya naman yun. Nag drive lang ako papunta sa Condo ko.

Nanlabo bigla yung mata ko. Parang sa ilaw.

"Aahhhh!!!"

Screeeeeccchhhh!!

************BEAYTCH*************

The Break Up (TRG: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon