Chapter Two
"What do you think of that one?" Turo ni Rica sa isang modelo na matangkad, morena at tuwid na tuwid ang mahaba nitong buhok.
"She has a slim figure, let's see her walk." Saad niya habang pinagmamasdan ang modelong itinuro ni Rica.
Sumenyas si Rica at nagsimula ng maglakad iyong model.
"Kailangan nating maging mabusisi sa mga models ngayon. Lalo na at come back mo ito sa Philippine Fashion Week. Alam mo na, hindi ka sumali last time dahil nga sa Singapore ka nag-Fashion Week." Saad ni Rica.
Tumango-tango siya habang pinagmamasdang mabuti ang lakad ng model. Nasa isang function room sila para sa casting ng mga model para sa fashion week. Lahat ng designer na magshoshowcase ng design sa fashion week ay nandito para magbook ng mga models na siyang rarampa sa runway.
Natapos maglakad ang model at huminto sa harap nila. She smiled demurely habang hinahawi ang buhok. "I'll see you in the rehearsals." Balita niya.
Lumapad ang ngisi ng model. "Oh my gosh! Thank you for booking me. Dream ko pong makapagmodel ng mga damit niyo."
"Thank you." She muttered softly, still smiling pleasantly.
"Si Ianna ba ang finale dress mo sa runway?"
Tinignan niya si Rica. "She's on a vacation abroad. She can't make it this time. I'll have Erin."
"Oh okay. Sabagay, kahit alin naman sa dalawa show stopper parin sa finale."
Napalingon siya ng marinig ang bahagyang tilian ng mga tao at malakas na usapan sa silid. Parang mas naging maingay bigla.
"Naku! Andyan si Rye Vasquez! Is he participating in the upcoming fashion week?" Rinig niyang tanong ni Rica sa isang bading na designer na katabi nila sa presedential table.
Napayuko siya ng marinig ang pangalan nito. It's been a month since the incident in the fitting room happened. Mula noon ay hindi na niya nakita pa si Rye, in person. Wala na rin naman siyang mukhang maihaharap dito. Nahihiya parin siya sa nakita niyang milagro sa fitting room dahil hindi naman siya sanay sa mga ganoong bagay.
Inabala na lang niya ang sarili sa pagbusisi sa portfolio ng mga models. Maya-maya pa ay naramdaman niya ang pagsiko ni Rica sa kanyang gilid. Nag-angat siya ng tingin."What is it?" She asked demurely.
May nginuso ito sa kanyang tabi. Nagtatakang nilingon niya ang nginunguso nito. Halos manlaki ang mata niya ng makitang nasa tabi na pala niya si Rye. Mahinhin siyang umayos ng umupo, composing herself in the process.
"Hi." He greeted with a grin.
Tipid siyang ngumiti. "Hello." She greeted back. Bumalik siya sa pag-scan ng mga portfolio ng mga models. "Rica, can I see this model. She's tall and slim, let's see her walk." Pero walang sumagot sa kanya. Nagtataka siyang nag-angat ng tingin, kaya naman pala... abala na ang bading niyang marketing head sa pagtitig sa nasa kanan niyang si Rye. "Rica?" She called out again.
"A-ah yes? You were saying?" Pero hindi nito maialis ang tingin sa binata.
She wanted to sigh. Everyone is just so whipped with this guy beside her.
"Can you check if this model is still available. I'd like to see her." Marahan niyang saad.Wala sa sariling tumango ito at umalis sa tabi niya.
Marahan siyang umiling at ipinagpatuloy ang pag-scan sa mga portfolio. Kaylangan pa niya ng limang models. Ang kaso medyo naiilang na siya dahil nararamdaman niya ang paninitig ni Rye sa kanya. Napaangat siya ng tingin, may mga di na maiwasang mapatingin sa kanila dahil nga nasa tabi niya si Rye. He's always a standout, no doubt.
BINABASA MO ANG
Worth The Risk (Bachelorette Series 4)
RomansaBook Four of Bachelorette Series ✔️ Completed There's a type of love that's not worth keeping for, you can let it pass with no hard feelings. But there will come a time when you'll find that one great love. A love that you're willing to risk it all...