Literally Rejected by Joy Vasquez

7 1 2
                                    

I was rejected by my first love, and worst, ipinahiya pa ako sa harap ng mga kapwa namin estudyante. Na-realize ko na ganoon nga siguro ako kapangit sa paningin ng ibang tao, at dahil sa nangyaring iyon, one year ago ay nawala ang confidence sa aking sarili at mukhang matatagalan pa bago ko ito makitang muli. Waring namumuhay na lamang ako sa anino ng aking sarili at sa tunog ng musikang malamyos sa aking pandinig, waring nagsasabing may kasama ka at hindi ka nag-iisa.

Ngunit nagbago ang lahat ng iyon nang may nag-abot ng mga religious group na flyers sa labas ng aming eskwelahan, walang gana kong binasa ang nakasulat doon, ngunit pinaulit-ulit kong basahin ang unang linya sa papel dahil tila ba hinaplos nito ang nahihimbing kong puso, ang nakasaad sa Papel ay... "Ginawa tayo ng Panginoon ayon sa kanyang imahe." Napaisip tuloy ako at na-realize ko ang isang bagay na wala naman talagang pangit, may mga tao lang talagang mapanghusga.

Ibinaliktad ko pa ang flyer at may nabasa ulit na isang bible verse at ito naman ang nakalagay, "love one another as I have love you," and with that, biglang lumuwag ang pakiramdam ko.

Hindi naman pala talaga ako nag-iisa, dahil kasama ko ang Panginoon. Kasama ka niya at kasama niya tayo saan man tayo magpunta, dahil mas mahal niya tayo kaysa sa lubos. Sa mga nalaman ko ay pinatawad ko na rin siya dahil iyon ang magandang paraan upang ipakita sa kan'ya na sa mga panglalait niyang iyon ay may natutunan pa ako at bumalik ulit ang pagmamahal ko sa aking sarili na natagpuan ko sa pagmamahal ng Diyos.

And don't feel down because with God, everything is above all.

From Quotes to StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon