Chapter 34❤️️ Attitude

238 4 0
                                    

Ainah's POV

Umupo kami at umorder na sila ng makakain. Halos lahat gulay inorder ni Shinielle. Meat naman sa akin kay Don halos meat din. Kay Bulck naman Veggies din.

"Kumusta na pala kayo?" Puno pa ang bibig niya niyan habang nag tatanong ha? Babae ba to?

"Don't talk when your mouth is full" sabi ko.

Nilunok niya lahat ng nasa bibig niya at tinignan ako ng masama.

"Like what I've said earlier kumusta na kayo?" Yan na naman ang tanong niya.

"Still breathing" sarcastic kong sagot.

"Still have the same attitude huh?" Sabi nito at nag taas pa ng kilay.

"I think so. Let's talk about that after we eat. Please? Give some respect for the foods" sagot ko. Hindi na ito umimik at kumain na.

After kumain nananahimik lahat sa amin. Tanging etong babae lang to ang bumasag ng katahimikan. Parang parrot. Hayst! Nakakaloka siya.

"So, were done eating. Pwede na siguro tayong mag question and answer portion" sabi nito hay ang katak katak niya talaga.

"Hindi naman ito beauty pageant" sagot ko.

"Ano ba ang problema niyo? Pinag tatarayan at binibigyan niyo kami ng ganyang attitude? Don't you think na magagalit ang lolo niyo sa inyo!" Sigaw niya.

"Excuse me, matagal ng alam ni Lolo ang attitude ko. Kaya kung wala ka din alam sabihin and ayaw mong nababara wag ka nalang mag salita." Sagot ko sa kanya habang straight ako ng upo at nakatingin sa kanya.

"Steph pwede ba tayo mag usap?" Sabi ni Bulck. Hindi ko alam kung ano pero parang ayoko sa mga sasabihin niya.

"Just give me a minute" sabi ko at nag text tinext ko si Don na wag na wag niya akong iiwan at kakausapin ang babaeng yun.

Lumabas kaming dalawa ni Bulck ayoko man sa pangalan niya nasanay na ako. Ayoko kasi ng Dwayne, so common naman.

"Go" sabi ko.

"Pwede bang tayo nalang ulit? Tayo nalang tulad noong mga bata pa tayo. Yung masayang mamumuhay at mag papakasal tayo, gaya ng nilalaro at pinangako mo sa akin" sabi nito, nahihibang ba to? O lasing to. Juice lang ininom namin sabog na nga siya.

"Are you drunk?  Or high? For the first time na may masasaktan ako sasabihin ko na hindi ko naman ginusto. Okay. First of all, mga bata pa tayo noon, we act like there's no tomorrow.  We promise like it was a joke for us. But before, bata pa lang tayo noon, we can't understand things such as complicated. Second Chelo is the only one na nag mamay ari ng puso ko. Third, please lang tigilan niyo na kami. Wag niyo na kaming guluhin pa!" Napapasigaw na ako buti nalang nasa labas kami.

"How about me Steph? Don't you think na mahal kita? I've been longing for you all most 12 years! Don't you think na nag susuffer ako dati dahil nahihirapan din ako?" Sabi nito. For the first time nakita kong umiyak si Bulck sa harapan ko.

"Bulck I'm sorry, I'm truly sorry, pero ang decision ko hindi na mag babago. Si Chelo lang ang mamahalin ko." Sagot ko sa kanya tyaka pumasok na ako sa loob at umupo.

Ilang minuto pa noon saka palang pumasok si Bulck. Am I wrong? Na saktan ko siya? Am I a bad person? Oo pinangakuan ko siya, pero bata pa kami noon. Ayokong saktan lang siya at paasahin ngayon na meron pang chance na maibalik ang pangako na matagal ng nag laho. At isa pa bata pa kami noon, wala pa kaming alam sa mga sinasabi namin. Wala kaming alam sa mga nangyayari na hindi naman dapat. We're just go with the flow.

"Anong nangyari?" Tanong ni Shinielle. Napaka tsimosa ng babaeng to.

"What? Di mo ba ako sasagutin?" Tanong nito sa akin, alam kong ako ang tinatanong at pinaparinggan niya since sa akin lang naman siya nakatingin.

"Wag mo kong simulan please. Sinasabi ko na sayo. Nawala na ako sa mood." Sagot ko.

Ilang minuto pa na kinakausap ni Shinielle si Don pero si Don si Gara lang ang tinitext niya, oh kumusta na kaya si Chelo.

To: Beb
Where are you? I'm here at Morgan restaurant, nameet namin ang dalawang mag kapatid na inengage sa amin.

Wala pang isang minuto ng mag reply ito.

From: Beb
Im here at the house. Are you okay? Did he touch you? Sabihin mo lang Beb. I'll be there in ten minutes basta sabihin mo lang. I miss you already. Just always remember, Iloveyou, okay?

Naiyak ako sa sinabi niya sa akin, Iloveyoutoo Beb. Just wait ako ang gagawa ng paraan para magkasama na ulit tayo.

To: Beb
I know! Iloveyoutoo and that will never be change. Okay? Mag pahinga ka na at may pasok pa tayo bukas. See you tomorrow.

Nag reply lang ito pero hindi ko na nireplyan ulit. Hahaba lang ang usapan kapag ganoon. Mas mabuti pang keep on track muna kami dito para alam namin ang gagawin namin.

"I'm bored. We're going home." Sabi ko at sinakbit ang bag ko sa balikat ko.

Tumayo si Don at tinawag ang waiter.

"How much?" Tanong ni Don.

"Bayad na po lahat Sir." Sabi nito. Nag pa thank you lang kami pero bago pa kami makaalis may sinabi pa ang kapatid niya sa akin.

"Can I talk to you Steph? Just wanna clear things." Sabi nito. Ang lakas maka english wala naman accent.

Lumabas na ako at hinintay lang ito sa labas. One or two minutes after lumabas na ito hawak na rin niya ang bag niya.

"I'll be giving you five minutes. Your time starts now." Sabi ko.

"Don't make a scene Steph. I don't give a damn on that five minutes." Sabi nito.

"Same here to you" sabi ko.

"Wag mo na pahirapan ang kapatid ko Steph. You know naman kung gaano ka niya kamahal. Gagawin ko lahat para lang maging masaya siya." Sabi nito.

"Same here. Gagawin ko din ang lahat para maging masaya ang kapatid ko and at the same time ang sarili ko." Sabi ko.

"Don't give us a hard time Steph" sabi nito ng nakangiti

Ngumisi ako at hinawakan ng mahigpit ang bag ko.

"Then cancel the wedding"

The Break Up (TRG: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon