As usual po, sorry...
C #18
Hindi maiwasang mapatingin ni Eunica sa unahin nila. Nauuna kasing maglakad sina Darren at Janna. And she can see that Janna is happy about whatever it is that Darren is telling her.
Hindi niya maiwasang makaramdam ng inis lalo na ng selos. Pakiramdam niya inaagawan siya. Pero ano nga bang karapatan niya para ipagdamot si Darren? Sapat bang dahilan na may gusto siya dito para ilayo ito kay Janna?
Kumpara naman sa kung anong meron sila ni Darren mas matimbang naman ang meron ito at ang lalaki. Ni hindi pa nga masabi ng tuluyan ni Darren na ex niya ito.
"Simaktol ka diyan?" Narinig niyang asar ni Vince sa kanya. Tinapunan niya lang ito ng masamang tingin. "Chill ka lang. Masosolo mo din siya mamaya."
Nawala bigla yung inis niya at napalitan naman ito ng pagtataka. What does he mean by that? As if reading her question in mind, Vince answered.
"Akong bahala- aray!"
"Tayo ang bahala." Singit ni Jaira na nakapagpalaki ng mga mata niya. It means alam na din nito ang lihim niyang pagtingin kay Darren?
Binalingan niyang muli si Vince at nakita ang guilt sa mukha nito.
"Sorry, she tortured me to squeeze out some infomation." Saka pa nakataas ang dalawa nitong kamay na para bang sumusuko.
She looked at Jaira with guilt on her face. Paano kasi naglihim siya dito at si Vince lang ang tanging pinagsabihan niya ng nararamdaman niya para kay Darren. Well she did not really tell him, he figured it out. Kahit pa ganoon, hindi niya maiwasang ma-guilty kase bestfriend niya din si Jaira kaya dapat alam din nito ang nangyayari sa kanya.
"Kayo ha, feeling ko hindi na ako belong kase kung hindi niyo ako iiwan, paglilihiman niyo naman ako. Nakakasakit kayo ng kalooban." Nagtatampong sabi ni Jaira na siya namang kinadagdag sa guilt na nararamdaman niya.
"Sorry, Ja." Mahina niyang paumanhin dito. Hindi naman niya sinasadyang hindi sabihin dito. Sasabihin din naman niya kaya nga lang pakiramdam niya hindi pa iyon ang tamang panahon. But then again, Vincent being the 'confidential' type, told her right away.
"Ayos lang. Alam ko naman eh." Saka pa tumalikod si Jaira na nagtatampo pa rin.
"Ja naman eh. Sorry na talaga. Sasabihin ko naman sayo eh kaso naunahan na akong sabihin nung isa diyan." Paliwanag niya.
"Ako na naman? Didn't you hear me a while ago? She tortured me. Tortured me to get some info." Defensive naman si Vince na talagang pinakadiin pa yung word na torture.
"OA ng bading na to." Bulalas ni Jaira. "Para tinapatan ka lang ng plastic na tinidor natakot ka na? Asan ang torture don?"
"Kilala kita eh, once na sinabi mong itutusok mo yon sa'kin gagawin mo talaga kaya sinabi ko na." Amin naman ni Vince na para pa ring bata. "Saka di ako bading. Marunong lang talaga akong rumespeto, di katulad mo."
"Ano kamo?!" Bulalas naman ni Jaira. Hindi niya maiwasang mapangiti sa pagbabangayan ng dalawa. It diverts her attention for a while.
"Totoo naman eh." Mahinang sabi ni Vince.
"Gusto mo talagang makatikim ano?!" Balik pa ni Jaira na akmang uundayan si Vince.
"Tama na. Baka magkatuluyan na kayo niyan." Bira naman niya sa dalawa.
"No way!" They both said in unison na siya namang lalo niyang ikinatawa.
"Chill! Masyado naman kayong serious diyan. Para binibiro lang kayo eh." Sabi naman niya na tatawa tawa pa rin.
BINABASA MO ANG
Case #4 (Completed)
General FictionBy kimicha. All rights reserved. A story of a teenage girl who had been raped and couldn't manage to move on and forget about that horrible event in her life. A story not just about love but acceptance and forgiveness.