C #25
Pagkatapos niyang magbihis ay lumabas na siya ng kanyang silid at bumaba na. Nakita niya ang dalawang kaibigan na nakaupo sa may living room habang nagtatawanan. Kanina lang halos kainin ng dalawa ang isa't isa sa sobrang inis tapos ngayon nagtatawanan sila na para bang walang nangyari. Parang mga baliw lang.
"Tara." Tumayo na ang dalawa. Nauna na siya sa paglakad palabas nang biglang hablutin ni Jaira ang kanyang braso.
Nagtatakang tumingin siya dito. Pinasadahan siya nito nang tingin. Magmula ulo hanggang paa.
"At bakit naka-hoody at jeans ka na naman, aber?" Nakataas ang isang kilay na tanong nito.
Napakamot na lamang siya nang ulo habang napapangiwing nakatingin dito. Kahit ano na lang napapansin nito.
"Gusto ko eh. I'm comfortable with this." Simpleng sagot niya.
"Hayaan mo na kasi. Pumayag na nga sesermunan mo pa." Sagot naman ni Vince.
Bubuka pa lamang ang bibig ni Jaira ay iniwan na sila ni Vince at nauna ng maglakad palabas. Sumunod na siya.
Nasa labas ng gate ang kotse ni Vince. Pagkalabas ng gate ay naglakad na siya patungo sa naghihintay na sasakyan. Napatigil siya sa paglalakad at napahawak sa kanyang batok.
Pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya. She looked around the place. Pero wala naman siyang makitang tao sa paligid. Halos malalaking puno ang nasa paligid.
"Nics, let's go." Tawag sa kanya ni Jaira. Lumakad na siya ulit palapit sa mga ito at ipinagwalang bahala ang kanyang pakiramdam. Baka kasi guni guni niya lamang iyon.
Nang makarating sila sa mall ay hinatak na siya ni Jaira patungo sa department store. Kahit tutol si Vince ay wala pa rin itong nagawa nang makapasok na sila sa department store.
May mga binibigay na damit si Jaira sa kanya at ipinapasukat pero tumatanggi siya. Ayaw niya talagang mag-shopping. Madami pa naman siyang damit. Hindi niya kailangan ng mga bago.
Hindi kasi siya masyadong maluho sa katawan. Ayos na siya sa kung anong meron siya. She considered herself rich hindi dahil sa yaman na meron ang mga magulang niya kundi alam niya kung paano i-appreciate ang mga bagay na meron siya.
Noon pa man ay ganoon na ang kanyang pananaw. At mas lalong umigting yon ngayon na magaling na siya. Her new life is the greatest gift she had ever received. Nabigyan siya ng isa pang pagkakataon na maranasan kung paano ang mamuhay ng normal kaya hindi niya iyon sasayangin.
Tuloy si Jaira sa pagpili ng mga damit habang siya at si Vince ay nakasunod lamang dito.
Hinintay na lamang nila na matapos ito sa pamimili ng mga damit. Nang matapos ito ay halos hindi na ito makita sa dami ng mga damit na dala nito sa mga bisig. Sinundan na lamang nila ito sa may counter at hinintay na matapos sa pagbabayad.
Nakita niyang napailing na lamang si Vince habang nakatingin kay Jaira na binabayaran ang mga binili.
Habang nakatingin siya sa kaibigan ay unti unti niyang nadidiskubre ang ibang klase ng pagtitig nito kay Jaira. Sa unang tingin parang may pagkairita sa mukha nito pero hindi maipagkakaila ang ibang emosyon na nandoon sa mga mata nito.
"You're in love." Wala sa sariling bulalas niya. Bigla namang napaling ang ulo nito sa direksyon niya. At natawa siya nang makita ang pamumula nito.
Napangiti siyang lalo nang wala itong maapuhap sabihin. Bubuka ang bibig nito pero walang salita ang lumalabas. At sobrang pula na ng mukha nito. Now that explains kung bakit lagi silang nagbabangayan and that is because they're in love with each other pero hindi nila iyon masabi sa isa't isa. Alam niya kung gaano kataas ang pride ng mga ito. Walang gustong maunang umamin sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Case #4 (Completed)
Genel KurguBy kimicha. All rights reserved. A story of a teenage girl who had been raped and couldn't manage to move on and forget about that horrible event in her life. A story not just about love but acceptance and forgiveness.