C #28

902 19 3
                                    

Sorry for the long wait again. Sensya na po, I'm still getting back on the story kaya medyo sappy yung update.

C #28

She can't wipe the ridiculous smile off of her face while listening to her professor. Hindi dahil sa nasisiyahan siya sa mga idini-discuss nito kundi dahil sa binata.

Naramdaman niya ang marahan na pag-vibrate ng phone niya, tanda na meron siyang text.

Pasimple niyang binawi ang kanyang tingin at yumuko upang tingnan ang cellphone niya na nasa kanyang kandungan. She clicked the message and read it.

"You must be a magician." Simula nito. Hindi niya maiwasang mapangiti ng malapad. Kanina pa siya nito binabanatan ng tungkol sa kung ano anong bagay.

"Why?" Pagsakay naman niya.

"Because every time I look at you, everyone else disappears." Natawa siya ng mahina at kinilig naman siya sa sinabi nito.

Binitiwan niyang muli ang kanyang phone sa kanyang kandungan at sinubukang ituon muli ang kanyang atensyon sa pakikinig sa kanyang prof.

Good thing, alam niya kung paano i-focus ang kanyang isip at hindi siya gaanong nadi-distract sa mga ka-corny-han ng binata. Although, hindi maiiwasang pumapasok ito sa kanyang isipan na madalas, ginagawa na lamang niya itong motivation instead of distraction.

Hindi naglipat oras ay naramdaman na naman niya ang paggalaw ng kanyang cellphone. Maingat siyang yumuko at binasa ang mensahe nito.

"Hey! Can I follow you home?" Hindi siya nag-reply at hinintay na lamang itong ituloy ang sasabihin. Hindi naman siya nabigo dahil wala pang mahigit isang minuto ay nag-text na ulit ito.

"Because my parents told me to follow my dreams." Napahagikgik siya ng mahina dahil sa sobrang ka-corny-han ng binata.

Hindi niya alam kung ano ang nakain nito at binabanatan siya nito ng ganoon.

"Class, are you listening? You should listen dahil magkakaroon kayo ng quiz after the discussion." Narinig niyang sabi ng kanyang prof.

Mabilis niyang binitiwan ang kanyang cellphone at sinubukan muling makinig. Nakahalata siguro ito na halos hindi na nakikinig ang karamihan sa kanila. Not that she's being rude pero kase talaga namang boring ang History. Not to mention na boring din mag-discuss ang kanilang prof.

She was able to focus on what her professor was saying but then again, her phone vibrated and it distracted her again. She tried ignoring it but she was tempted to read it. At the end, she took her phone from her lap and read the message.

"Do you have a name or can I call you mine?" Halos mabulunan na siya sa sobrang pagpipigil na matawa ng malakas. Hay nako, she couldn't help but to adore Darren more. Why won't she? He's such a cutie. Alam niya na hindi bagay sa edad nito pero kase sobrang nacu-cute-an siya dito dahil sa pagsubok nitong maging si Boy pick-up.

Still smiling, she typed a message for him.

"I know you're corny, but still, I love you. Stop ka muna, please. We'll have a quiz baka kasi maisagot ko sa paper ko yung mga pick up lines mo."

Ilang saglit pa lang ang lumipas ay meron na naman itong reply. She must admit na kahit sinabihan niya itong tumigil muna ay naghihintay pa rin siya ng reply dito.

"Oh yeah, sorry. Goodluck. And my love for you will be forevermore."

Talagang humirit pa ito ng kanta sa huli ng text nito. She bit her lower lip to prevent her smile from spreading widely on her face.

Case #4 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon