Side Story

1.2K 36 2
                                    

Infairness sa'kin wala akong maisip na update na matino, kaya pagtyagaan niyo po muna si Jaira at ang kakulitan niya. ^___^V

Side Story

Jaira

I'm bored. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. It's a sunday afternoon and yet I'm here inside my room, doing nothing but to stare at my ceiling. How boring my life could get?

I got up and took my phone on the bedside table. I scrolled on my phonebook then dial Eunica's number. Baka available ang bestfriend ko. Siya na lang ang kukulitin ko. Hhe!

(Hello?) She answered glumly.

"Ang sigla naman ng bungad mo." Biro ko but then turn serious. "May problema ka ba Nics?"

Hindi ko maiwasang magtanong sa kanya ng ganoon. Eversince it happened, naging careful na ako when it comes to her but then I make sure na hindi nagbabago ang trato ko sa kanya. Kung ano ang pinapakita ko sa kanya before ganoon din naman ngayon ang kaso mas moderate lang.

(Hayyy...) I heard her sigh. Kung ano man ang problema nito, it must be something big for her to act like that.

I waited for her to say something but then she didn't talk again. Wow! Ako lang talaga ang madaldal.

"Nics, if you have any problem don't hesitate to tell me okay?" Paalala ko sa kanya.

(Okay. Don't worry about me Ja, I'm just a bit moody today.) Kahit paano ay nag-lift na yung boses niya but then may trace pa din ng pagiging matamlay. It's okay I understand, I know what she's been through that's why I can't force her to something she doesn't like. Kahit pa minsan nakakatampo na yung baklang yun pinagsasabihan niya ng mga problema niya.

Speaking of bakla, ano kayang ginagawa niya? Busy kaya siya?

"Okay, I'll hung up now. Bye bestfriend." Paalam ko.

(Bye, bestfriend. Take care.) She then hung up.

Pagkababa ni Eunica sa tawag agad ko namang hinanap ang number ni bakla. If Eunica is unavailable maybe Vince has a lot of spare time.

Instead of calling him, I decided to just text him. He's not that important para pag-aksayahan ng load ano! Ayoko lang siyang kausap sa phone, tinatakasan kasi siya ng katinuan pag kausap sa phone.

"Are you busy? Where are you at this time?" Pa-english ko pang text sa kanya. Kung alam lang niya dinugo pa ang ilong at ngipin ko habang tina-type yan.

I waited for his reply. Luckily, after five minutes he responded. Oo, ganoon katagal bago siya mag-reply. Masyado talagang pa-importante ang bruho!

I open his message and it says: "I'm at home, particularly at my parents house."

Aba himala nagkaganang magbigay ng detail! Ang alam ko lang pinag-aaksayahan ng kalyo sa hinlalaki ng lalaking to ay si Nics eh. Infairness nasa mood siya ngayon.

"Oh okay, I'll go there then." Impulsive kong sagot saka na tumayo sa pagkakasalampak sa kama ko at dumiretcho sa banyo para maglinis ng katawan.

After going to the mass with my family, hindi na ako lumabas ng room ko. Kumain na rin lang naman kami sa labas kaya hindi na ako bumaba for lunch.

After doing my rituals, I fixed myself in a simple manner. Si bading lang naman ang pupuntahan ko so no need to make myself beautiful. Hindi ko sinasabing hindi ako maganda, in fact nag-uumapaw ako sa ganda. Hindi ko lang kailangan mag-apply ng make-up baka ma-insecure lang si bakla sa ganda ko.

Nang makapag-ayos na ako ng aking magandang self ay nagmamadali na akong lumabas ng bahay. My family are quite busy doing their own thing kaya hindi ganoon ka-hassle ang eskapo ko.

Case #4 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon