Masaya ang mga tao sa ginagawa ko na kahit ako napapangiti. Ngunit sa likod ng kasiyahan, dito nakatago ang tunay na ako. Mga make-up na makakapal, costume na sobrang init kung suotin at wig na ibat-iba ang kulay. Isa lang naman ako sa milyong milyon na tao na gusto mapasaya ang mga batang may sakit sa hospital. Sila ang dapat mabigyan ng atensyon at ngiti sa kanilang mga labi. Sila rin ang dapat alagaan at bigyan ng lakas ng loob para mabuhay at wag isiping araw na nila. They deserves to live longer and make them feel that their life is important.
"Pre, hindi mo kailangang gawin ang mga bagay na ito para lang ipakitang masaya ka sa mga bata. Hindi mo maibibigay ang buhay mo sa mga batang iyon. Pre hindi mo kayang gawin yun hindi ka Diyos." sabi ni Kenneth na matalik kung kaibigan. Nag-aayos kasi ako ngayon ng itsura ko dahil mamaya lang magpapakita na ako sa mga bata. Hinarap ko si Kenneth.
"Hindi nga ako Diyos para mabuhay pa sila ng matagal pero may kakayahan akong pasiyahan sila gamit ang aking talento sa pagpapatawa. Gusto ko lang na bigyan sila ng lakas ng loob para lumaban sa sakit nila. Alam mo ba ang mga ngiti nilang kay tamis ay kay sarap pagmasdan. Kahit na hihirapan na sila na kakayanan pa nilang ngumiti at tumawa para lang ipakitang masaya sila. Ganon din ako kahit may mga problema ako araw-araw kinakaya ko dahil walang wala ang problema ko sa sakit na kanilang dinadala. Dito ako masaya kaya ipagpapatuloy ko ang nasimulan ko."
Pamilya ko galit sa akin dahil wala daw akong mapapala sa ginagawa ko pero hindi ko sila pinakinggan masaya ako sa buhay na pinasok ko.
"Hi mga bata"

BINABASA MO ANG
From Quotes to Stories
De TodoAng librong ito ay naglalaman ng iba't ibang kwento mula sa iba't ibang mga manunulat sa bansa. Ang mga kwentong inyong mababasa ay pawang mga interpretasyon ng mga manunulat sa mga siping ibinigay ng grupo.