C #40
Snapshots
She was looking at him warmly while he was eating his food. Ngumiti siya rito saka muling sumubo ng kanyang pagkain.
-
He was awaken by a thud outside their room. Nakita niyang gising na rin ang mama niya habang pinakikinggan ang mga ingay na nanggagaling sa labas.
"Mama..."
"Shhh..."
Hindi na siya nagsalita pa at tumahimik na lamang.
-
"Wag na wag kang lalabas dito. Wag kang maingay ha?" Hingal na sabi ng kanyang ina habang hawak ang magkabila niyang pisngi.
"Mama, natatakot ako." Sabi ng kanyang maliit na boses.
"Wag anak, wag kang matatakot." Sabi ng kanyang ina sa kabila ng mga luhang pumapatak sa mga mata nito. Hinalikan nito ang kanyang noo pagkatapos ay isinara ang pinto ng cabinet na kinaroroonan niya.
"Mama..." Mahina niyang anas.
Malakas na bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang lalaki. His mom fought them kaya naman sinaktan siya ng mga ito.
Nakita niya sa maliit na siwang ng cabinet ang ginagawa ng mga ito sa kanyang ina. Takot na takot na siya. Lumuluha siya ng tahimik habang pinapanuod ang kanyang ina na bugbugin ng mga lalaking iyon.
"Mama." Hindi niya napigilang tawagin ito nang makitang hindi na ito gumagalaw sa sahig. Kumawala ang isang hikbi mula sa kanyang bibig dahilan para marinig siya ng dalawang lalaki.
-
"Ibenta na lang natin sa mga sindikato. Kung papatayin natin ang batang iyan hindi natin siya mapapakinabangan." Sabi ng isa sa mga lalaki.
"Paano kung ituro tayo ng batang yan?" Sagot naman ng isa.
"Gago ka ba? Hindi tayo ituturo niyan kaya nga ibebenta natin siya sa sindikato. Wala siyang kawala doon." Saka siya binalingan nito at ngisihan.
Takot na takot siya. Hindi niya alam kung anong gagawin ng mga ito sa kanya. They killed his mother and now they took him with them.
-
Napaubo siya nang maramdaman ang pagsaboy ng tubig sa kanyang mukha. Nabasa na ang buo niyang damit. Pupungas pungas siyang tumayo mula sa sementong kanyang hinihigaan.
"Bawal ang tatamad tamad!" Singhal ng babaeng nagbabantay sa grupo nila.
Kinusot niya muna ang kanyang mga mata bago ibaling ang mga mata sa mga kasamahan niyang nagsisitayuan na din mula sa mga kartong nakalatag sa malamig na semento na nagsisilbing kanilang higaan.
Naramdaman niya ang pagkalam ng kanyang sikmura. Hindi siya pinakain nang nakaraang gabi dahil wala siyang naibigay na pera galing sa kanyang pamamalimos kaya tuloy gutom ang munti niyang sikmura.
"Hoy! Hindi ka makakain kung wala kang perang maibibigay kay boss. Ke-bago bago mo napakaarte mo. Diyan ka na nga." Saka pa siya itinulak nito na dahilan upang siya ay mabuwal at mapaupong muli sa sahig.
"Mama." Hikbi niya sa pangalan ng kanyang ina.
-
BINABASA MO ANG
Case #4 (Completed)
General FictionBy kimicha. All rights reserved. A story of a teenage girl who had been raped and couldn't manage to move on and forget about that horrible event in her life. A story not just about love but acceptance and forgiveness.