C #17

1.1K 18 1
                                    

C #17

Ngayon na ang labas ni Janna at gaya ng napagkasunduan sa kanya muna ito titira. Patungo na sila ngayon sa bahay niya upang maayos na rin ang matutuluyan nito.

Pagkarating nila ay agad agad naman silang sinalubong ng mga kasambahay niya. Magiliw nilang binati si Janna pero gaya ng inaasahan niya hindi nito pinansin ang mga ito.

Hinatid niya ito sa silid na tutuluyan nito.

"Rest first, I'll be back to call you when lunch is ready." Sabi niya saka ito tinulungang makahiga muna.

Tumango ito ng nakangiti sa kanya. A genuine one.

"Thank you." Sinuklian niya naman ito ng ngiti." For taking care of me." Patuloy ng dalaga.

"You're welcome." Sagot niya. Bigla namang nalungkot ang mukha nito.

"I'm sorry."

Nangunot naman ang kanyang noo. "For what?"

"For everything I've done back then." Nakayukong sabi nito.

"Janna, just forget it okay? Just leave those things behind." Bilin niya dito.

"Okay." Saka na ito ngumiti ulit.

"Rest." Utos niya dito saka na tumayo at lumabas ng silid.

Nang maisarado niya ang pinto, hindi niya maiwasang maisip ang nakaraan. Ano ba talaga ang naging dahilan ng paghihiwalay nila? All he remember is that, he loved her so much that it almost break him when he learned that she left without saying anything.

He set aside the thought and walk down the stairs and to the kitchen para ipahanda na ang lunch.

Nang nasa kitchen counter na siya saka naman nag-ring ang phone niya. Tiningnan niya ang caller'a ID at nakitang ang pinsan pala niya ang tumatawag.

"Hello?"

"Bro!" Masiglang bungad ni Vince sa kabilang linya.

"Hindi ba pwedeng hindi ka nakasigaw everytime na tatawag ka?" Balik niya.

"Whatever! Bro, punta ka ng mall kasama ko si Eunica."

Upon hearing her name, bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso niya. Ganoon na ba talaga ang epekto ng dalaga sa kanya?

"Hoy bro! Sagot naman diyan. Hintayin ka namin ha?"

"Teka-"

Hindi na siya nakasagot pa nang ibaba ni Vince ang tawag. Napapalatak na lang siya. Ang pinsan talaga niya isip bata kahit kelan. Hindi man lang hinintay na makasagot siya. Paano siya pupunta eh nandito si Janna? Alangan namang iwan niya ito.

Pero naisip niya, kung hindi siya pupunta hindi niya naman makikita si Eunica. Hindi naman sa desperado siya, konti lang, gusto niya lang talaga itong makita lalo na at matagal na niya itong hindi nakikita.

"Bahala na." Sagot niya sa sarili.

----

"Nics!" Masayang bati ni Jaira sa kaibigan saka ito niyakap ng mahigpit.

"You're not very excited to see me, are you?" Tumatawang sagot niya habang yakap din ang kaibigan.

"Not really." Sabi nito nang bitawan siya. Sumimangot ito at binalingan si Vince at walang anu ano sinuntok ito sa may tiyan.

"Ouch ha, bakit mo naman ako sinuntok?" Nakangiwing sabi ni Vince habang hawak ang tiyan.

"Hudyo ka kase, hindi mo man lang ako tinawagan na pupunta kayo sa amusement park. Kung kelang sa mall na lang kayo pupunta dun mo ko tinawagan. Walangya ka talaga." Bunganga ni Jaira dito.

Case #4 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon