C #34

572 13 1
                                    

I'm writing updates and at the same time fixing the story, chapters by chapters. I'm trying to remove the inconsistencies that I have made throughout writing the story in a turtle-like pace. Pasensya na po sa mga irregularities na na-commit ko dito sa story na ito. Sa mga nakapansin at hindi, pasensya na po talaga.

C #34

If there is someone who is an expert at being childish, that's no doubt to be Jaira. Idagdag pa ang boyfriend nito na si Vince, talagang uulanin sila ng kakulitan. Kaya naman hindi nagdalawang isip si Eunica na magpatulong sa mga ito sa balak niyang 'joy deep down in my heart' para kay Darren.

"Okay, ang theme natin para sa 'Operation: Joy deep down in my heart' ay larong pinoy." Sabi ni Jaira habang nakatingin ito sa papel na hawak.

"Hindi siya excited sa lagay na yan, gumawa pa talaga siya ng listahan ng mga activities." Singit ni Vince habang ngumunguya ng cookies na siya namang naibuga nito nang sikmurain ito ng nobya.

"Shh!" Pagpapatahimik pa ni Jaira rito.

Hindi niya mapigilan ang matawa sa kakulitan ng dalawang kaibigan. Sinong mag-aakala na magiging magkasintahan ang mga ito samantalang mas madalang pa sa away sa Mindanao kung mag-ceasefire ang mga ito.

Napailing na lang siya at inayos ang laman ng basket na kanilang dadalhin sa picnic na gagawin nila sa farm na pag-aari nila Jaira. Kesa naman sa park nila gawin yun at nakasuot sila ng mga suspenders na parang mga bata, baka mapagkamalan pa silang mga sira ulo.

"Asan na si Benjamin Button?" Pabirong tanong ni Vince sa kanya na ang tinutukoy ay si Darren.

"May inaasikaso lang daw saglit. Ewan ko ba dun anong pinagkakaabalahan samantalang wala naman siyang trabaho." May pagtatakang sambit niya.

"Ito naman, ano namang akala mo sa boyfriend mo? Colorum? Syempre may business yun, hindi lang siya doctor ano." Sabi ni Vince saka muling sumubo ng cookie.

"Anong business? Wala naman siyang nababanggit sa'kin ah." Takang tanong niya sa kaibigan.

"Nics, my friend. Hindi lang ikaw ang Laong-laan. Pati rin ang boyfriend mo noh. He put up small time businesses, alam mo na, when it comes to his family, ayaw na niyang maulit ang nangyari noon sa kanya kaya ganyan na lang siya kung mapaghandaan ang darating." Kibit balikat na sabi ni Vince sa kanya.

Again, naramdaman na naman niya yung pakiramdam na iyon sa tuwing naaalala ang pinagdaanan ng binata noon.

"To be honest, ngayon ko lang din nalaman ang tungkol doon. My parents sent me away to Japan when we were in 3rd year high school. At that time troubled na pala si kuya at hindi ko pa alam. Hindi naman lingid sa'kin na ayaw sa kanya ni tita Ika at ng mga anak nito.
Ako lagi ang kausap niya noon kapag inaapi siya nung mga kuya niya but never did he mention that he was using drugs or he joined a fraternity. Basta ang alam ko na lang, he was sent to US and he pursued the program he always wanted." Vince sighed then continue. "Doon na lang ulit kami nagkaroon ng maayos na komunikasyon. But when I asked him kung ano ang nangyari sa kanya he will always say that it's nothing, naging busy lang daw siya. We have always been close to each other pero hindi niya binanggit sa'kin ang bahaging yon ng buhay niya. Buti pa naisipan na niyang sabihin iyon sa'kin."

Hindi na napigilan pa ni Vince ang malungkot pagkatapos ng sinabi nitong huli.

"It's okay, Vince. It's in the past. It's better to just forget about it. Darren's okay now. And today we'll make him happy. Tutulungan natin siyang ma-experience ang happy childhood na hindi niya naranasan noon." Pagcomfort niya rito.

Case #4 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon