Chapter 12

15.5K 414 40
                                    

Chaptet Twelve

"Are we here?" Marahan niyang tanong.

"Almost." Tipid na sagot ni Rye habang nakatakip ang mga kamay nito sa kanyang mata.
Dahan-dahan siya nitong iginigiya kung saan man sila papunta.

Rye organized this date, at hindi niya alam kung ano ang naisip nitong pakulo at may nalalaman pang pagtakip sa kanyang mga mata.

"Okay, I'll remove my hands now."

She opened her eyes slowly to be greeted by the wide bay. Tumingin siya sa paligid, nasa wooden dock sila at napapalibutan ng mga yate.

"We're sailing." He grinned widely.

Napangiti siya habang muling pinagmamasdan ang paligid. She's still in awe. "It's beautiful in here." Hindi niya maiwasang sabihin habang pinagmamasdan ang mga mamahaling yate sa paligid.
Mabuti na lang at sinabihan siya nito na dress comfortably. Her white maxi dress and flats will do.

"Let's go." He held her hand and lead her to an expensive looking yacht. Inilalayan siya nito papasok sa yate. "I'll give you a tour. This is called saloon, sort of a living room." Saad nito pagkapasok nila.

Nilibot niya ng tingin ang lugar, mayroong kulay puting u-shaped na sofa at may wooden table sa gitna at sa gilid ay isang flat screen tv.

"

Actually, ito ang pinakamaliit na yate na pag-aari ng family namin. The bigger ones were used by my grandfather and other cousins." Saad nito habang iginigiya siya paupo sa sofa.

Napatango siya. "But it's still big."

"I'll show you the cabin." Tumayo ito kaya marahan siyang sumunod dito. Binuksan nito ang wooden door na kaharap lang ng saloon.
Bumungad sa kanila ang isang queen size na bed na may puting sheets at unan, sa gilid nito ay wooden cabinet. Actually, everything is wooden. May pahabang sofa malapit sa tatlong maliliit na bintana.
"That door is the comfort room." Turo nito sa isang pinto sa loob ng silid. "This is more like for couples of newly weds."

"The interior is very homy. You wouldn't think na nasa yate ka." She smiled.

"Let's go upstairs." Naglahad ito ng kamay, tinanggap niya iyon. Lumabas sila sa cabin at dumiretso sa hagdan na nasa gilid ng saloon.

"This is called the deck area. Andito din ang navigating area." Saad nito.

Ang laylayan ng kanyang maxi dress ay sumasabay sa ihip ng hangin habang pinagmamasdan niya ang paligid. Sa bandang dulo ay ang tinutukoy nitong navigating area sa harap naman ay mayroon ulit u-shape na sofa at center table.

"This is also called the sky lounge." Saad nitong muli. Itinuro naman nito ang pinakaharap na bahagi ng yate. "May mga nilalagay na sun lounger diyaan, for sun bathing purposes. It also serves as view deck." Paliwanag nito. Dumiretso ito sa navigating area at pinaandar ang yate.

"You know how to drive this?" Maang niyang tanong. Ang akala niya ay may driver o kung ano.

Ngumisi ito at tumango. "I'm not just a model." He shrugged.

Pinaupo siya nito sa sofa at pinanuod niya lang ito habang minamaniobra ang buong yate. Napaka-manly nitong tignan habang may mga kinakalikot at hawak ang manibela. Hindi niya maiwasang mapangiti. He looks very attractive on it.

Rye is courting her for months now and she can see the big change in him. Sabi nga ni Ianna nang minsang magkausap sila sa phone dahil nasa ibang bansa parin ito, mukang nagpapakatino na si Rye at wala na ang pagka-notorious playboy nito. Patunay lang daw na seryoso talaga ang binata dahil kung gaya lang siya ng mga flings nito matagal na itong may bagong babae. That's why she's beginning to trust him more.

Worth The Risk (Bachelorette Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon