C #30

979 17 2
                                    

C #30

She had never felt so special in her whole life. That's what running inside her head the entire time na sinasabi sa kanya ni Darren ang mga bagay na iyon. Hindi niya lubos akalain na mas pinili siya nito kaysa sa anomang bagay na akala niya ay mas mahalaga para rito.

Nakaakbay sa kanya ang nobyo habang palabas sila ng kanilang bahay. He had dinner with them. Tuwang tuwa ang mga magulang niya nang madatnan sa kanilang bahay ang binata. Her mother cooked for them. Gusto daw nito na ito ang magluluto para sa lalaking mahal ng kanyang anak. And someday siya na ang magluluto para rito.

Namumulang sinaway niya ang kanyang ina. Bigla tuloy siyang nahiya kahit sa mismong nobyo. The dinner went fantastically. Her parents were talking about the things they did for the day at kung gaano nila kagusto na sa susunod ay makasama siyang gawin ang mga bagay na silang tatlo ang gumagawa noon.

Suddenly, she missed those times na maliit pa siya at isinasama sama siya ng mga ito sa kanilang lakad. But then, she agreed na one time ay sasama siyang muli sa mga ito.

Nang makalabas na sila ay tinungo nila ang sasakyan ng binata.

"Mas mahal mo 'ko?" She asked sweetly at him. Darren looked away smiling. Nang tingnan siyang muli nito ay hinalikan siya sa may noo ngunit hindi nagsalita.

Kumalas ito sa kanya at ni-unlock ang sasakyan nito. Naka-pout siya habang minamasdan ito sa ginagawa. Napansin nito ang panghahaba ng kanyang nguso kaya natawa ito ng mahina.

"Kulang pa?" He asked playfully.

Tumango siya habang patuloy na nakanguso. Darren started walking towards her habang tumitingin tingin ito sa kanilang paligid.

Nang makalapit ito sa kanya ay napangiti na rin siya at walang babalang hinapit siya nito sa baywang at inilapat ang mga labi nito sa mga labi niya.

Smiling, she kissed him back. Nang maramdaman niyang kakalas na ito ay maagap niyang ipinulupot ang kanyang mga braso sa batok nito upang hindi ito makalayo. She felt him smiled habang patuloy ito sa paghalik sa kanya.

Every brush of his glorious lips to hers makes her heart beat even faster. His lips are like an electricity in a reviving machine, it makes her alive. At ito lamang ang nakapagparamdam sa kanya ng bagay na iyon at wala ng iba.

Nang humiwalay siya ay ipinagdikit nito ang kanilang mga noo. She's taking in breaths dahil pakiramdam niya ay nawalan siya ng hangin.

"Satisfied?" Tukso nito sa kanya.

"Shut up." Malumanay na sagot niya dito na siya namang nagpatawa dito.

Ang mga kamay nito na nakalagay sa kanyang baywang ay tumaas sa kanyang likod at kinabig siya sa isang yakap.

"Whatever happens, just always remember that I love you. I won't do something that will hurt you." Anas nito habang nakayakap sa kanya at paminsan minsang hinahalikan ang kanyang buhok.

Tumango na lamang siya at hinigpitan ang yakap dito.

"I'm sorry." She felt the urge to say so.

"Don't be. I know I shouldn't have hid it from you pero iniisip ko ang magiging reaksyon mo. At ayun na nga, you cried and made me say those cheesy lines." Hinampas niya ng mahina ang braso nito saka ito hinarap.

"Ikaw, kung hindi pa ako iiyak hindi mo pa sasabihin sa'kin ang mga bagay na yon." Nakangusong sabi niya dito. Darren chuckled.

"Oh, so you planned this?" Biro nito sa kanya.

"Hindi ah!" Mariin niyang tanggi na naging dahilan para mas lalo siyang tuksuhin ng tingin nito.

"Ay sus, namumula ang girlfriend ko. Ayaw pa kasing aminin na gusto lang akong makita eh." Tukso pa nito.

Case #4 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon