Anne's POV
Nag ring ang phone ako. Naiinis pa rin ako kay Chelo. Hindi ba niya nakikita na okay na nga sila nila Steph, tapos ganyan pa. Ngayon tatawag tawag siya. Tss! Mga lalaki nga naman oh! Mag baback out tapos babalik balik.
"Hello! Ano? Pagkatapos mong mag walk out tatawag tawag ka? Ano papasu--"
[A-Anne help me, naaccidente ako]
Namatay na ang call, what the fuck!
"Guys! Si Chelo naaksidente. Fudge! Kailangan natin siya tulungan before Steph knows it. Magagalit yun!" Sigaw ko.
Agad na lumabas si Than at Ian pati si Cloud, naiwan kaming mga babae at pati na si Eric. Fuck! Kinakabahan talaga ako sa kanya. What the hell!
Several minutes tumawag si Than at nasa Emergency room daw si Chelo. Kaya naman agad akong tumakbo doon. Nakita ko siya na nakahiga sa stretcher at inililipat sa hospital bed. Sugat sugat ang meron siya, pero hindi pa namin alam if meron siyang ibang natamo.
Ilang oras din kaming nag hihintay sa labas ng kwarto ni Chelo. Halos mahimatay na ako ng lumabas ang Doctor, natatakot kasi ako lalo na't birthday na ni Ainah the day after tomorrow. Ano nalang ang sasabihin niya? Ohmygolly! Grabe na ang nangyayari.
"Doc kumusta siya?" Tanong ko. Pati sila Ian at Than napatayo na rin.
"Kayo ba ang pamilya ng pasyente?" Tanong ng Doctor. Ay ano ba yan! Wala ng oras Doc para mag tanungan.
"Yes Doc. Paki sabi naman ho ang lagay niya dahil nag aalala na kami!" Halos pasigaw ko ng sinasabi yan.
"Maayos naman ang pasyente. Wala naman fracture at internal bleeding. Marami lang siyang natamong sugat kaya kailangan niyang mag pahinga. Bukod doon wala ng iba pa." Sagot ng Doctor
"Salamat po Doc." Yan nalang ang nasabi ko.
"It's my responsibility. If you excuse me. Dadalhin ko muna ang resulta niya sa lab." Tuluyan ng umalis si Doc pagkatapos niyang sabihin iyon.
Nag aalala na ako. Grabe naman kanina kinakatakan ko pa siya dahil sa pag wawalk out niya, yun pala naaccidente na siya. Nag ring ang cellphone ko at para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko sa screen ang pangalan ng tumatawag.
It's Ainah
Sinagot ko nalang ito para hindi na ito mag hinala. Medyo kabado pa akong sumagot.
"H-Hello?"
[Anne, kasama mo ba si Chelo? Di kasi siya sumasagot sa mga tawag ko.]
"Ha? Ahh oo nandito siya. Pero nakatulog mukhang pagod. Marami kasing ano.. Maraming pinapaasikaso sa kanya na papel."
Sana naman gumana ang instant pagiging liar ko.
[Anong papel?]
"Ewan ko doon sa Prob and stats na teacher natin. Mukhang crush ata si Chelo kaya pinag didiskitahan"
[patatanggal ko ang minion na yun]
Hala! Ohmygolly! Steph grabe ka talaga magalit, mas lalo mo kong tinatakot leche!
"Ahh joke lang Steph. May pinaasikaso lang na requirements kay Chelo. Bakit ba?"
[papasundo sana ako, pero dibale na. Dadalaw nalang ako diyan para mabisita si Jin at makita ko na rin si Chelo, ibibigay ko na kasi invitation.]
"Ganoon ba? Sure ka na ba diyan?"
[oo naman, I gotta go Anne, see you later.]
Bigla naman nag hang up ang phone call namin. Nasapo ko nalang ang noo ko ng mapagtanto kong pupunta pala dito si Steph.
"Oh Anne, anong nangyari?" Tanong ni Than.
"Kailangan natin itago si Cass at Eric pati na rin si Chelo. Wag niyong hahayaan na umalis si Chelo sa kwarto niya okay? Si Jin ibalik niyo doon sa kwarto niyo kanina paki sabi sa nurse ilagay ng peke ang dextrose niya sa kamay. Now na." Utos ko sa kanilang dalawa.
Natalima naman sila kaya tumango at agad na umalis ang mga ito. Halos mapuno ang utak ko sa mga nangyayari ngayon.
Mga ilang oras pa dumating na si Than at Ian pati na si Cloud na pagod na pagod.
"Tapos na." Sagot ni Than.
"Balik na kayo sa kwarto ni Jin, si Than maiiwan kay Chelo. Para masiguro niyang hindi lalabas si Chelo. Ian, Cloud at Ako tayo ang magbabantay kay Jin." Tumango naman silang tatlo.
Mga 6:35 na dumating si Steph. Akala ko di na siya darating.
"Asan si Chelo?" Tanong ni Steph. Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto ni Jin.
"Umalis kanina pero hindi sinabi kung saan pupunta. Bakit? Nag away ba kayo?" Tanong ko.
"Ah hindi naman, hinahanap ko lang siya. Kumusta ka na Jin?" Sagot ni Steph na halos mabali na ang leeg sa kakaikot nito.
Ngumiti muna si Jin bago mag salita." Okay na ako Steph, thank you"
"Bakit ka nga pala napunta dito Steph?" Tanong ni Ian.
"Oh ito ang mga invitations. Pamigay niyo nalang. Uuwi din kasi ako sa Condo kasi si Meg pinangakuan ko na doon ako matutulog. Mauna na ako sa inyo. If ever man na dumating si Chelo, paki sabi na puntahan niya ako sa Condo." Sagot ni Steph.
"Okay sabihin ko nalang Steph" sagot ko.
Ngumiti lang siya at inilapag ang pagkaing dala niya. Ang bait talaga ni Steph. Pagkatapos niya itong inilapag umalis na siya. Medyo nakahinga na ako ng maluwag ng umalis na siya.
Inalis na rin ni Jin ang Dextrose niya, halos mahimatay ako ng pumunta kami sa room ni Chelo, puno siya ng sugat sa balikat. Pero wala naman siyang sugat sa mukha. Thank God!
"Chelo? Can you hear me?" Dahil sa aligaga na akong magising siya yinugyog ko ang balikat niya.
"Aray! Aray! Anne naman! Alam mo nang meron akong mga sugat eh!" Halos mamilipit siya sa sakit.
"Sorry! Ohmygosh! Sorry talaga!" Halos hindi ako mapakali dahil baka madagdagan pa ang pag stay niya dito sa hospital kapag nagkataon.
"Okay lang. Si Ainah?" Tanong niya.
"Okay lang siya, tinago muna namin ang sitwasyon mo. Ayoko kasi na mag alala pa si Steph sayo. Mag pagaling ka na." Sagot ko.
Pumasok ang Doctor at binigay ang mga resulta sa amin. I mean pinakita sa amin.
"Doc ano po ang ibig sabihin nito?" Takang tanong ko.
"Mabilis mag recover ang body ng pasyente. Pero isa lang ang problema. He'll be staying here in 2days. The day after tomorrow niyo pa siya idischarge." Sagot ko
Napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi pa nga kami natatapos sa practice at sa problema na yun. Problema na naman ang meron. Parang gusto ko ng mag breakdown. Parang epic ang nangyari sa plano namin.
"Anne, anong gagawin natin?" Tanong ni Than.
Umiiling lang ako sa kanya dahil hindi ko na alam ang gagawin ko, naramdaman ko nalang ang yakap ni Than sa akin, hindi ko napigilan na umiyak.
"Alam ko na ang gagawin" halos magulat ako sa sinabi ni Ian. Si Ian ang pinakamautak sa amin, kaya naman sana maging tama ang mga iniisip niya.
*************BEAYTCH************
BINABASA MO ANG
The Break Up (TRG: Book 2)
Dla nastolatkówBook 2 of The Rich Girl Forever? Paano nila masasabi ng may forever kung sa simula lang bumabagsak na sila? Paano na yung Forever nila? Makatotohanan ba o isang salita lamang ito na wala naman patutunguhan. Mag karoon pa kaya sila ng "happy ever aft...