C #35

639 12 0
                                    

C #35

He was casually looking at her sleeping form while driving. Pauwi na sila and he must admit na talagang nag-enjoy siya sa ginawa nila. Though it was awkward at first, he eventually got the hang of it.

He never experienced that happiness. Happines of being a child. Yung wala kang iniisip na magulang na kailangan mong i-please, mga kapatid na kailangan mong ibahin ang tingin sa'yo at mundong huhusga sa anak sa labas na gaya niya. He felt for the first time how it is to be carefree, yung masaya lang, yung ngayon lang yung iniisip at hindi aalalahin na may mga taong madi-disappoint.

He felt all of that because of the sleeping woman beside him. Nakakita siya ng gas stop at tumigil muna para bumili ng maiinom at mag-cr ang mga gustong mag-cr.

Eunica slowly open her eyes and looked around her. Tapos ay bumaling ito sa kanya.

"Gas stop." He said as an answer to her puzzled look. Tumango lamang ito saka bumalik sa pagkakatulog.

"Hindi ka ba magc-cr?" Tanong niya dito. Gumising ito ulit saka siya tiningnan tapos ay tiningnan ang dalawa niyang kaibigan na sarap na sarap sa tulog sa likuran nila.

"Ja, hindi ba kayo magc-cr?" Gising niya kay Jaira na nakayakap ang kamay kay Vince na mahimbing na natutulog.

"Huh?" Wala sa loob na tugon nito.

"Cr?"

"Ah oo sige." Wala pa rin sa loob na sabi nito at kumalas kay Vince.

Bumaba ang dalawang babae at nagtungo sa comfort room. Ginising niya ang natutulog na si Vince.

"Hindi ka ba pupunta ng cr?" Tanong niya dito nang magising. Vince shook his head.

"Bumili na lang tayo ng makakain. Mahaba haba pa ang biyahe." Tumalima naman ito at bumaba na ng sasakyan.

Nagtungo sila sa convenience store na nandoon at pumili ng makakain. Ilang saglit pa ay dumating na din sina Eunica.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya dito.

"Ikaw?" Nanlaki naman ang mata niya sa tinuran nito. Pati ang balak na pag-inum ni Vince ng tubig at pagsubo ni Jaira ng biscuit ay nabitin sa ere.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang ma-realize ang kanyang sinabi.

"I-I didn't mean it l-like that!" She stuttered defensively.

He cleared his throat bago balingan ang pinsan niya at inilapit sa bibig nito ang bote saka isinubo sa bibig ni Jaira ang naudlot nitong pagkain.

Umalis siya at pumunta sa beverage aisle. Hindi niya maiwasang mapangiti sa naging reaksyon ng dalaga. Minsan ay nabibigla din siya sa mga ginagawa at sinasabi nito. He couldn't really believe that the pale looking, panic stricken girl before can be this silly and bubbly at the same time.

Narinig niyang tinutukso ito ng mga kaibigan. Eunica have grown so much from the girl he used to know and he's so happy for her.

Napailing na lamang siya bago balingan ang mga inumin at mamili ng kanyang kukunin. Nang makakuha na ay nagbayad na siya at nagtungo sa kinauupuan ng mga kasama niya.

When he went near to Eunica ay nagbaba ito ng tingin at namula.

"Uy, namula si girlfriend." Tukso ni Jaira dito.

Eunica gave Jaira the look para tumahimik ang kaibigan pero hindi ito nagpatinag sa dalaga at tinukso pa ito lalo at nakisali na rin ang pinsan niya upang tuksuhin ito.

All the while na tinutukso ang dalaga ng mga ito ay tumatawa lang siya. Hinahayaan ang mga ito, hanggang sa naramdaman na lamang niya ang mahinang pagsiko sa kanyang tabi.

Case #4 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon