C #14

1.5K 33 2
                                    

Hello! Sensya na po sa npakatagl na update. Tinotopak lang po. Saka salamat po paghihintay. Salamat din po sa mga bagong nag-follow, nag-add nito sa RL nila at nag-vote. Hindi na po ako hihingi ng comments, pero sana wag niyo na po ipagdamot kahit yung votes lang. Bahala na po kyo kung sino ang gustong mag-comment, I'll be very thankful.^___^V

As promised, this chapter is dedicated to her. @a_k_i_r_a, here's your dedic.^____^V

Pagpasensyahan niyo na po kung marami kayong makikitang mali, hindi ko na po kasi siya na-review para ma-update ko siya ngayon. I'll try to update din po bkas, try plng po. Not sure yet. Habang hindi pa ko pumapasok update update muna. Hihi! XD!

Enjoy reading!

C #14

Nanatili siya sa kanyang kinatatayuan habang nakatingin pa rin sa dalawang taong nasa harap niya. Darren is still holding the girl, like she's something fragile, that once he let go of her she will just disintegrate into dust.

Alam niyang hindi dapat pero nakaramdam siya ng selos. Alam niyang maling maramdaman niya iyon dahil tinutulungan lang ni Darren ang babae. Pero hindi niya mapigilan ang sarili niyang nararamdaman.

Bumaling ang tingin ni Darren sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Eunica." Tawag nito sa kanya na nakapagpagising sa kanya. Agad siyang lumapit dito. "Can you hold her for a second? I'll just go get the car."

Tumango siya dito at pumalit sa pwesto nito. Ipinulupot niya sa balikat ng babae ang kanyang mga braso. The girl fell asleep, that's why Darren can't just leave her. She examined her whole figure. Kahit pa madungis ang mukha nito, hindi maipagkakailang maganda ito. Her eyelashes are unbelievably long, her nose is perfect, her lips are full and red.

Naalis ang pansin niya sa natutulog na babae nang marinig niya ang pagparada ng sasakyan. Agad agad na bumaba si Darren mula sa sasakyan at dinaluhan sila. Agad nitong binuhat ang babae at isinakay sa sasakyan.

Sumakay na rin siya sa sasakyan at nagtungo na agad sila sa hospital. Pagkarating doon ay kaagad na dinala ni Darren ang nasabing babae sa emergency room habang siya ay nakasunod sa kanila.

Sa nakita niyang lagay nung babae, mukha na itong galing sa hospital. Pero bakit ito nakalabas at palaboy laboy sa daan?

In-examine na ng mga doctor ang babae. Ilang saglit pa ay isinara ang kurtina at hindi hinayaang makita nila ang paggamot dito.

Umupo siya sa isang waiting chair at sumunod naman sa kanya si Darren. Umupo rin ito sa tabi niya na bakas ang pag-aalala sa mukha.

Magtatanong sana siya pero nang makita ang depress na itsura nito ay pinili na lamang niyang manahimik. Tahimik sila habang inaantay ang resulta ng pag-examine sa babae.

Hindi rin nagtagal ay lumabas na ang doctor na tumingin dito at lumapit sa kanila.

"Kamag-anak ba kayo ng pasyente?" Tanong ng doctor. Tiningnan niya si Darren at hinintay itong sumagot.

"No doc, malapit pong kaibigan." Sabi nito. Malapit na kaibigan? Bulalas niya sa isip.

"Do you know any relatives of hers?" Tanong ulit nito.

"Yes doc, I'll call them."

"Good." Saka ngumiti ang doctor sa binata. "We'll have to know more about this patient. Based on her look, she had been admitted to another hospital already. We just don't know yet what's her case."

Tumango na lamang si Darren sa doctor. Ilang saglit pa ay iniwan na sila nito.

Nang mapag-isa na sila, kating kati na siyang tanungin ito about dun sa babae ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili. This is not the right time.

Case #4 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon