Chapter Seven
"Bakit ba ako na naman ang nakita niyo?" Reklamo ni Key. "Kitang nagmomove on na nga ako eh. Mashaket kaya, mesheket." At inilagay pa nito ang kanang kamay sa may bandang puso nito.
Agad itong binato ng unan ni... she's not sure. Basta isa sa mga triplets ang bumato kay Key ng unan.
Nasa villa kasi sila ng triplets dahil nag-aya ang mga ito ng sleep over. Kapag ang mga ito ang nag-aya, hindi mo talaga sila mahihindian dahil napaka-persistent nila.
"Aray! Emotionally hurt na nga ako pati ba naman physically?" Puno ng dramang litanya ni Key.
Napapangiti na lang siya habang pinapanood ang pagdadrama ni Key. Hindi mo masabi kung seryoso talaga ito sa pagdadrama o ano, dahil pabiro ang mga sinasabi nito. Though, they all know deep inside, Key is really hurting.
"Huwag na nating i-bully si Key. Dahil ako ay may interesting na kwento!" Erin clapped her hands cheerfully.
"Ano yan?"
"Game?"
"Dali na!"
"We're ready."
Niyakap niya ang kanyang unan habang pinapanood silang ma-excite sa kwento ni Erin.
The nine of them were gathered in a large bed. Daig pa ang king sized bed sa laki dahil pinasadya ito ng mga triplets para daw sa mga sleep over na ganito. They want a bed that will fit the ten of them. At dahil mayaman talaga ang mga ito, na-achieve nila ang ganong kama.Sayang nga lang at wala si Ianna, nasa Greece parin ito at nagpasyang doon muna hanggang sa makapanganak.
"Ay ang tagal ng kwento. Ayoko na." Biro ni Key.
"Teka nga kasi!" Irap ni Erin bago bumaling sa kanya at ngumisi ng nakakaloko.
She looked at her innocently.
"Dapat interesting talaga yan ha, hindi ko muna sinagot ang tawag ni Nate kahit hinahanap na ako ng anak namin!" Litanya naman ni Leian na present sa sleep over. May sa power ata talaga yang triplets at kahit ang mommy na si Leian ay napapunta nila.
"Oo nga. Eto na... bakit hindi natin kamustahin ang buhay pag-ibig ni Therine!" Nakangising pahayag ni Erin.
And just like that, everybody turned on her.
"What is the meaning of this?" Tanong ng isa sa triplets.
"Can you please enlighten me?" Lj asked.
"Ay may clue na ako diyaan!" Tuwang tuwang sabi ni Key. "Uso mag-instagram mga teh!"
"Do you think I'm a person who have all the time to check my instagram account everyday?" Irap ni Lj.
"And besides, last time I check wala namang instagram si Therine." Maang na saad ni Sierra.
"Narito ang kasagutan." One of the triplets turned on the tv and connect it to the internet.
"Kaninong account ang gagamitin?"
"Gumawa na lang ng bago! Mang-i-stalk lang naman tayo eh."
Pinanood nilang magtalo ang triplets. Habang siya ay nahihiya na. She hates situations like this! Nakakailang at sobrang nakakahiya! Ayaw niya sa ganito! Can she just go and leave?
"Gorya? Seriously?" Kunot-noong tanong ni Leian.
"What a name! Ang unique ng mga pangalan niyo tapos ganyan ang maiisip niyong pangalan?" Natatawang tanong ni Key sa napiling name ng tatlo.
"Maganda kaya!"
"Tapos ang username eh..."
"Goryalicious!"
BINABASA MO ANG
Worth The Risk (Bachelorette Series 4)
RomanceBook Four of Bachelorette Series ✔️ Completed There's a type of love that's not worth keeping for, you can let it pass with no hard feelings. But there will come a time when you'll find that one great love. A love that you're willing to risk it all...