Where Do I Begin

5.3K 25 5
  • Dedicated kay quenniecagampang
                                    

Ako si Gerald Anderson. Bata palang ako ay kumakayod na ako ng husto para lang matulongan ang nanay ko sa pang-araw  araw na gastosin.  Ako na ang bumubuhay sa aking pinakamamahal na ina Dahil hindi niya kayang magtrabaho dahil sa kanyang mabigat na karamdaman. Mahal na mahal ko ang aking ina kaya gagwin ko ang lahat para mananatili lang siyang buhay at kasama ko. Hindi ko alintana ang hirap at pagod basta makita ko si inay na lumalaban sa kanyang sakit.

Ang aking ama ay isang amerikano. Iniwan kami ni nanay ng nalaman niya na maysakit ang aking ina. Masakit sa part ko na ngayong may sakit na ang aking ina ay saka naman siya iniwan ng lalaking akala niya ay mahal siya nito. Na ang kanilang sumpaan ay walang sino man ang makapahiwalay sa kanila. Na for better or for worse till death do us part. Pro hindi nagkatotoo.

Hanggang salita lang ang aking ama. Pro wala sa gawa. Kaya pinangako ko sa inay na hindi ako gagaya ng  aking ama na  walang ginawa kundi iwan siya sa kalagitnaan ng laban. Mahal na mahal ko ang aking ina higit pa sa aking buhay. Siya ang babaing kailan man ay hindi ko ipagpalit sa buong mundo.

Pro dumating ang araw na hindi ko inaasahan na bumitaw na si mama sa laban. Ayaw na niyang lumaban dahil sabi niya hindi na niya kaya.  Pikiusap ko sa kanya na huwag  niya akong iwan sa mga sandaling ito. Dahil paano ako mag-iisa na lang. Pro ang sabi ni mama. Anak lalaban ako hangat  kaya pa ng katawan ko. Pro hindi natin pag-aari ang buhay eh. Siya ang may ari ng buhay natin. Turo ni mama sa itaas. Umiiyak na ako.  Tandaan mo anak hindi ka mag-iisa sasamahan kita sa lahat ng oras saan ka man magpunta. At wala ng hahadlang pa sa akin, sa panahon na yan dahil kaya ko ng gawin ang hindi ko kayang gawin ngayon ng ako ay nabuhay pa.

 Ma, huwag kang magsalita ng ganyan para ka namang namamaalam na eh. Anak kailangan kong magsalita. kailangan kong pagaanin ang loob mo. Kahit kunti man lang maibsan ko ang kalungkotan mo sa nalalapit na paglisan ko.  Oh ang baby ko parang bata parin kung umiyak. Sabi ng mama ni Ge habang nakangiti sa anak. Anak kailangan mong intindihin at tangapin na ang buhay ay may hangganan.

Walang sino man ang mananatili sa mundong ito. Salamat anak dahil naging anak kita. Im so proud of you. At hindi ako natatakot na iwan ka ngayon dahil alam ko kaya mo nang mag-isa at kaya mong ipagpatuloy ang buhay na may dignidad. Patawarin mo na ang ama mo sa kanyang pag-iwan sa atin. Alam kong mahal na mahal niya tayo wala siyang lakas ng loob na tingnan tayong naghihirap dahil sa karamdaman ko.

Ma, pinagtanggol mo pa si papa. Hindi ka man lang nagalit sa kanya na iwan kang nag-iisa na lumalaban sa sakit mo at sa kahirapan ng buhay? Anak duwag ang ama. Kilalang kilala ko siya. Ayaw niya ng mga malulungkot na pangyayari.  Hindi ko siya masisi dahil pinalaki siya ng ganyan. Pro ikaw, napakalakas mo. Napaka tapang mo. Kaya proud ako sayo.

Alasin na yang galit sa puso mo anak. Dahil hindi yan maganda. Nagdudulot lang yan ng pait sa puso natin. Pag wala na ako, Patuloy kang lumalaban at huwag kang susuko sa kahit na anong pagsubok sa buhay mo. Isapuso mo lang na ang lahat ng pangyayari sa buhay natin ay paraan ng dios para tayo maging matatag at maging matapang sa kahit na anong darating sa buhay natin.  Mahal na mahal kita anak salamat sa lahat at inaalagaan mo ako. Oh lord help me. Yan ang last word na nasabi ng mama ni Ge at binawian na siya ng buhay.

Where Do I BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon