Chapter 11

15.8K 406 30
                                    

Chapter Eleven

"Ay bongga!"

She is busy cutting a pattern from the fabric on her working table when Rica startled her. Mabuti na lang at hindi siya nagulat ng sobra, muntik ng mabangking ang ginugupit niya.

"Kailangan mo na talagang magka-instagram account. Trending ka na naman sa social media!"

Napakunot-noo siya habang pinapanood itong prenteng nakaupo sa couch at nakatitig sa phone.

"Lika dali!" He ushered her to come closer.

Marahan niyang inilapag sa mesa ang gunting at lumapit dito.

"Tignan mo o, nag-upload si Rye ng picture mo." Inilahad nito ang cellphone sa kanya.

Inabot niya iyon at tinignan ang sinasabi nito. Agad siyang namula ng makita ang tinutukoy nito. She is all smile and chuckling in the photo. Kuha ang picture na iyon nang huli silang magkita bago umalis si Rye papuntang Thailand para sa isang modeling commitment. They had a simple date that time, actually sa workroom niya dito sa Crescent sila kumain and Rye insisted that it is considered as a date. Kagagaling niya sa isang client meeting at may iniru-rush siyang dress that time and it's the only free time left for Rye before he fly to Thailand kaya dito na sila sa workroom niya.
She remember the history of the picture and she can't help but smile. Kakatapos nilang kumain and they're engulfed in their random conversation when Rye suddenly took his phone out and started taking pictures of her. He cracked a very silly joke that made her laugh, hindi niya alam na nakuhanan pala nito iyon ng picture.
Gumala ang tingin niya sa caption nito,

I can stare at this the whole day. 6 days, 8 hours and 32 minutes of terribly missing her :(

She smiled sadly, she must admit... she misses him too. Buong linggo na itong nasa Thailand, over those days ay lagi naman silang magkausap sa phone and big thanks to facetime. Kada may free time ito sa work ay siya ang unang tinatawagan nito. She can't help but be touched with that gesture, especially now that she's indeed... falling for him.

"Earth to Therine." Winagayway ni Rica ang kamay nito sa kanyang harap.

She blinked and return his phone.

"Admit it, you miss him too." Bakas sa tono nito ang panunudyo.

She blushed and slowly nodded.

Sunod niyang narinig ang tili nito. "My gosh! Nakakakilig kayong dalawa, hindi ko kinakaya ito. Makababa na nga lang at mag-e-entertain na lang ako ng clients natin sa baba." Pinaypayan nito ang sarili bago lumabas ng silid.

She giggled softly and rest her back on the couch. She closed her eyes tightly, she missed him so bad too. Hindi niya namalayan nasanay na rin siya sa presence nito, ito kasi ang pinakamatagal nitong pag-alis simula ng nanliligaw na ito sa kanya. But of course she understand, it's for work.

Tumunog ang kanyang cellphone na nasa coffee table. Inabot niya agad iyon, hoping that it's Rye. Lumapad ang kanyang ngiti ng magflash sa screen ang pangalan nito.

"I miss you." Bungad nito.

"Same here." She uttered shyly. Medyo nahihiya parin siya pero yon ang totoo eh. She missed him too.

"Damn! I badly want to see you right now." He groaned.

Muli siyang sumandal sa couch at tumitig sa pader na nasa harap niya habang hawak ang phone sa kanyang tenga. Ganito ang laging linya nito.

"Facetime?" She suggested.

"Yeah, I have a good news." Tinapos nito ang tawag at mabilis na nagconnect sa facetime.

Worth The Risk (Bachelorette Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon